This part of the novel includes Korean History which is written based on real facts but these facts are slightly distorted in order to support the character's backstory. This work of art is fictitious and most of the flashbacks about Korean History are just part of the author's imagination.
Enjoy Reading!
°°°
2017
HERA'S POV
"Sigurado ka na ba talaga d'yan sa plano mo, bunso? Hindi ka Koreana! Half-Chinese ka! Dito ka sa Binondo nababagay!" ngumangawang litanya ni Turay, Reyna Athena Rustico, ang nag-iisa kong Ate na anak ni Mama sa una niyang pag-ibig.
Gusto ko na siyang batukan sa totoo lang dahil sa pagka-OA niya. If I know, hindi naman niya ako mami-miss dahil sa mahal na mahal niya ang nag-iisa niyang kapatid. Mami-miss niya ako dahil wala ng taga-deliver ng mga pa-order niya sa f*******:. Hindi naman Chinese ang Papa ni Turay pero businesswoman siyang tulad ng Nanay naming si Angelita.
"Magtigil ka nga d'yan Turay?! Isang taon lang na mawawala 'yang kapatid mo. Sayang naman naman ang pinag-aralan niya kung magiging taga-deliver mo lang siya ng mga paninda mo!" mabuti at nand'yan si Tita Joan, ang pinsan ni Mama. “Basta, mag-iingat ka duon, Hera ah!” naiiyak na dagdag niya. Kahit paano may sumusuporta sa desisyon ko. Hindi din kasi gusto ni Mama na umalis ako.
Ayaw niyang akong umalis ng bansa at magkamaling ma-in love sa foreigner kagaya ng nangyari sa kanya noong namasukan siyang Domestic Helper sa Taiwan para suportahan ang Ate. Na-in love siya sa mayaman kong Papa at pagkatapos siyang pagsawaan, pina-deport siya pabalik sa Pilipinas. Akala niya daw in-love na in-love talaga sa kanya ang Tatay ko, pero nang malaman nilang babae ako, bigla siyang hiniwalayan at pinauwi.
My father is scary. Isang beses ko pa lang siyang nakita noong malapit na akong grumaduate sa college. Dahil sa sobrang kadesperadahan ni Mama na maka-graduate ako. Humingi siya ng pera duon nang mabalitaan niyang may business trip dito sa Pilipinas si Chen Wang Lei. Para sa sampung-libo na suporta nagkanda-luhod-luhod pa ang Nanay ko sa harap niya. Naroon ako at hindi ko napigilan si Mama.
Mula noon, hindi na ako ulit pumayag na magmamaka-awa si Mama sa walang-kwentang Wang Lei na 'yon. Nang makapagtapos ako, nangarap ako ng mas mataas kaya ito, sa South Korea ako magtuturo.
Madami akong pangarap para sa pamilya namin kaya kahit mahirap, kakayanin kong lahat. Magandang pagkakataon na din siguro itong pag-alis ko para makalimutan ko si Andrew. Ang bagong lalaking nanakit sa akin. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ako maiyak ngayon kahit nag-iiyakan si Tita at Ate.
"Tama, mag-iinga ka duon, bunso. 'Wag kang magpapaloko sa mga Oppa na 'yan! Umuwi kang may virginity pa rin huh?"
"Ate?" nakakahiya talaga siya dahil sa lakas ng bibig niya. May napansin tuloy akong pasahero din na natatawa sa sinabi niya.
Bahagyang hinila ni Tita ang buhok ni Turay. "Aray!"
Niyakap ako ni Tita. "Kapag hindi mo na kaya, umuwi ka na."
Tumango ako.
Hindi ko na inaasahang hahabol si Mama dahil ayaw niyang makitang umalis ako. Hanggang sa araw ng pag-alis ko, pinagtatalunan namin ang desisyon ko. Pero dahil matigas ang ulo ko, umalis pa rin ako. Di bale ng hindi ko siya makita ngayong araw. Alam ko, maiintindihan din ako ni Mama.
"Bye, bunso!"
"Bye, Ate! Bye, Tita! See you next year!"
Huminga ako ng malalim bago ko hinila ang bag ko para makapag-check-in na.
Ilang minuto lang ang hinintay ko at nagpapasok na sa loob ng eroplano ang mga staff and crew.
Paalam, Pilipinas!
Annyeong, South Korea!
JAE HYUN'S POV
Napapikit na lang ako nang marinig ang galit ni Eomma sa akin. Pasakay naman na ako ng eroplano pabalik sa Seoul, pero ayaw niya pa rin akong tantanan.
Wala akong dugong Pinoy. I just love their language and country. Madaming magagandang babae dito e. And I just broke up with one of the prettiest Filipina I have ever seen. Beatrice Garcia. She's a popular Filipina model and actress. And I just had to break up with her because she's becoming too greedy and needy.
Ayoko sa lahat iyong parang hindi na siya mabubuhay nang wala ako. She's an amazing person before she become a beautiful monster. Bakit monster? Nagwawala siya sa galit kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya sa akin. And she's demanding more time and s*x!
Dahil duon, nawalan ako ng gana sa kanya kaya naisip kong, hindi na din masama na sumunod sa Eomma ko nang sabihin niyang bumalik na ako sa Seoul para ipagpatuloy ang pag-aaral ko.
Graduate naman na ako pero wala akong natutunan sa school kaka-hang out sa mga babae. Kaya kailangan kong magkaroon ng mga private tutors sa English, sa Business at History (History ng pamilya namin).
Unfortunately, I had to do all this because I came from a prestigious family. A royal one. Ang mga Lolo ko sa talampakan, si Emperor Sunjong na ang pinagmulan ay ang lahi ni Yi Bang Won na mas kilala bilang King Taejong na anak ni King Taejo. Anak ni Yi Bang Won si King Sejong na siyang founder ng Hangul. Ang aming national laguage.
Si Emperor Sunjong ang pinakahuling ruler ng Korea dahil nasakop kami noon ng mga Japanese. Namatay siya at ang Lolo sa talampakan ng Tatay ko, na si Crown Prince Yi Gu ay napilitang sumapi sa mga kalaban para sa sarili niyang kaligtasan.
Nang makabangon ang Korea pagkatapos ng World War II, nahati ang Korea sa North and South dahilan para kamuhian kami ng maraming tao sa bansa namin. Our family has been weak. Silang mga nabubuhay na noon na parte ng pamilya ay mas piniling manahimik sa kabila ng pang-aabuso ng mga Hapones sa sarili naming mga kababayan.
Nakikinig naman ako sa history class pero kailangan ko pa ring malaman kung saan kami nagsimula. Pagkatapos makatanggap ng pardon ng huling Empress sa pamilya namin, nakabalik na din sa South Korea ang natitira pa sa Yi Family. Our surname became Lee as time goes by. Yi pa din ang spell sa Hangul ( 이 ) pero Lee na ang basa.
That's when my great-grand parents decided to do business for our country to make it a better nation. Pambawi, kumbaga. Kaya kahit wala na ang Emperial or Royal Family, nananatili kaming importanteng mga tao sa South Korea.
Pero ako... I have my own rules. Susunod ako minsan sa mga magulang ko pero most of the time, ako ang boss.
Sinabi ni Eomma na gumamit ako ng private plane, pero tinakasan ko ang mga tauhan niyang sumundo sa akin at sumakay ako sa economy flight pabalik sa Seoul.
I'm glad I did because I just saw the most beautiful woman I have ever seen. Kung hindi lang sana humarang itong babaeng mukhang manang sa harap ko habang inilalagay niya ang handbag niya sa overhead bin, edi sana nakalapit ako agad sa magandang flight stewardess.
Mukhang manang ang babae dahil nakasuot siya ng long plain skirt, turtle neck na sweat shirt at may salamin pa sa mata. Her hair is also braided the way how "Manangs" do their hairs. She's not ugly but unattractive.
Nahirapan pa siya sa pag-abot sa overhead bin dahil hindi naman siya katangkaran. At para maalis na siya sa paningin ko, tinulungan ko na siya sa paglalagay niya ng bagahe.
Napatingin siya sa akin na para bang kumikinang ako sa paningin niya. "Thank you." she said, smiling like a fool. I don't want to think ahead but she might be falling for me now.
Awkward ang ngiting naibigay ko sa kanya saka ko ipinagpatuloy ang pagnguya sa bubble gum na nasa bibig ko. Hindi ko naman talaga tinitingnan ang numbers at letters na nakasulat sa mga overhead bin. Dumiretso ako sa flight attendant na nakita ko. "Miss, can you help me?"
"Sure, Sir." sinipat niya ang ticket ko at hinatid niya ako sa upuan ko. I was really disappointed to see the Manang again. Nasa tabi siya ng bintana at magkatabi kaming dalawa duon. Pero ano bang magagawa ko? Pinili ko namang mag-economy.
"First time mo ba?" she suddenly asked me. Bakit niya ba ako kinakausap? Hindi naman kami close?
I looked at her and said, "No."
She's shaking when she laughed. "Talaga? Mabuti ka pa. Ako kasi first time."
Awkward smile again. Kailan kaya niya ako tatantanan?
"Sorry kung medyo chatty ako. Natetensyon na kasi ako e. Filipino ka ba or Korean?"
So, I do look like a Filipino to her? Oh well, it's probably because my skin is tanned at the moment. Kakagala namin ni Beatrice sa mga beaches. Why does it even matter to her? "Miss, I think you should mind yourself. Namumutla ka na."
"Ganoon ba? May tubig ka ba d'yan?"
Nag-anunsyo na ang piloto na magte-take off na kaya nakaupo na ang mga flight attendant. "Wala. Just wait until the attendants make their rounds. Kumalma ka lang."
"O-Okay."
Habang nagte-take off, nakakapit siya sa braso ko and it's really annoying!
Nasa himpapawid na kami nang mawalan pa siya ng malay habang nakasandal sa braso ko. Sh*t. How can I even push her? Hindi naman maluwag ang upuan namin.
"Is everything alright, Sir?" Finally, my angel is here.
"Can I change seats?" I desperately asked.
"I'm sorry, Sir but we don't have any available seats at the moment. Let me wake her instead." Ginising niya nga ang babae sa tabi ko at binigyan niya ng tubig.