Kabanata 3

1075 Words
Kabanata 3 When it speaks   Tahimik lang ang mga kaibigan ko habang tahimik akong umiiyak sa kanilang gitna. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanila. Nahihiya ako... nahihiya ako dahil isa akong malaking tanga. Hindi ko alam kung kaya ko pang ibalik ang lahat ng ito. I am smart but then I realize that it should be 'was'. I am smart until the time I thought fairy tale was for me. I am smart until I fell hard and forget everything that makes sense. I was smart. Unti-unti kong naramdaman ang paghaplos ni Nice sa aking likod. Mas lalo akong naiyak. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang dumaan at nananahimik pa din sila. "I knew this will happen." Pinunasan ko ang sarili kong luha dahil sa pagbasag ni Racey sa katahimikan. "Nakakahiya ka pero kaibigan pa din kita." Unti-unti ding tumulo ang luha niya habang nakatingin sa labas ng kanyang shop. Napanguso ako at tumingala. "At mahal din kita. I just don't know what to do with you now. Gusto kitang sabunutan at sampalin. Gusto kitang bugbugin. Hindi ko alam kung bakit ka nakagraduate sa kolehiyo gayong wala kang pag-iisip. Hindi ko alam kung bakit nawala ang utak mo. Fhella! I thought you were smart. But it turned out you're the biggest asshole in this group." Naghagulhulan na kaming lahat. I deserve those words. I deserve those painful words. "Sabi mo ayaw mong maging katulad ng iyong ina? Well Fhel, you are much worse that her!" mas lalo akong napaiyak sa kanilang sinabi. I know.  I know. And I am sorry. Kung kaya ko lang ibalik ang lahat! Kung kaya ko lang. "A-anong g-gagawin mo ngayong kasado kayo?" napalunok ako sa tanong ni Nice sa akin sa gitna ng aming iyakan. "I- d-don't..." iyon lang ang nasabi ko at naputol na naman ako dahil sa aking luha. Ang bigat ng puso ko. Ang sakit ng ulo ko. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa. Gusto kong ipikit ang aking mata pero hindi ko kaya. Like all of my senses were lost and they started betraying my system. "Hindi dahil hindi kami pumunta sa iyong kasal ay hindi ka na namin mahal. We just can't eat the fact that you married someone you only knew because of his good sides. We just can't believe that you went from being classy down to being p***y. At ngayon..." ani Mariz at bumuntong hininga. Sa aming lahat, siya lang hindi ganoon ka umiyak. "At ngayon, mahihirapan ka... tayo, na umalis dahil kasado kayo." Ipinikit ko na lang ang mata ko at hinayaang tumulo pa ang aking mga luha. "Hindi laro ang pagpapakasal, Fhell! Hindi! Pero anong ginawa mo? You treated marriage like a statue dance. Ititigil kung wala ng musika. Aalis kapag natalo. And you are as s**t as those assholes in showbiz!" I deserve them all. I deserve them all. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang dumaan sa ingay ng aming katahimikan. "The best way that you can do as of now is to lift yourself up." Putol ulit ni Nice sa katahimikan. "How will she lift herself up, Nice? Magpapakatanga na lang siya doon sa Fred na bwesit na iyon?" medyo may galit na singit ni Racey. "There are different ways of lifting ourselves up, Race. We can fight with silence. Make him give you up. Make him reached its bottom. But never ever initiate the break up. Never. We may sound loser in the first pace of the break up, but at least, we won't regret in the future why we gave them up. Yung mga iniiwan kasi may mas laban sila kaysa doon sa nang-iwan. Ang mga iniiwan, they can still grow better and better hanggang iyong mga taong nang-iwan sa kanila ay pagsisihan nila kung bakit nila tayo iniwan. Eh doon sa mga nang-iwan, they will only grow bitter, thinking they could look for someone who is better than us. And what's bad thing about them, is that sometimes, in the time of looking, people become desperate until they will settle for less. Well, applicable lang naman iyan sa mga Self proclaimed popular people like your husband. Because they have an image to take care of, they need to, somehow, look for another... like I don't want to look loser. I need to find someone new. You know that kind of thinking. They are one of the cheapest people in this universe." Panandalian kong nakalimutan ang pag-iyak dahil sa sinabi ni Nice sa amin. Pati na din sina Race at Mariz ay napatahimik.   When the writer speaks, the writer speaks. Napalingon kaming lahat sa aming likoran nang may narinig kaming pumalakpak. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Mary na may malaking ngiti sa labi. "Well said sister." Aniya kay Nice. Nanlalaki pa din ang mata ko. Bahagya kong nakalimutan ang problema, and sakit. I can't believe na andito na siya sa harapan ko pagkatapos ng ilang taong pagkawala pagkatapos nong nangyari. Mas lalo siyang gumanda at mas lalong naking sexy. Bumagay ang pagkamorena niya sa maiksi niyang buhok na hanggang leeg lang. "Mary!" sigaw ni Nice dito at niyakap agad siya. Tumayo din sina Race at Mariz upang yakapin din siya. "What are you waiting for, Fhella? Come on! I was gone for six years. I need my friend's hug!" natawa na lang ako kahit naiiyak. Tumayo din ako at niyakap siya. I miss her so damn much. Laging kulang ang barkada dahil sa kanyang pag-alis. Anim na taon! Anim na taon niya kaming iniwan. "I believe naka moved-on ka na dahil nagpakita ka na sa amin. I can't believe kompleto na ang barkada ko." masayang sambit ni Race. Sa unang pagkakataon, nakalimutan ko ang sakit na aking nadarama. Nakaramdam ulit ako ng totoong kasiyahan. My friends are right. I am such a big loser. I am such a p***y. But I will never be like this forever. I will never be anyone's p***y. "I think the best thing you can do for now is to breathe, baby girl. Alam kong magagalit sa akin si Nice but I think you should make this game fair. Good luck!" aniya sa akin bago ako iniwan sa labas ng condo. Inisa-isa kaming hinatid ni Mary. Kaya ang nangyari, naiwan ang kotse namin sa labas ng opisina ni Race. Alam ko na ang gagawin ko ngayon. I will take the advice of Nice and a little bit touch of Mary's advice.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD