Tutol sana siya sa nais na namang mangyari ni Sir Jake ngunit ewan ba niya kung bakit di niya magawang tutulan ito. Namimiss niya rin ang mga yakap at halik nito sa kanya. Nagpaubaya nalang siya sa gusto nitong mangyari. Ramdam na ramdam nga niya ang kasabikan nito sa kanya. Ngunit habang ipinalasap sa kanya ni Sir Jake ang ligaya ay pabalik-balik sa kanyang isipan ang mga sinasabi nito na wala siyang right rito at lalo na ang mga sinabi sa kanya ng Ina nitong si Mrs. Mondragon. Pagkatapos siyang inangkin ni Sir Jake ay saglit pa siya biting kinausap bago ito lumabas sa kanyang kuwarto. " You will be the one going to my room tomorrow night. Mas masarap doon sa kuwarto ko kaysa dito, Kerai." Mahinang wika nito sa kanya. " Pero Sir, tama na po siguro ang lahat. Wala naman po akong mahi

