HERA’s POV Hindi siya agad makapunta sa akin dahil sa dami ng sasakyang dumadaan sa kalsada na naglalayo ngayon sa aming dalawa. Nasa junction kasi kami ng Recto Avenue. Iyong daan papunta sa Divisoria. Gusto ko siyang lapitan ngayon na, pero hindi ako makagalaw dahil hindi pa rin ako makapaniwala na naroon siya at natatakot akong lumapit dahil baka kapag nakarating na ako sa kung saan siya naroon ngayon ay baka bigla siyang mawala at ma-realize kong nag-i-imagine lang ako at wala talaga siya duon. Sumigaw ulit siya. "D'yan ka lang!" Kung hindi pa siya muntik na mahagip ng isang jeep na ang lakas kung bumusina, hindi pa ako makukumbinsi na naroon nga siya. Nagtilian ang mga estudyante sa nangyari at hindi nakaligtas sa akin ang ekspresyon sa mukha ng mga bata. Nakasimangot silang hinahan

