Pati sa panonood nila ng sine ay sumama si Leandro. Pinag-kibit-balikat na lamang niya ang napapansin na mas magalang na bati sa kanila ng mga staff doon. Habang nanonood sila ay tumunog ang phone niya. Hudyat na may nag-chat sa isa sa mga social media na naroon. Tiningnan niya muna ang kapatid na tuwang-tuwa sa nakikita. Nag-uusap pa sila ni Leandro na parang nagkakaintindihan talaga kahit halos hindi marinig ang mga boses nila. It's through i********:. 'Your son, huh?' Mangha na inikot niya ang mata sa loob ng sinehan dahil pakiramdam niya ay nasa paligid lang si Elijah. Tinitigan niya lamang ang chat nito at walang balak na reply-an. "Avery? Are you okay?" silip na tanong sa kanya ni Leandro. She smiled, "Of course." Ibinulsa na niya ang hawak na phone at sinubukan na aliwin an

