Ariane Magkaharap kami ngayong dalawa ni Mama sa hapag-kainan. Ni hindi man lang namin nagagalaw yung nanlalamig na pagkain. Iilang minuto na rin ang lumipas simula nung makarating ako dito sa bahay pero walang imikang naganap dahil natagpuan ko na lang rin si Mama na nakatulala habang nakaupo sa hapag-kainan. Pagdating talaga sa nangyari kay Papa hindi namin natutulungan ang isa’t isa. Gusto kong ibuka ang bibig ko at itanong kung anong ibig sabihin ng sinabi niya saakin kanina pero wala akong lakas ng loob n agambalain ang katahimikan ni Mama. Napakurap ako ng maraming beses at napalunok. Sinubukan kong abutin ang isang baso ng tubig na malapit sa akin, tagumpay ko itong nahawakan pero huli na nang biglang tumunog ang tiyan ko dahilan para mabalik si Mama sa huwesto. Panirang tiyan ‘t

