HERA’s POV Pagkabukas ko ng pinto, napaatras na lang ako nang maglakad siya palapit sa akin. Wala akong balak na hayaan siyang makalapit pero bumangga na ang likod ko sa pader dahil sa kaaatras. He’s staring at my eyes like he’s reading what’s inside my heart through them. Napalunok na lang ako dahil sa ganda ng mga mata niya. Halos hindi ako makagalaw dahil sa pagkakatitig niya sa akin. Bakit niya ba ginagawa ‘to? Ano’ng iniisip niya ngayon? Hindi ko mahulaan sa totoo lang. Nagulat na lang ako nang sinugod niya ako ng halik. Akala ko ba usap lang? Napapikit na lang ako nang tangayin niya ang puso ko. Mahaba ang halik na iyon. Mas mahaba kaysa kanina. Parang mapupugto na ang hininga ko. Pagdilat ko ng mga mata, sabay naming hinahabol ang bawat naming paghinga. That kiss, is by far,

