Nakabihis na ako at naka playsuit black ako na kita ang cleveage ko. Tapos nakalugay lang ang buhok ko. Ngayon lang ako mag susuot na ganito para 'di ako ibully ng mga kaibigan ko. Pag mag pa-party kasi kami naka jeans lang ako at tshirt tapos sila ang se-sexy nila. Siyempre nagmumukha akong manang pag ganon. Kinuha ko na ang pouch ko para bumaba na. Kasi naghihintay na sila Carol at Jas sa baba ng condo. Nananatili akong cold parin kay Bryce, kahit wala siyang pakialam. Sumakay na ako sa elevator kasi kanina pa tawag ng tawag yung dalawa. Mga uhaw sa alak. Tapos hahanap sila ng pweding lalandiin. Pero support pa rin ako sa kanila, alam na nila gagawin nila. Nakita ko na sila Carol at Jas, they both sexy! Naka red body-con si Carol tama lang sa nakalugay niyang buhok. Tapos si Jas naka

