Nakaupo lamang ang dalaga sa terasa niya at nakatingin sa tahimik na gabi. Nakataas ang paa sa upuan at nakalapat ang baba niya sa kaniyang tuhod. Napasinghot siya at mapait na napangiti. Mahinang umaagos ang luha nang maisip ang nangyari nu’ng nakaraang mga linggo. Ramdam niya ang kaniyang pangungulila kay Jair. Hinayaan niya lamang ang luhang tumulo at iniyak ang sakit sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nilalakumos iyon sa sakit. “CT?” tawag ng ina niya. Mabilis na pinunasan niya ang kaniyang luha at hinarap ito. Cindy’s face softened seeing her daughters misery. Nilapitan niya ito at niyakap. “It’s fine,” mahinang wika ni Cindy at hinaplos ang buhok niya. Kaagad na napaiyak lalo si CT. “Mom, bakit ang sakit-sakit?” tanong niya sa ina. Huminga nnag malalim si Cindy. Maging

