"By the way, I'm Travis Sandoval." Dinig kong sambit ng lalaki na siyang mabilis lang na umikot upang makaupo sa driver's seat. "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi na nga ako tumatanggap ng lalaki? Pakawalan mo na ako, parang-awa mo na!" hiyaw ko nang buksan nito ang engine ng kaniyang sasakyan. Tumawa lang ito at tuluyan na ngang pinausad ang kotse paalis sa Hospital, kung saan niya ako balak dalhin ay hindi ko alam. Binalak ko pang kumawala kanina ngunit mapilit siya. Halos manuot pa sa palad ko ang talim ng mga kuko sa sobrang pagkakakuyom ng kamao ko. Matalim ang mga matang binalingan ko ulit ito, handa na sana siyang bulyawan. "What do you want? A cup of coffee?" aniya na siyang nagpatigil sa akin. "Ha?" takang tanong ko sa biglaang pag-iiba nito ng mood. "Sabi mo ay hindi k

