Mabilis na nagbihis siya ng sleeveless shirt at shorts. Nang makababa ay dumeritso na siya sa labas. Naghihintay na sila sa kaniya. Pumasok siya sa loob ng van at kaagad na sinalubong siya ng ngiti ng apat maliban kay Dos na busy sa cellphone nito. Nagkibit balikat siya at pumuwesto na sa likod. Saktong alas-singko pa ng hapon ngayon. Kinuha niya ang kaniyang phone at walang text ni Jair. "Ako kaya ang magte-text sa kaniya?" ani niya sa kaniyang utak. Napailing siya at napatingin sa labas. "No, CT! Hintayin mo na siya na mismo ang tatawag or magte-text sa 'yo," saad niya sa mahinang boses. Sumandal lamang siya sa upuan at nakatingin sa labas hanggang sa makatulog siya. "CT!" tawag ng boses lalaki sa kaniya. "Hmm, Jair," sagot niya at ngumiti nang matamis. Blurred ang paningin niy

