Kabanata 2

1423 Words
Kanina pa naiinis si Rhezi. She looked at her phone and pout. She even tapped the table in front of her. She sighed. She is very impatient. Especially, if the thing is related to food. Nasa canteen sila ng eskwelahan. Pagkatapos ng huling subject nila kanina ay agad na silang nagtungo roon. Malaki ang lugar at maraming bakanteng mesa at upuan. Malinis din itong tingnan dahil sa kulay puti nitong interior. Glass wall din ang dingding nito kaya kita ng dalaga ang tanawin mula sa labas ng kanilang eskwelahan sa kaniyang kinaroroonan. Rhezi looked around the canteen. She saw her bestfriend Mics at the counter, ordering food for them. Nasa unahan ito sa linya ng mga kakain ding estudyante. Iyon nga lang, mukhang matatagalan ito dahil sa dami ng pila ng mga estudyante sa kanilang school canteen. "Ayos ka lang, Rhezaliza?" Sumimangot siya at binalingan ng tingin ang isa pa niyang kaibigang si Carmina. She roll her eyes on her. Kung hindi lamang ito Muslim ay aawayin na niya ito. She hated to be called by her first name. Mas gusto niya ang kaniyang palayaw na Rhezi. More classy and appealing. "Stop calling me that, Carmi!" may inis sa boses niyang wika sa kaibigan. Natawa naman ito ng mahina at inayos ang hijab nito. "Sorry, Rhezi." Rhezi sighed, again. Gutom na gutom na siya dahil hindi naman siya kumain ng lunch kanina. Bukod pa roon ay sinadya niya talagang hindi kumain. May dahilan siya kung bakit niya ginagawa iyon. Isang magandang dahilan. Sa naisip ay napangiti na lamang ang dalaga. Namumungay ang mga mata na tila ba nananaginip ng gising. Tumitibok-t***k din nang mabilis ang kaniyang batang puso. Kapagkuwan, ay magaa ang pakiramdam na nakapangalumbaba siya sa mesa habang may ngiti sa labi. "Kumain ka ba kanina, Rhez? Bakit mukha kang baliw d'yan?" tanong ng isa pa nilang kaibigang si Tin. Hindi na namalayan ng dalaga na pati ito ay nasa mesa na rin nila. Apat silang magkakaibigan sa kanilang eskwelahan. Ang Saint Benilde College na isang private school. Eksklusibo lamang ito sa mga mayayaman at kabilang na nga sila sa nabiyayaan ng swerte kapag pera ang pag-uusapan. Rhezi's family owned a chain of hotels. Habang ang kaniya namang kaibigan na si Carmina ay isang Muslim princess na mula sa Malaysia. Her other friend Mics is a daughter of a politician while Tin's family is an old rich from Visayas. Pawang matatalino rin ang grupo nila. They excel in every curriculum in Grade Twelve. They compete in every competition outside their school. Regional or even international competition. They won because they're smart. At siya ang pinakamatalino sa lahat. Iyon nga lang, siya rin ang pinakamabigat. Sinamaan ni Rhezi ng tingin ang kaibigang si Tin. Tumaas rin ang kilay niya, kapagkuwan. Natawa muli ang kaibigan niyang si Carmina kaya maging ito ay binalingan niya ng tingin at tinaasan ng kilay. Surely, Tin and Carmina are both beautiful. May kaniya-kaniyang ganda ang mga ito at style. Even, her friend Mics is also beautiful. "Why are you here, Tin? Akala ko ba may date kayo ng jowa mo?" mapang-asar na tanong niya dito. Nang natigilan ito ay natawa siya ng mahina. "Break? Poor boy!" dagdag pa niya. Ito naman ang tumingin sa kaniya ng masama. "He cheated on me. What should I do? Hindi ako martyr, noh!" inis na sagot naman nito. Nagkibit-balikat si Rhezi. Tiningnan niyang muli ang kinaroroonan ni Mics at nakitang papalapit na ito sa kanila. She smiled when she saw the large size pizza that Mics is holding and a large coke in can. Tiyak niyang masisira na naman ang plano niyang mag-diet. Wala munang diet-diet dahil gutom na talaga siya. "Ang tagal mo, ah!" salubong kaagad niya sa kaibigan na kakaupo pa lamang sa kaniyang tabi. Inilapag muna nito ang box ng pizza bago siya tinampal sa braso. "Ikaw kaya pumila roon. Alam mo nang gitgitan. Buti na lang, crush ako ni kuyang cashier," kinikilig na wika nito. "Eww!" sabay na sabi ng tatlo. "Tseh! Mga KJ!" sagot naman nito. Natatawa na lamang si Rhezi habang sinusulyapan ang lalaking tinutukoy ni Mics. Napapailing din ang dalaga dahil sa kaniyang naiisip. Payat kasi ang lalaki sa counter at hindi naman gaanong kagwapuhan. Malayong-malayo sa bago niyang crush. They ate in silence. Parang may kaniya-kaniyang mundo at hindi magkakakilala. Kaniya-kaniyang kuha sa pizza na nasa kanilang harapan. Walang pansinan o imikan. Halatang gutom mula sa mahabang klase. "In love yata itong si Rhez. Kanina pa nakangiti, eh. Adik lang!" komento ng kaibigan niyang si Tin. Bago sinagot Aang akusasyon nito ay isinubo niya muna ang huling piraso ng pizza na kaniyang hawak. Uminom din muna ang dalaga nang kaniyang coke bago ito hinarap. Kaagad ang pagtaas ng kaniyang kilay. "What do you mean?" inosenteng tanong niya sa kaibigan. Sinulyapan niya rin ang dalawa pang kaibigan na tapos na rin sa pagkain. "You keep on blushing and smiling like an idiot, girl. Duh!" Pinaikot nito ang mga mata. "Sinong crush mo? Baka pwedeng pa-share?" dagdag pa nito. "Ayaw ko nga!" Mabilis na natutop ng dalaga ang bibig. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tiningnan ang kasama niya sa mesa. Pawang mga nagulat ang mga ito at laglag ang panga. Gusto sanang matawa ng dalaga ngunit hindi sa pagkakataong iyon. Buking na siya sa sekretong gusto niyang itago sa mga ito. "Who?" tanong ni Mics. Walang nagawa si Rhezi kundi sabihin ang lahat sa mga kaibigan. Ikinuwento niya sa mga ito ang unang beses na nakita niya ang kaniyang crush. Kung paano nito nagawang mapabilis ang t***k ng kaniyang puso at kung gaano ito kagwapo. Perpekto pa nga para sa kaniya. Iyon nga lang, pitong taon ang tanda nito sa kaniya. "Amazing!" wika ni Tin na tila kinikilig. "Tsk! Magkakagusto ka na lang sa imposible pa! Hay, naku! Umuwi na nga, tayo!" suhestiyon naman ni Mics. Sumimangot ang dalaga. "Walang imposible, noh! I am Rhezaliza Lagdameo. Nothing is impossible to me. Remember that!" "Taray! Magpapayat ka muna!" sagot naman nito. "Why are you like that, Mics? Nakakainis ka!" reklamo ng dalaga. Tumayo si Rhezi. Totoong mataba siya dahil mahilig siya sa chocolate. Bukod pa roon, mahilig din siya sa softdrinks at heavy meals. Hindi naman siya ganoon kataba. She is chubby not obese. Naunang maglakad si Rhezi papalabas ng canteen. Sumunod din ang kaniyang mga kaibigan na umiiling na lamang na nakatanaw sa dalaga. Alam ni lang bad mood na naman ito dahil sa kanilang ginawa. They are just teasing her. But, Rhezi is very serious. Lalo na kapag ang timbang ang pag-uusapan. Bitbit ang mamahaling shoulder bag at mga gamit sa eskwelahan ay naglakad ang apat na magkakaibigan. Pinagtitinginan kaagad sila ng mga kapwa estudyante sa campus. They were wearing their school uniforms. Puting polo shirt na may logo ng kanilang school sa may dibdib at isang plain navy blue skirt na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Exception nga lamang ang kaibigan nilang si Mina dahil slacks ang suot nito. "Mauna na ako sa inyo. May pupuntahan pa kasi ako," wika ng kaibigan niyang si Mina. Kakarating lamang nila sa waiting area ng school. Rhezi is sitting on the chair. She looked at her Piaget watch. Regalo iyon ng kaniyang mommy sa kaniya noong nanalo siya sa quiz bee ng eskwelahan. Nakita ng dalaga na mag-aalas-singko na ng hapon. She looked at Mina and nodded. Maging ang dalawa niyang kaibigan ay tinanguan niya rin. Alam niyang malapit na ang sundo niya kaya mauuna na siyang magpaalam sa mga kasama. "Where are you going, Mina? Hindi ka pa ba tapos d'yan sa pagiging fanatic mo sa banda ni Uno?" nakakunot ang noong tanong ng dalaga sa kaibigan. Umiling ito. "Mauna na ako." Tinanaw na lamang ng dalaga ang papalayong pigura ng kaibigan. Bitbit nito ang shoulder bag habang mabilis ang mga hakbang. Halata sa kilos nito ang pagmamadali. Napailing si Rhezi. Mina is in big trouble. Natigil ang anumang iniisip ng dalaga nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nang tingnan niya iyon ay isang hindi nakarehistrong numero ang kaniyang nakita. She cancelled the call but the caller is very persistent that she didn't have a choice but to answer it. "Hello?" tanong ni Rhezi sa kabilang linya. "Where are you?" Tumigil ang pagtibok ng puso ng dalaga. Napakurap siya at tiningnang muli ang screen ng kaniyang cellphone. Hindi man niya nakikita ito, kilala naman niya ang boses niyon. Sino ba namag hindi. Naging habit niya na ang pagiging stalker ng bago niyang crush. Ang dahilan kung bakit siya magpapapayat. Ang dahilan ng pagbilis nang t***k ng kaniyang batang puso. Kraius Montreal. @sheinAlthea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD