NASA loob ako ng aking kuwarto ngayon. Pinipilit ko ang sarili ko na matulog. I feel annoyed. Naguguluhan na rin ako. Inis, bakit ako naiinis? Si Kuya James naman kasi, eh! Bakit gano’n kinikilos niya?! Iba ang dating sa akin at hindi na iyon normal. Katulad ng sinabi ko sa kan’ya, ‘MARUPOK AKO!’ Iyong inis ko ay may kasamang takot. Ano ba kasing kagag*han ‘to, Cassie?! Bakit parang unti-unti ko nang napapansin na kakaiba na ang kinikilos niya? Bakit? Dahil ba sa nangyari ng gabing iyon? Bakit hindi ko itanong sa sarili ko ‘yon? Na ‘yon ang dahilan kung bakit panay ako isip ng ganito. There’s too much in my head, parang sasabog na ito. Hindi ko napilit ang sarili ko na matulog kaya naisip kong lumabas na lang ng bahay. Hindi pa rin talaga ako maka-get over sa nangyari kaninang umaga

