Episode 2

1012 Words
Hannah POV Sinundo ako ni Jaimie pag Katapos ko syang tawagan. Actually excited akong bumalik dito alam Kong mag kikita at mag kikita Kami. Kaya hindi ko sya iiwasan sasadyain ko pang magkita Kami. Syempre hindi na ako ang dati nyang asawa na tatanga tanga at lampa. Napilitan akong mag paka layo layo para hanapin ang sarili ko labag man sa loob ko. Sa tulong narin ni Jaimie umalis ako ng bansa ginamit ko ang perang ipinamana sa akin ng daddy ni Lucas. Sa akin lang Kasi sya nag titiwala nung mga panahong mag kasama pa Kami ni Lucas Napag Alaman kasi nya na nag susugal si Lucas kasama ang step mom nya at anak nito. Bago pa man sya pumanaw dahil sa lung cancer napilitan syang iwanan ang lahat ng Ari Arian nya sa akin. At doon naging impyerno ang buhay ko, Palagi nang lasing kung umuuwe laging galit minsan pa ay nanakit . Palagi rin syang sinusulsulan ng step mom nya, Kaya ang ending ay Kung hindi black eye sa mukha , bukol sa ulo ang natatamo ko sa kanya. Minsan Hindi ko na kinakaya si Jaimie ang takbuhan ko pero hindi ko akalaing pati ang kaibigan ko ay madadamay sa problema ko,. Narinig ko na ang sasakyan nya sa garahe "malamang nandyan na sya,matutuwa sya sigurado sa balita ko baka hindi nya na ako saktan at bumalik na kami sa dati" nakangiti kong bulong sa sarili. nangangarap na Sana bumalik na sa dati ang trato nya sa akin. "honey nandyan kana pala meron akong magandang balita sayo---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko isang malakas na sampal nya ang sumalubong sa pisngi ko. Nalasahan ko pa ang sarili Kong dugo . " ano ? anong sasabihin mo? ha ? na malandi Ka na p*kp*k Ka ha ? " naka pamewang syang nakaharap sa akin, gulo gulo ang buhok nya at pulang pula rin ang parehong Mata nya. kinagat ko ang pangibabang labi ko sabay tumingin sa kanya habang tuloy sa pag patak ang luha ko. "buntis ako hon magkaka anak na tayo" naka ngiti akong nakatingin sa kanya. "hahahaha nagpapatawa kaba? paano mo nasabi na anak ko Yan ? Diba lagi mong kasama yung kabit mo? wag mo nga ipaako sa kin ang anak ng Iba? punyeta Ka pinakukulo mo dugo ko " sabay talikod nya sa akin, Hindi na maampat ang pagtulo Ng luha ko akala ko ,, akala ko talaga mababago sya sa kadahilanang mag kaka anak na kami. Nang mga panahong iyon wala Naman akong ibang mapuntahan kundi si Jaimie Lang, alam nya sitwasyon ko kung paano ako saktan ni Lucas kung paanong mangitim ang balat ko dahil sa mga pananakit nya. Naramdaman ko ang mahinang tapik nya sa balikat, "Hannah andito na tayo" " uhmm nakatulog Pala ako" sabay tinanggal ko ang seatbelt at tumingin sa kanya. " Jaimie salamat talaga alam mong ikaw lang ang malalapitan ko wag Ka mag alala bukas na bukas hahanap agad ako ng pwedeng lipatan promise" " ano kaba Hannah para na tayong magkapatid hindi Kita pwede hayaan Kung saan saan Lang Baka kung ano pang mangyari sayo konsensya ko pa sige nag hihintay si janina satin" Bumaba na ako at tuloy tuloy pumasok sa bahay nya. Hindi ko alam Kung ano nga bang kahihinatnan Ng mga gagawin ko pero handa ako harapin lahat kahit pa mabaliw akong muli makapag higanti Lang sa mga taong umapak sa pag katao ko noon. Masama ang gumanti alam ko " pag binato Ka Ng bato batuhin mo daw Ng tinapay ,kasabihan ng mga matatanda noon na ngayon ay kupas na. Para sa akin pag Hindi Ka nag higanti mamamatay kang walang silbi sa mundo ni Hindi mo kayang ipag tanggol ang sarili mo. Pag pasok ko sa pintuan ay bumungad sa akin ang mabangong Amoy Amoy lutong bahay kumalam tuloy ang sikmura ko. Naalala ko noon mahilig din akong mag luto Ng ganito, Ganitong ganito ang amoy ng kusina ibig sabihin lang masaya ang nag luluto dahil Mahal sya ng taong nakapaligid sa kanya at para suklian Ito isang masarap na salo salo ay sapat na para masuklian ang pagmamahal nila. "Hey Hannah right ?" gulat akong napatingin sa harap ko Natulala na Pala ako, isang matangkad na babae na may pag Ka Morena naka tirintas ang mahabang buhok nya at fitted shirt at jeans Lang ang suot nya . ang cool nya. "ah oo ikaw si janina tama ? Jaimie 's wife " naka ngiti akong sumagot sa kanya mukha naman syang mabait may dimple din sya ang Ganda Ng ngiti nya no wonder naging lalaki si Jaimie. " oo Tara na tapos na akong magluto sabi kasi nya dadating Ka Kaya umuwe agad ako sigurado namiss mo ang pag Kaing bahay" minuwestra pa nya patungong dining area. Iniwan ko na ang bag ko at sumunod sa kanya gutom na talaga ako plus ang bango bango pa. Nabasag ang katahimikan n Ng mag salita si Jaimie. "Hannah kaylan mo dadalawin si baby Harold?". nagulat akong napatingin sa kanya.Ang totoo nawala na talaga sa isip ko ang yumao Kong sanggol. para nanamang pinupunit ang puso ko sunod sunod na tumulo ang luha ko si baby Harold na walang kamuwang muwang sa mundo nawala Ng ganun kabilis at ang malala ang sarili nyang ama ang may gawa. "ang totoo wala pa akong balak harapin sya Jaimie Hindi kopa Kaya " pag Amin ko sa kanya totoo Naman paano ko sasabihin sa anak ko na Kaya sya nandoon dahil sa tatay nya Hindi ko yata Kaya. Nag punas ako Ng luha tinuloy ang pagkain kahit nawalan ako ng gana nakakahiya Kay Janina. " ayos lang dinadalaw ko Naman sya every week I always talk to him about you siguradong naiintidihan nya " sabi pa nya alam Kong nag aalala sya sakin Ramdam ko maging si janina ay malungkot akong tinitigan. Hindi pwedeng ganito "ano ba kayo ok lang ako pupuntahan ko sya dont worry kakayanin ko " pilit akong Ngumiti at iniba ang takbo ng usapan. Wag kang mag alala baby Harold pupuntahan Kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD