Naglalakad ang dalaga papunta sa parking lot nang tawagin siya ni Rachel. “CT!” Napalingon ang dalaga at kinunotan ito ng noo. Kanina pa kasi ito nagpapansin sa kaniya. Hindi niya rin alam kung bakit. “Bakit?” tanong niya. “Uuwi ka na?” sagot ni Rachel na patanong din. Kumunot ang noo ni CT sa turan nito. “Obvious ba?” sagot niya sa dalaga. Kaagad na napangiti si Rachel. “Puwedeng sumabay sa ‘yo? Papunta rin akong parking lot hihintayin ko si, Dos,” wika nito. Kaagad na napatango naman si CT at nauna na. Minsan talaga naiisip niyang deritsahin ito pero naging kaibigan niya rin naman ito noon kaya hinayaan niya na lang. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at umupo sa bakanteng upuan ng waiting shed ng parking lot. Kaagad na umupo naman sa tabi niya si Rachel. “CT,

