"I'm going back to the U. S next month, you want to come?" nagulat ako sa sinabi ni Kuya sa akin. Babalik siya tapos iiwan nanaman niya ako? "Iiwan mo nanaman ako, Kuya?" nalungkot ako bigla, kasi iiwan niya nanaman ako. "No. May aayusin lang ako doon. Pero kung gusto mo sumama, okay lang. Para naman makapag pag-enjoy ka naman pa minsan-minsan." Napangiti ako sa sinabi niya pero ayaw kong iwan si Bry. Si Bry ang iniisip ko. "Pag-iisipan ko pa, kuya." Sagot ko sa kanya at ngumiti siya. "How's Bry?" tanong naman niya. "Okay naman, Kuya." tipid kong sagot dahil halos isang linggo kaming hindi pa nagkikita. "Speaking of... siya yata yung nandoon sa gate?" napatingin ako sa gate at nakita ko siyang nandoon. Nagmadali akong lumabas para pagbuksan siya. Tumambad ang pogi kong boyfriend! Y

