WALA pa ring Cassie na umuuwi. I already told my mother about this pero ang sabi niya lamang ay hayaan daw si Cassie. Nagkasagutan na naman nga sila ni Papa kagabi dahil sa hindi nito pag-uwi. Hindi rin naman siya tumawag dito sa bahay. “Matagal ko nang siansabi sa’yo, Ernesto, na ‘yang tatlo na ‘yan ay hindi habang buhay mga bata. Si Carmie nga magte-trenta na pero dahil spoiled mo’y medyo bata pa rin mag-isip. ‘Yan si Cassie at Clare ganoon din. Hindi sa lahat ng oras ay mga bata sila na palaging dinadala sa mall. Si Cassie, malaki na ‘yan. She actually can stand with her own two feet. I am proud of her, palaban ‘yan, bata pa lang, alam mo na. Kahit hindi niya sa atin sabihin ay alam ko ang dahilan kung bakit mas pinipili niya na lang na manatili rito sa bahay at dumepende na muna sa’

