Kabanata 7 Asawa Napalunok ako at saka tumayo. But I keep my composure. Namamawis na ako sa aking likod pero hindi ko dapat ito isipin. Ang dapat kong isipin ay ang taong nandito sa aking harapan ngayon at paano ko madadala ang sarili ko. Itinaas ko ng bahagya ang aking baba at nginitian si Madam. "Of course madam. No one can't say no to Bluelle. Isa pa, wala din naman akong ibang ginagawa ngayon." Sabi ko na nakatingin kay madam at nginitian siya. "Iyan din ang sinabi sa akin ni Bluelle. Anak, this is Engr. Fhella. And Engineer, again, this my Son." Napatingin ako kay John kahit nahihirapan. Hindi ko makuha kung bakit inulit ni Madam ang pagpapakilala ng anak niya sa akin. Walang naging ekspresyon ang kanyang mata. Naglahad siya ng kamay sa akin. Napatingin ako kay Madam. Hin

