PROLOGUE

387 Words
PIKIT-MATAniyang dinama ang mumunting pagyanig ng kanyang mga kalamnan habang ninanamnam ang sarap na dulot niyon. Pilit din niyang pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso habang hinahabol ang paghinga. Pucha! Nangyari na naman. Nadarang siyang muli. Nagpaubaya. Hindi pa man tuluyang kumakalma ang buong katawan ay naramdaman na naman niya ang mainit na kamay na humahaplos sa kanyang dibdib. Ang mga daliri niyon ay naglakbay pababa sa kanyang tiyan at puson hanggang sa mapangahas na sinalat ang kanyang hiyas. Napasinghap siya at pilit nilabanan ang muling pagbangon ng kanyang emosyon. Kailangan niyang pigilan ang paulit-ulit niyang pagpaparaya sa katawan. Hindi niya hahayaang matalo na naman siya. Pero tila may kung anong mahika ang lumalamon sa kanyang pagkatao sa tuwing nahahawakan siya ng kamay na iyon. Nahihirapan siyang tumanggi. Natatakot siyang tumigil ito. Iminulat niya ang mga mata at nabanaag ang mukha ng lalaking may-ari ng talentadong kamay na iyon. Nakaupo ito sa kanyang tabi habang nakangising nakatunghay sa walang saplot niyang katawan. Hindi nawala sa mga mata nito ang apoy na kanina pa nagpapainit ng kanyang pagkatao. Saan siya kukuha ng lakas upang tatanggihan ang lalaking ito? Kaya kaya niyang mawala ito sa piling niya? Ibinaba ng lalaki ang mukha upang halikan ang gilid ng kanyang tenga. Ang mga daliri nito ay patuloy pa rin sa pagmamahika ng kanyang hiyas. Napapikit na lamang siya sa sensyasong dulot ng pagpapala nito sa kanyang katawan.  Walang ibang nakakagawa noon sa kanya, ang lalaking ito lamang. Ilang sandali ay muli na naman siyang pumailanlang at nagbabadyang marating ang sukdulan. Ayan na naman… Ayan na… Tila may bombang sumabog mula sa kanyang kaibuturan at inihagis siya niyon sa langit. Napayakap nalang siya sa hubad na katawan ng lalaki upang pigilan ang sariling mapasigaw sa lakas ng orgasmong naramdaman. Napakainit. Nakakabaliw. Walang katulad. Habang bumababa mula sa rurok ng ligaya ay napatitig na lang siya sa mukha ng binatang mahigpit din ang yakap sa kanya. Kinantalan siya nito ng halik sa labi at pagkatapos ay bumulong. “Katrina, stay with me…” Gusto niyang sagutin ang pakiusapnito pero alam niyang madadagdagan lang ang mahabang listahan  ng kanyang mga kasinungalingan. Dahilkahit anong pigil pa niya ay lalabas din naman ang katotohanan. Malalaman ng lahat na hindi siya ang tunay na Katrina. At hinding-hindi siya pwedeng manatili sa piling nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD