Kinagabihan, parang hindi nakatulog si Kerai dahil sa dami ng kanyang iniisip. Nasa isa sa mga kuwarto siya sa Servants quarter. At pati mga katulong roon ay nakatingin lang sa kanya at ni hindi siya kinakausap sa mga ito. Tahimik nalang siyang pumasok at natulog sa isang kuwarto roon dahil bukas ay aalis na siya ng umaga upang ihatid na daw muli siya ni Mr. Felix Ricaforte sa port at bibigyan siya nito ng pamasahe pauwi. Totoong mabuting tao pala si Mr. Felix kaya lang ang asawa't anak lamang nito ang pangit ang mga ugali. Mga alas otso na iyon ng gabi nang may kumatok sa kanyang kuwarto. Nagtaka naman siya kung sino iyon. Nagmamadali siyang bumangon at binuksan ang pinto. Isang katulong na babae roon ang napagbuksan niya. Wala itong kangiti-ngiti sa kanyang nakatingin. Nagtaka pa siya ku

