"Manuel! I miss you!" masayang bati niya sa may katandang lalaki na papunta sa kanya. Tumawa ito nang makita ang reaksiyon niya. Nang makita na tumatawag ito kanina para makipagkita ay wala siyang pag-alinlangan na pumayag kahit gusto niya pa sanang magpahinga, "How are you na?" bati niya at niyakap bago siya halikan nito sa pisngi. They agreed to meet at the Italian restaurant near her condo.
"Bakit hindi mo ako tinawagan na nasa Pilipinas ka na? Ako sana sumundo sa 'yo." Napanguso siya dahil kahit istrikto ang mukha nito ay mapagbiro at malambing ito. Pinaupo na siya nito bagot ito umupo sa tapat niya.
"I know, but I wanted to surprise you though," she said and laughs. Umiling lamang ito at nag-tawag ng waiter. She dreamily looks at his face, but she could see the face of the guy she had s*x last night. Agad niyang pinikit ang mata para mawala iyon sa isip niya.
"Anyway, mabuti at pinayagan ka ng Papa mo na bumisita dito sa Pilipinas."
"He has no choice, e." Kumunot ang noo nito na parang binabasa siya ngunit iniwas niya ang tingin para makuha nito na ayaw na niyang pag-usapan pa ang Papa niya.
Ngumiti ito at inabot at kamay niya, "My baby is getting prettier," sabi nito.
"Wait, how many birthdays I had that you missed?" pinaliit niya ang mata para ipakita na nag-iisip siya at naniningil. Bumunghalit ito nang tawa at umiling na parang alam na nito ang ibig niyang sabihin.
"Okay, I get it." Sabay silang natawa dahil sa pinag-uusapan. This only means one thing and its shopping time!
May inabot na cellphone ang secretary nito na may binulong kaya natigil sila. "Let me answer this, okay?" paalam nito. Tumango naman siya at ipinagpatuloy ang hindi pa nauubos na pagkain.
"Elijah?"
"Can't we reschedule that, son?"
"Alright," huling sabi nito bago binaba ang tawag at ibinalik ang phone sa secretary nito. "I'll fill my missed gifts tomorrow na lang, can we do that?" he breathily said.
She just smiled, "Of course, if that is about work?" tanong niya. Tumango ito at humihingi ng pasensya itong nakatingin sa kanya. She laughs, "What? Come on, it's okay."
"I need to go. I'll call you," paalam nito bago tumayo at hinalikan siya sa ulo. She smiled while waving her hands habang palabas ito ng restaurant.
She checked her phone for any plans today, but she guesses mamaya na lang siya manggugulo sa mga kaibigan. She's on vacation kaya wala siyang ibang iisipin kung hindi ang gumala at magsaya bago pa man mawala ang chance na ito sa kanya.
"Hi," napa-angat ang ulo niya dahil sa nagsalita. Nakaupo ito sa harap niya habang seryoso ang mukha. Her eyes widen after recognizing the face. It's the friendly-looking but she knows better after their one-night stand face. It is the guy she had s*x last night.
"What's with the shock face?" tanong nito habang may mapaglarong ngiti at malalim na nakangiti ito. Nakaramdam siya nang kaba at hindi niya alam kung bakit.
Iniwas niya ang mukha bago pumikit at huminga nang malalim, "I'm sorry, who are you again?" tanong niya at pinaskil ang ngiti sa labi.
Tumawa ito bago lumipat ng upo para tumabi sa kanya, "You were not that sore to forgot me, Miss?" bulong nito sa kanya na naghatid ng kakaibang tindig na balahibo niya sa batok.
"I'm sorry, you must be mistaken." Ewan niya kung bakit naduduwag siya. Hindi naman siya ganito sa ibang naka-s*x niya noon. It was supposed to be one-night stand and she don’t know if she'll be able to handle him again.
Balak niya na sanang tumayo para iwan ito nang hawakan nito ang braso niya, "Lumayo ka sa lalaking kausap mo kanina, naiintindihan mo?" mariing bulong nito habang humihigpit ang hawak nito sa braso niya. Agad niyang binawi ang braso at tuluyang naglakad paalis.
Tiningnan niyang muli ang pinanggalingan at nakitang mariin pa rin na nakatingin sa kanya ang lalaki. She did not expect what he just told her at walang siyang maisip na rason kung bakit nito iyon sinabi sa kanya. Iba pa naman ang naiisip niya sa muli nilang pagtatagpo ng lalaking iyon. May mga bagay talaga na dapat hindi mo na hihilingin na may kasunod para hindi ka madismaya.
"Hi!" she greeted her friends. Nagkayayaan ang mga ito na mag-clubbing na naman. And who is she to complain? Kailangan niya naman ito para mawala ang lalaking iyon sa sistema niya.
"May iniinda ka pa rin, Mamsh?" tanong ni Angelo sa kanya. Nahalata siguro nito ang pagiging matamlay niya.
"Hard liquor will be the key for that, Avery!" tumatawang sabat ni Helen. Umiling siya at napangiti.
"One s*x from the Philippines at tuluyan nang nabangag ang isang Avery Johnson!" tumatawang kantsyaw sa kanya ni Wendy.
"May iniisip lang, isasayaw ko lang 'to mamaya," she answered.
"Ay! May chika ako—the guy kagabi? Kapatid pala 'yon ng crush ko!" kwento ni Wendy. Her forehead creased dahil ayaw niyang pag-usapan ang lalaking iyon!
"Who? Isma?" tanong ni Angelo at tumango naman si Wendy na parang kinikilig. Wala siyang pakialam sa pinag-uusapan ng mga ito dahil kung maaari ay ayaw na niyang makita ang lalaking iyon.
"Yup—"
Ni-lagok niya ang isang shot ng jack-coke bago tumayo para makihalo sa mga tao sa dance floor. When her favorite party music played ay hindi na niya napigilang makisabay. Maging ang mga tao roon ay nag-iingay at nawawalan na ng pakialam sa paligid. Habang sumasayaw ay may naramdaman niyang mainit na katawan sa likuran niya ngunit hinayaan niya ito at hinayaan ang sarili na makisaya. Nang humawak ito sa beywang niya at idiniin ang sarili nito sa likuran niya ay hinarap niya ito. The lights are blinding her sight kaya hindi na masyadong kita ang itsura ng mukha nito ngunit wala siyang pakialam. She circled her arms to the guy's neck and swayed her hips.
"Hi," bulong nito sa tenga niya. She focused her eyes to his face at napansin niya na mukhang artista ito o model dahil pamilyar sa kanya ang mukha nito. She smirks and kisses him. Naramdaman niya ang pagkabigla nito ngunit agad ding gumanti sa mga halik niya.
Nang dumilat siya ay nakatagpo niya ang mabibigat na tingin ng lalaki na nasa sulok ng couch na inuupuan nito. Agad niyang ipinikit ang mata at mariin na hinalikan ang kahalikan. Umungol ang lalaking kahalikan niya bago bumaba ang isang kamay nito sa puwet niya habang ang isa ay umiikot sa likuran niya. Bumaba ang halik nito sa leeg nito kaya napadilat muli siya at naroon pa rin ang nakaka-bother nitong tingin. Tinulak niya ang kahalikan at naglakad paalis ng dancefloor.
"Hey!" rinig niyang tawang nito sa kanya ngunit hindi na niya nilingon ito at nagtungo sa table nila ng mga kaibigan niya. Wala na ang mga kaibigan niya roon, siguro ay nasa dance floor na rin. His stares bothered her na parang napaka-makasalan niyang babae dahil sa uri ng tingin nito.
Gusto niyang tumili at manampal dahil sa ginagawa nito sa kanya! Nilingon niya ang pwesto nito at pinanggigilan ng tingin. She exhaled before picking her YSL clutch. She checked kung naroon ba ang pera na binigay ng lalaki sa kanya kagabi. At nang makita na naroon ay tumayo siya para puntahan ang lalaki.
"Hi!" she greeted while trying to relax her nerves and not to act by what she's really feeling inside. She eyed the people in his circle smiling before eyeing straight to him.
"Yes?" tanong nito habang may nakakainis na ngisi. She opened her clutch at kinuha ang 50,000 cash at nilapag sa mesa kaharap nito bago umupo sa tabi ng lalaki.
"I'm not who you think I am," malambing niyang sabi habang inaayos sa damit ng lalaki, "So stop with your stares, pwede?"
"Why? Found someone with huge funds?" tanong nito after eyeing the money on his front. Ngumiti siya kahit gusto na niya itong sampalin.
"Why? Jealous?"
Tumawa ito at hinila ang braso niya palapit sa katawan nito, "Yes, so why not use me instead?"
She smirks, "Oh? I don't think you can handle me, Mister?" panggagaya niya sa sinabi nito noong nakaraan at inalis ang kamay na humawak sa braso niya.
"Am I?" may bahid ng pang-u-uyam na tanong nito at sumagi sa isip niya ang nangyari sa kanila noong nakaraang gabi. Inabot nito ang strap ng sout niyang damit, pinaglaruan hanggang dahan-dahang hinulog mula sa balikat niya.
She glares at him, "Ano bang kailangan mo?" galit na sabi niya sa lalaki.
Huminga ito ng malalim bago umayos ng upo, "Lumayo ka sa lalaki mo kanina," simpleng sabi nito.
"Ano bang problema mo sa amin ni Manuel?"
"Manuel, huh?"
"You're crazy," usad niya at tumayo para makaalis na.
"Call me later," pahabol na sabi nito bago siya makalad. She glares at him, "Gusto mong tigilan kita diba?" sabi nito. She rolled her eyes at him before going back to their table. Narinig niya pa ang halakhak nito.
Naroon na si Angelo sa table kasama si Helen, "Uuwi na ako!" iritadong sabi niya at dumeritso palabas ng club.
"Bruha! Bakit!" rinig niyang sigaw ni Angelo ngunit hindi na niya pinansin.
"Aaaah!" she screams with all her might nang makapasok siya sa condo niya para mailabas ang inis sa lalaki. Naitapon niya ang clutch at ang suot na heels. Kung makatingin ang lalaki sa kanya ay parang napaka-rumi niya! Ano naman ang pakialam nito kung pumapatol siya kung sinong lalaki! It's not like naninira siya nang buhay ng ibang tao. She's just enjoying herself pero bakit ba sobra siyang affected sa tingin ng lalaki sa kanya? She was living like this in Australia but never felt this kind of—she doesn't even know what she's feeling.
She smirks and looks for her phone and the paper with the guy's number. She dialed it. It takes him a minute before answering.
"Yes?" Napahinga siya nang malalim nang marinig ang boses nito. Mukhang nakauwi na rin ito dahil wala na siyang marinig na ingay mula sa club.
"Oh—Who is this?" napaawang ang bibig niya sa uri ng pananalita nito. She could hear his grunts and heavy breathing.
Agad niyang pinatay ang tawag. Siraulo talaga ang lalaking iyon! Ang lakas makialam sa buhay may gawain din naman pala! How hypocrite! She smirks after realizing of what she's afraid of and why she's bothered with his stares when she should not be!
She went to the shower and cleansed herself. With the tower wrapped around her body she took a picture and sent it to him. Wala siyang pakialam sa iisipin nito dahil pareho lang naman sila. Might as well make him feel like how she feels.
Itinuloy na niya ang pagbibihis bago pa man tumunog ang cellphone niya sa tawag mula sa lalaki. She answered it.
"Yes?"
"Dvmn. I did not know you called," sabi nito na may kasamang hingal.
"Why? You want yourself to be clean to me? So, I'll feel dirty for myself?"
"No, hindi. Can we meet?"
Napairap siya sa sinabi nito, "No, and thanks for letting me know that we're equal." She ended the call right away.
Binagsak niya ang katawan sa kama at pinikit ang mga mata. Until she heard her phone rings.
"Ano?"
"Avery?" sagot ng kabilang linya na nagpa-bangon at awang ng bibig niya. Tiningnan niya ang caller name 'Manuel' ang nakalagay kaya napahinga siya ng malalim at napangiti sa sarili.
"Sorry, akala ko kasi 'yong unknown caller na naman," she explained.
"It's okay. Is there something wrong?"
"Wala naman…"
"Are you free tomorrow afternoon? Let's shop?"
Tumawa siya dahil sa narinig, "I will be free, but you know I was just joking."
"It's okay. I want to do this with you naman," sabi nito.
"Okay, Manuel!" she teased and the other line laughed.
"Ikaw talaga na bata ka, ginagawa mo pa rin akong sugar daddy mo, a," hindi na niya mapigilang bumunghalit ng tawa dahil sa sinabi nito.
"Hayaan mo na! May na biktima na nga ako dahil sa 'yo, e." Narinig niya ang walang magawa nitong paghinga, "Just make sure to call me if you need anything, okay?"
"Yes, ninong…"
"Alright, ingat ka."
"Okay, bye! Love you!" ani niya bago pinatay ang tawag. She's having a good night after the call. Serves right for the judgmental people.