Pagkalipas pa ng ilang araw ay super excited na si Kerai na mag isang buwan na siya sa mga Mondragon iilang gabi nalang na tulog niya ay magkakasahod na siya at makakauwi na siya sa kanilang Isla. Pero may bahagi din sa kanyang puso na nalulungkot, parang sa loob ng mahigit tatlong linggo niya sa Mansion ng mga Mondragon ay nakapalagayang loob na niya ang mga kasama niyang katulong lalo na sina Manang Tisay at Bebe dahil mabait lang ang mga ito sa kanya. Parang mamimiss niya ang mga ito kung siya'y aalis. Pero talagang Sila lang ba ang mamimiss niya? Biglang naisip niya si Sir Jake. Siguro'y mamimiss din niya ito, kahit minsan masungit ito at arogante ay sobrang laking naitulong nito sa kanya na kailan man ay hindi niya makakalimutan. Dapat lang na uuwi na siya dahil kawawa naman ang kan

