JAE HYUN’s POV Ilang araw na akong may sakit at ilang babae na ang nagpunta sa bahay ko para bumisita dahil lahat sila nami-miss daw ako. Si Laura lang ang tanging nakaisip na palitan ako ng damit pero nagalit pa siya dahil "Hera" ang lumabas sa bibig ko habang nangangatog ako sa lamig. Bakit ko binanggit ang pangalan ng instructor ko? Hindi ko din alam. Siguro kasi balak ko na talaga siyang tawagan para sa first session namin. Kaya lang, nagkasakit ako. It’s a flu. Iyong matinding trangkaso. Minsan lang ako magkaroon ng ganoong klase ng sakit at kapag nangyyari iyon, hindi talaga ako makakilos. Kahit ang tumayo mula sa hinihigaan ko, mahirap. Kaya hindi ako makalabas para kunin ang cellphone ko sa kotse dahil nananakit buong katawan ko at tulog lang ako ng tulog. Sinadya kong iwan du

