Mommy? Bata pa ako, uy! Bente pa lang ako. Isa pa, ayoko pang magkaanak lalo at kung kasing tigas ng ulo nitong si Mikaela. Maganda pang tumandang dalaga. Sa sinabi nito ay tumawa si Sir Mirko. "Hmm, not sure, baby. For now, just call her Ate Ellena. She will be your big sister." "Oh! Kaya pala sabi ni Mommy Tyra, hilig mo raw mag-ampon." Humigikgik si Mikaela na para bang may nakakatawa habang ako ay tanging pagkunot na lang ang noo. Rason din iyon upang humagalpak ng tawa si Sir Mirko kaya hindi na rin ako magtataka kung kanino nagmana si Mikaela. Mayamaya lang ay nasipat ako ng tingin ni Sir Mirko. "Gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?" aniya at walang pasabing hinawakan ang noo ko na para bang may dinaramdam akong sakit o lagnat. "O—okay naman, Sir. Nahilo lang ako kanina

