Kabanata 16 Cleared Paglabas ko sa airport ay sasakyan at mukha agad ni John ang bumungad sa akin. Para akong nanigas sa kanyang titig. He's not smiling. At wala akong ideya na siya pala ang kukuha sa amin ngayon ni madam. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni madam sa aking likoran. Napamura ako sa aking isipan. So, she knew this was coming right? "Magandang hapon anak!" masayang bati ni madam dito. Lumapit siya kay Madam at tinulungan niya ito sa kanyang bag na wala man naging ekspresyon sa kanyang mukha. Binuksan ni John ang pinto ng sasakyan at ipinasok ang mga bags ni madam. Nang maipasok niya ito ay lumingon siya sa akin. Napalunok ako. Para na akong mamamatay sa titig niyang nananakit ng puso. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napaatras ako ng isang hakbang sa paglapit ni

