Nakatitig ng maigi si Jake sa picture na nakuha ng tauhang kanilang inutusan. Malabo nga ang larawang iyon at kung titingnan ang larawan ni Baby Ryza at ikukumpara noong maliit pa ito ay medyo may hawig nga ngunit di naman gaano dahil maitim ang nasa larawang ibinigay mula sa lugar ng Iloilo City. Pero atleast nalaman nila na buhay si Kristine Ryza. Nakadama ng maluwag si Jake dahil hindi na talaga siya mapipilitan na pakasalan si Shantal. Dahil buhay ang bunsong anak ng mga Ricaforte. Alam niyang labis na ikinatuwa rin ng pamilya nina Shantal ngayon na buhay pala ang anak ng mga itong nawawala. Kitang-kita niya ang sobrang ligaya sa mga mata at hitsura ni Mr. Felix Ricaforte nang ibalita sa kanila na buhay ang bunsong anak ng mga ito at nandito pa daw ito ngayon sa Maynila at ang proble

