Kabanata 20 Cannot be reach Tahimik lang si Mary. Gusto ko sana siyang kausapin kaso natatakot ako na baka may masabi siyang iba sa harapan ni John. "Lumalalim na ang gabi. Let's go?" sabi ko sa kanilang dalawa. Tumango si Mary at nginitian ako. "Let's go!" sagot niya. Una siyang tumayo at sumunod kami ni John. Dahil nandito na si John ay sa kanya na ako sasakay. Papasok na sana si Mary sa kanyang sasakyan nang pigilan ko siya niyakap. Napangiti ako nang maramdaman kong gumanti din siya ng yakap sa akin. "Wala na akong sasabihin pa sa iyo Fhell. Malaki ka na. Alam mo ang tama at mali. Sana lang maging responsable ka sa magiging resulta nito." Bulong niya sa akin. Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Thank you." Sabi ko sa kanya at nginitian siya. "Una na ako, Mr. John. Salamat sa lib

