Ilang linggo na simula ng mangyari yon sa amin ni Bryce na nakulong kami sa freezer. Pero 'di ko pa rin makalimutan yung paghalik niya sa akin. Hindi ko alam kung bat niya ako hinalikan. Si Bryce Ellana ay matangkad, matangos ang ilong, maputi at gwapo. Kaya maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. "Darating si Kimsey mamaya, nag aaya pumarty." Sabi ni Jas dahil magka-videocall kaming tatlo. "Sure, anong oras ba?" tanong ni Carol. "8PM, ikaw ba Rae?" tanong sa akin ni Jas. "In." Sagot ko. Siyempre sabihan na naman nila ako ng killjoy pag di ako sumama. Tsaka si Kimsey kaibigan din namin at umuwi siya galing States. Party girls sila at ako hindi, kaya lagi nila ako nasasabihan na KJ. "Okay, see you later girls!" and they ended the videocall. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng m

