Naiwan siyang umupo sa couch ng sala nito. Tatanda yata siya ng maaga sa pag-iisip kung paano niyang mapapirmi ang dalaga. Mukhang hindi talaga siya nagkakamali na marami pa itong lalaki maliban sa tatay niya. His respect for his father lessens. Malayong-malayo ang babae sa nanay niya na sopistikada at elegante. Hindi niya maisip kung ano ang nakita ng tatay nito sa babae at pumatol. Blangko siyang nakatingin sa nakapatay na telebisyon sa harap habang nilalaro ang labi. Hindi pa rin lumalabas ang babae sa kwarto nito. Agad siyang tumayo at sinalubong ito nang bumukas ang pinto ng kwarto nito. With his eyes on rage and his breathing is heavy, "Hindi ka man lang ba talaga magpapa-liwanag? Anong ginawa mo kagabi? Sinong kasama mo?" Ito pa ang may ganang tingnan siya ng masama bago siya t

