Ginawa nga ni Kerai ang sinabi sa kanya ni Bebe na tawagan ang nanay Lida at sabihin rito na di muna siya makakauwi at padadalhan nalang niya ito ng Pera kung sakaling makasahod na siyang muli. Mabuti naman at okay lang ang kanyang nanay Lida pero nakita niya sa Video call na parang naluluha ito nang sabihin niyang di muna siya makakauwi. Hindi naman niya sinabi rito ang mga nangyari sa kanya baka mas lalong mag-alala lamang ito sa kanya. Sa umagang iyon ay naglilinis sa Lobby si Kerai. At si Bebe naman ang sa labas nakatuka. Maingay niyang pinunasan ng makinis na tela ang mga mamahaling gamit na nakadisplay sa Lobby at binago niya ang pagkaka arranged roon. Habang ginagawa niya iyon ay nagulat nalang siya nang nasa tapat na niya si Sir Jake. Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay niton

