Nag-aya nang umuwi si Angel nang lumabas sila ng sinehan. Anong oras na rin at malamang ay madilim na sa labas. Natulog lamang siya dahil sa sobrang boring ng palabas. Pansin niya rin naman na na-bo-bore na rin si Elijah dahil sa tinatago nitong mga hikab. Iniirapan niya lamang ito kapag humaharap sa kanya. Habang naglalakad palabas ng mall ay nadaanan nilang ang mga designer brands ng mga damit kaya walang pagpipigil na pumasok siya sa Gucci store. She just wants to buy for her normal dress. Kadalasan niya kasing damit na dala ay pang-clubbing, Iyon kasi ang na-picture out niyang gawin sa buong stay niya sa Pilipinas noon. Hindi niya akalain na magiging inosenteng priso siya. Pinulot niya lamang ang bawat nagugustuhan ng mata niya. Her time is limited. Ilang sandali lang ay darating n

