Ilang oras na muna sila nag-stay sa loob ng sasakyan. Alas onse raw ang labas ng mahiwagang dayo na nasa falls. Nang ganap na alas diyes y media, nagsimula na silang maglakad. May kaniya-kaniya silang flashlight na dala kaya hindi sila nahihirapan maglakad. Dagdag pa ang maliwanag na buwan kaya nahahawi nila ang mga makakapal na halamanan sa daraanan. "Girl, malayo pa ba? Or sureness ka ba sa way? OMG, my feet hurt." lukot ang mukha ni Fushia habang nahuhuli sa paglalakad. Bakit ba kasi naisipan niya pang magtakong ng 3 inches? Bundok nga pala ang pupuntahan nila. "Hoy, sana nagpaiwan ka na lang sa kotse kung puro reklamo lang ang gagawin mo!" lumingon lang si Junnie at pinagpatuloy na ang paglalakad. Nasa likuran niya si Rey na tahimik na nakaismid lang. Naiinis na rin siya dahil napu

