Ariane Kisame ng kwarto ko ang bumungad sa akin nang idilat ko ang mga mata ko. Nakatuwid lang ang higa ko habang nakikipagtitigan sa kisame, kahit na ramdam ko ang pagkirot ng ulo ko ay hindi ko ito pinansin. Pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari simula nung makapasok ako dito sa loob ng bahay. At nang wala akong maalala pagkatapos nung sunod-sunod na pag-inom ko ng beer ay alam kong may kababalaghang naganap. Nang tiningnan ko ang damit na suot ko ay hindi na ako sumigaw o nag-panic, nasa loob ako ng bahay namin kaya hindi naman siguro ako mapapahamak. Wala akong lakas na kumilos o mag-react. Mananatili ako sa ganitong posisyon hanggang sa gustuhin ko, walang makikialam sa akin dahil ako ang nag-mamay-ari ng katawan at pag-iisip ko. Walang makakatibag sa prinsipyo ko. Nang marin

