HERA’s POV Hindi na nga ako hinayaan ni Jae Hyun umuwi nang araw na iyon. Seryoso talaga siya sa sinabi niyang gusto niya akong makasama sa bahay. Tutal naman sinagot ko na siya, bakit hindi ko pa lubusin diba? Aalis na din naman ako dito sa Korea. At least kahit paano, naging masaya kaming dalawa. Ilang gabi at umaga na akong natutulog at nagigising sa tabi ni Jae Hyun. Nababaliw na din sila Nami at Bree kahahanap sa akin. Halata sa mga text nila. Hindi ko kasi sinasagot ang tawag nila dahil ayokong makarinig ng sermon. Ayokong may magpabago ng isip ko ngayon kasi pakiramdam ko, kapag hindi ko pa sinunod ang puso ko, mababaliw na ako ng tuluuyan. Kaya nag-reply na lang ako sa text nila pagkaraan ng limang araw. Sinabi kong huwag silang mag-alala at ayos lang ako. Halos isang linggo na

