Ariane “My boyfriend is busy man and you’re asking me why I chose Ari, I want you to address her using her name. I chose her coz as you can see my mommy designed a twin themed dress and so it is obvious that my partner would be Ari and not my busy boyfriend.” Hindi lang sagot ang nakuha ng reporter mula kay Cleo kundi isang matalim na tingin rin. Inabot ko naman ang kamay niya na nakahawak rin sa braso ni Mr. Barbhy dahilan para mapatingin siya sa akin. Nginitian ko siya para naman kumalma siya kahit papaano. May reporter na naman na nagtaas ng kamay. “The question is address to Ari,” ngumiti naman ako nang mabanggit ang pangalan ko, ngiti lang naman ambag ko dito. “How was your experience working with the legendary designer Mr. Barbhy?” Nawala ang laway na bumara kanina sa lalamunan

