Hindi na kumilos pa si Kerai at nanatili nalang siya sa kanyang kuwarto. Lihim nalang siyang hinatiran ng pagkain ni Manang Tisay kinagabihan. Hindi rin siya nakakatulog dahil sa mga nangyari na pabalik-balik sa kanyang isipan. Ang ginawa niya'y halos magdamag nalang na umiiyak lalo na kung maisipan niya si Sir Jake at ang mga masakit na sinabi nito sa kanya. Kinaumagahan ay mugto ang kanyang mga mata dahil sa halos magdamag niyang umiyak. Handa na ang kanyang mga damit sa bag. Hindi pa niya natawagan ang kanyang nanay Lida sa Cellphone niya na siya'y uuwi ngayon. Hahayaan nalang niyang masorpresa ito sa kanyang pagdating. Mahina ang kanyang katawang kumilos upang maligo na para makapagbihis at tuloyan nang aalis sa mansion ng mga Mondragon. Ngayon siya naka experience na grabe pala ang m

