Sobrang aga kong nagising at nakaligo na din ako. Naka blue croptop lang ako at maong shorts. Nakapag ayos na din ako ng gamit at nilagay sa maleta ko pero maliit lang. Nag vibrate na ang phone ko at nag message na sila Carol na nasa lobby na daw sila sa baba. Paglabas ko saktong lumabas si Bryce kaya napaiwas ako ng tingin. Sumabay siya sa akin sa paglalakad, siyempre wala nanamang imikan. "Good morning." He greeted me while he was smiling. "Morning." Sabi ko. Magkatabi kami sa elevator at amoy na amoy ko yung pabango niya. Lakas makahila ng babae! Tapos naka shorts siya ng itim at naka white na polo, summer na summer, ha? Nagsuot pa ng itim na shades. Edi mas lalo siya gumwapo! Pagdating namin sa baba nandoon na silang lahat at kami na lang ang kulang. Tapos yung mga pormahan ng

