Napahinga ako nang malalim, nakaalis na si Mirko ngunit hanggang ngayon ay dinig na dinig ko pa rin ang malakas niyang pagtawa sa utak ko. Hindi ko mawari, pinaglalaruan lang ba niya ako? Ang sarap niyang sakalin, hilig mambitin. Tsk tsk. Nailing na lamang ako sa kawalan, nabitin man ay wala na rin akong nagawa dahil kailangan na niyang umalis para makabalik na sa trabaho. Bandang alas kwatro nang sunduin namin ni Manong si Mikaela sa school, hindi rin naman nagtagal nang makauwi kami kaagad kaya ngayon ay panay na naman ang likot ni Mikaela. "Mommy!" tili nito kaya napalingon ako sa pwesto niya. Naroon siya sa hamba ng kusina habang hawak-hawak sa kamay ang isang kawali at ipinapakita pa sa akin. Nangunot ang noo ko, ano na naman ba ang balak nitong gawin? Sandali akong umahon mula

