"No way!" hindi makapaniwalang bulalas ng matanda. "You're a liar, Mirko!" Bakit ba galit na galit siya? Bukod sa napagkamalan ko itong ibang tao, isama na rin ang pagtataas ko ng boses kanina na siyang tama naman para sa karapatan ko ay ano pa ang ikinagagalit niya? May utang ba ako na hindi ko nabayaran? Mahirap lang ako pero hindi ako utangera at sa pagkakatanda ko rin, bayad na kami ni Inay sa lahat ng pinagkakautangan namin. Ngunit heto siya at ang laki ng galit sa mundo. Ito na nga rin ba ang sinasabi ko. Literal na hindi na ako nito magugustuhan para sa anak niyang si Mirko dahil sa unang encounter namin. Hindi ko na mababago kung ano ang first impression nito sa akin. "She's not a maid, she's my girlfriend," pag-uulit pa ni Mirko sa mababa ngunit madiing boses. Gusto ko pa sa

