JAE HYUN’s POV Dahil sa sobrang magaling si Hera magtago ng mga detalye tungkol sa sarili niya, ako na lang ang nag-effort na mag-stalk sa mga Social Networking Sites na meron siya. Sa totoo lang, dalawa lang iyon. Isang Networking Site sa Pilipinas at isang site na sa Korea lang nag-ooperate at naka-private pa iyon at mukhang ginagamit niya lang para makipag-communicate sa mga magulang ng mga estudyante niya. Her accounts are private but not her sister's. Duon ako nagkaroon ng access sa past ni Hera. Wala kasing itinatago si Turay, kahit ang mga baby pictures ni Hera naroon. Half-sister niya si Reyna Athena Rustico. Obvious naman sa mga picture sa page ni Turay dahil may mga old photos siya ng Tatay niya na kamukhang kamukha niya at 2 days ago lang, may post siya tungkol sa death annive

