Di na talaga mapipigilan pa, dumating na ang oras na dapat na talaga siyang lumabas ng kanyang kuwarto at pumunta sa kuwarto ni Sir Jake. Dahan-dahan niyang binuksan ang kuwarto niya at mahinang humakbang paalis. Papunta pa nga lang siya sa kuwarto ni Sir Jake ay nanlamig na naman muli ang kanyang mga kamay. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid baka may mga matang makakita sa kanya sa pagpunta niya sa kuwarto ng kanilang amo. Di naman siya mahihirapan dahil nasa First floor lang ang kuwarto nito. Nang siya'y nasa tapat na ng pinto ng kuwarto nito ay nag-aalangang kumatok siya at parang di nga niya kayang kumatok. Nangangatal na nga ang buong katawan niya. "Lord, ikaw na po ang bahala sa akin. Kung ano ang kahihinatnan ko sa susunod na mangyari sa buhay ko." Halos maiyak niyang usal. A

