"MAMA, tanggap kami."
Inilapag ko sa mesa ang hawak-hawak kong bote ng alak. Talagang dinala ko pa ‘to pauwi. It’s okay, binili ko naman ‘to, eh. Bumili kasi kami ng alak pagkagaling namin ng Mosley Company dahil nga sa pagse-celebrate kami.
Siyempre, tuwang-tuwa kami ni Clare. Ang saya lang kasi talaga dahil ang bilis namin natanggap sa trabaho.
“’Wag niyo ‘kong lokohin, kilala ko kayong dalawa,” sagot ni Mama sa amin.
“Pasalamat si Clare sa akin, Ma, kung hindi dahil sa beauty and brain ko hindi siya makakapasa sa job interview,” tumingin pa ako kay Clare at nag-flip ng hair.
Hindi naman sa pagmamayabang pero parang gano‘n na nga. May beauty and brain kasi ako kaya mabilis kaming natanggap sa in-apply-an namin na trabaho ni Clare.
“Ang kapal mo naman Cas, iw,” Clare said and rolled her eyes.
“Nagsasabi lang ng totoo.”
“Ikaw ba ang sumagot ng mga tanong sa’kin? Duh, hindi naman, ah. Yabang mo.” Pinandilatan niya pa ako ng mga mata.
I mocked her. “Baka pareho lang ang tanong tapos nauna ako kaya malamang sa malamang kinopya mo lang sagot ko. Why don’t you just say salamat?”
"Ayaw ko nga."
“Hoy, kayong dalawa umayos kayo,” saway ni Mama. Pinanliitan niya pa kami ng mga mata, nagkatinginan naman kaming dalawa ni Clare. Nagkibit-balikat lang siya.
“Bakit Mama?” ani Clare. “Hindi ka ba masaya na tanggap kami sa trabaho?”
Napatango naman ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Clare, “Hindi ka ba proud na may matatalino kang anak?” tinaasan ko si Mama ng kilay.
Dahil doon ay nabatukan kami pareho.
“Masaya ako na may trabaho na ulit kayong dalawa. Proud ako na matatalino kayo pero sana naman, bawas-bawasan ang pagiging basagulera, ha? ‘Wag gamitin ang katalinuhan sa katarantad*han,” sabi ni Mama at napangiwi naman ako.
“Ma, alam mo po, hindi ako nagsisimula ng away. Sila palagi. Nagkakamali sila ng kinakalaban nila,” pagsasabi ko ng totoo.
“Me too,” sagot naman ni Clare.
Napa-facepalm naman si Mama, “Ewan ko sa inyong dalawa. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa inyo. Napakatitigas ng ulo niyo,” sabi niya. Napahawak pa siya sa sentido niya na mukhang problemadong-problemado. “Kahit kailan talaga ay mga sakit kayo sa ulo. Lalo ka na.” Dumiretso ang mga tingin niya sa akin.
“Mama, mababait naman kami,” sabi ko pa.
“‘Pag hindi kayo umabot ng kahit tatlong buwan lang diyan sa kompanya na iyan. Naku, sinasabi ko sa inyo, ipapakasal ko na kayo sa mga Hapon.”
“Ikakasal sa, what?!” Clare said and then whined
“Si Clare na lang ipakasal mo po, Ma. ‘Wag ako,” sabi ko naman.
Tinaasan lang kami ng kaliwang kilay ni Mama, “Pareho kayo! Ipapakasal ko kayo sa hapon, hindi ako nagbibiro” ㅡaniya at saka tumayo sa kinauupuan niyaㅡ “hala sige, maiwan ko na kayo.”
Nagpaalam na si Mama na pupunta na raw siya sa school. Kindergarten teacher si Mama, sabi niya nga dati mas makukulit pa raw kami sa mga estudyante niya. Haha. Akala raw ni Mama noong bata lang kami pasaway. Hindi niya in-akala na hanggang paglaki namin.
Hindi naman talaga kami gano‘n ka-pasaway. Nagiging pasaway lang kami para kina Mama dahil nga pinapatulan namin ‘yong mga walang kuwentang tao.
Like I’ve said, sila ang nagsisimula palagi. Hindi naman talaga namin intens’yon na makipagbasag-ulo. Sila talaga nagsisimula ng away.
Ayaw namin sa lahat ‘yung inaapi kami kaya pinapatulan talaga namin. I used ‘namin’ kasi ganito rin ang ugali ni Clare.
Clare used to be my bestfriend. Siya lang talaga ‘yong taong nakakaramay ko palagi, sa lahat ng problema, sa lahat ng litanya. Siya ang palaging kakampi ko, siya ang palaging nandiyan para sa akin.
Mahal na mahal ko ang kapatid ko.
Mahal ko rin naman si panganay namin na mukhang bunso. Ilang beses na bang napagkamalan si Ate Carmie na bunso? Marami-raming beses na rin siguro.
Kaya lang, mas close talaga kami ni Clare. Limang taon ang agwat ni Ate Carmie sa akin at dalawang taon naman ang agwat ko kay Cassie.
Kaya noong grade 5 ako. Grade 4 pa lang si Clare. Magkasunod lang kami ng grade dahil umulit ako ng Grade 1. Ayaw ko kasing pumasok sa school ng walang bantay at hindi ko kasama si Cassie.
Bata pa ako no’n, pero naalala ko pa.
Hindi talaga nila ako napipilit na pumasok sa school kahit si mama pa teacher ko. Nakiusap si Mama noon na siya na muna i-assign na teacher sa grade 1 that time.
Tsaka dati noon, mas gusto kong naglalaro lang kami ni Clare. Hindi pa siya puwedeng pumunta sa school noon dahil may allergy dati si Clare. Sensitive ang balat niya, tapos may asthma pa siya.
‘Yong alikabok sa school, alikabok ng chalk. Hindi niya kakayanin. Kaya no’ng nagkinder na siya. Pumayag na ako na mag-aral ulit. That time, medyo nawala na allergy niya kaya puwede na siya pumasok school.
Sabi ko kay Mama noon na papasok lang ako sa school ‘pag kasama ko si Baby Antonette.
Baby Antonette pa ang tawag namin kay Clare sa bahay noon tapos naging Clare na tawag ni Mama noong nagdalaga na.
Minsan na lang tawaging Antonette.
Gano‘n din kami ni Ate Carmie. Baby Marga raw tawag kay Ate habang sa’kin naman ay Baby Mitch.
“Cassie, tingnan mo.” Napalingon ako nang tawagin ako ni Clare. Papunta na ako noon sa may kusina para lumamon pero tinawag niya ako…
“Ate,” may diin na sabi ko. Gusto ko lang naman i-tama.
Ate naman talaga dapat niyang itawag sa akin kaso nga minsan nakakaligtaan niya. Minsan naman, sadya.
“Ate Cassie, naalala mo pa ba si John McLeigh?” napataas ang kaliwang kilay ko sa kan‘ya.
“Bakit ko maalala, eh wala nga akong kakilalang John McLeigh and manahimik ka na lang. Ayaw ko na marinig sunod mong sasabihin,” sabi ko sa kan’ya at tinalikuran siya.
Hindi ako interesado sa topic na gusto niyang buksan. “Nasalubong ko siya kahapon, binigyan niya ako ng invitation,” sabi nito at nagtaka naman ako. Natigilan ako at humarap ulit sa kan‘ya.
Invitation? Para sa‘n? Birthday niya?
“Kasal niya bukas, pumunta raw tayo,” she informed me. Napakunot naman ako ng noo. Kasal niya? Really? Gusto kong suminghal pero pinigilan ko na muna ang sarili ko.
Nag-poker face na muna ako dahil kung anong emosyon sa mukha ko ang makikita niya ay lalagyan niya ng malisya. I knew her.
“Hindi ko nga kilala ‘yon. Sige, pumunta ka mag-isa ro’n kung gusto mo,” sabi ko sa kan’ya.
Napasimangot naman siya sa akin, “Tigil-tigilan mo na nga ‘yang pagpapanggap” ㅡsabi niya iniharap niya pa niya sa akin ‘yong invitation cardㅡ “mo, invited ang Alonzo family.”
Hindi na lang ako tumugon sa sinabi niya. Mas pinili ko na lang na talikuran siya. She didn‘t know the full story and ayaw ko naman na malaman niya ‘yun.
May kung ano namang kurot ang naramdaman ko sa dibdib ko. Wala sa sariling napabuntong-hininga.
It’s been years pero hindi pa rin ako totally moved on sa ginawa ni Macmac sa akin. Pinipilit kong kalimutan pero napakahirap.
***
"I'M so happy for you, bro," I said to my brother, and I gave him a tap on his shoulder.
He smiled at me. “Thank you, Bling. Ikaw naman dapat sumunod,” sabi niya sa akin tapos kinindatan niya pa ako. Nagkatawanan lang kami.
What? Sumunod dapat ako sa kan‘ya, na ano? Magpakasal?
I mentally smirked. To be honest, gusto ko na rin magpakasal. Gusto kong pakasalan ang taong mahal na mahal ko.
Kalian kaya mangyayari ‘yon? Hindi niya man lang nga alam na mahal ko siya. Walang may alam na mahal na mahal ko siya maliban na lang sa kapatid nito na si Carmie.
Oo, mahal ko ang isa sa dalawang kapatid ni Carmie Alonzo. Pero katulad ni Carmie ay wala akong lakas ng loob na sabihin sa kan‘ya ang nararamdaman ko dahil bukod sa agwat ng edad namin ay alam ko na hindi naman ako ang tipo niya.
I am secretly in love with her for so long. Hindi ko man lang sa kan‘ya masabi-sabi ang nararamdaman ko. Sinubukan ko naman siyang kalimutan pero puso ko na mismo ang nagsasabi na ‘wag na ‘wag kong gagawin.
Hindi ko kayang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kan‘ya nang gano’n-gano‘n lang.
“Sige, next year, ako naman ang magpapakasal,” biro ko sa kan‘ya.
Dalawa kaming magkapatid. Siya ang panganay sa aming dalawa. Ang pangalan niya ay McLeigh pero Macmac ang nickname. At ngayon ang araw ng kasal niya. Pareho kaming nakasuot ng tuxedo. Kinuha niya akong groomsman sa kasal niya
I sighed. Buti pa ‘tong kapatid ko magse-settle down na, ako? Kailan kaya?
Hindi ko ipagkakaila na naiinggit ako sa kan‘ya. Bukod kasi sa mahal niya talaga iyong babaeng pakakasalan niya ay talagang napaka-suwerte niya rito. Napakabait at maalagain ang magiging asawa ng kapatid ko.
Masaya ako para sa kan‘ya. Malaki kaya ang pinagbago ng kapatid ko nang makilala niya si Ashwell, ang babaeng mahal niya. Malaking G*GO ang kapatid ko. Halos lahat ata ng illegal ay nagawa niya na.
Ako? May illegal na rin kaya akong nagawa bukod sa magmahal ng taong hindi naman ako kayang mahalin?
Teka, kailan pa naging illegal ‘yun?
Pero seryoso na…
Meron na akong nagawang mga illegal na bagay noon pa man. Isa na roon ang pagkitil ng buhay. Oo, ilang beses na akong nakapatay ng tao. Pero hindi sila lahat inosente o sa kagustuhan ko lang na pumatay. May rason kung bakit sila napunta sa mga hukay nilang lahat.
Isang tao lang din ang hindi ko makalimutan na pinatay ko noon… That was happened three years ago…
Wala siyang atraso sa akin pero sa babaeng mahal ko. Malaking-malaki. Kung hindi ako dumating malamang nagahasa niya na ang babaeng mahal na mahal ko. Pinatay ko ang nagtangka sa Alonzo na mahal ko.
Nanggagalaiti ako sa galit no’ng mga panahon na iyon. Gusto ko siyang chop-chop-in pero mas pinili ko nalang na ilibing siya ng buhay at siguraduhin na iiwan ko siya na wala ng buhay.
Wala pang limang minuto ay dumating na ang bride at nagsimula na siyang maglakad sa aisle. Napalingon ako sa kapatid ko dahil sumisinghot-singhot. Nagpupunas ng kan‘yang sariling luha.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Tinapik-takip ko ang balikat niya. “Congrats talaga bro,” sabi ko sa kan‘ya.
Nang marating na ni Ashwell ang altar ay nagsimula na ang wedding ceremony. Ang isa sa masayang araw ng kapatid ko.
Masayang-masaya talaga ako sa kapatid ko. At first, tutol ako sa relasyon nila. Hindi dahil ayaw ko si Ashwell para kay McLeigh kundi ayaw ko si Ashwell para kay McLeigh, dahil nga, alam ko kung gaano siya ka-g*go.
Pero habang tumatagal, nakita ko na unti-unting pagbabago ni McLeigh, dahilan kung bakit malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Ashwell kaya sinusuportahan ko nang matindi ang relasyon nila. Kahit na… hindi naman kami masyadong close ni McLeigh.
Maya-maya pa habang nagpapalitan ng vows ang magiging mag-asawa ay natanawan ko ang tatlong pamilyar na pigura.
Ang magkakapatid na Alonzo.
I can’t help but to swallow hard. Hanggang ngayon matindi pa rin ang impact ng babaeng iyon sa akin.
Ilang beses ko naman na siyang nakausap. Nagkausap na kami nang paulit-ulit hanggang sa ako na ang lumayo sa kaniya. Maaari ko na bang sabihin na close kami noon?
Simula noong makilala at una ko siyang makausap ay alam ko na agad na siya na. But when her cousin told me to back off kasi hindi kami puwede ay umiwas ako sa kan‘ya. Nakahalata siguro si Sael no’n na panay titig ako sa kan‘ya’t palagi ko siyang pinupuntahan.
Paano ba naman? Ang ganda-ganda niya kahit siguro babae magpapaka-tomboy para sa kan‘ya.
I sighed again and again.
PAGKAGALING namin sa simbahan ay dumiretso na kami sa reception. Nagsayawan, kuwentuhan, inuman ang nangyayari. They’re all congratulating the newlyweds. My one and only brother and Ashwell.
Masayang-masaya ang lahat sa bagong kasal, “James!” Napalingon ako nang may tumawag sa akin.
Hawak ko ang bote ng alak. Kanina pa ako lumalaklak dito at tinititigan lang sa malayong table ang taong mahal na mahal ko.
I smiled at her. “How are you?” tanong ko sa kan‘ya.
Ang tumawag sa akin ay ang babae kong pinsan na medyo baliw sa akin dati. Sayang daw ako kasi naging magpinsan kami. Hinayang na hinayang siya sa akin.
Tsk.
Kahit anong mangyari ay hinding-hindi ko papatulan ang pinsan kong ito.
“Okay lang, babe. How about you?” She grins at me. I just give her a smirked. Sanay na ako na tinatawag niya akong ‘babe’. Matagal niya nang tawag sa akin ‘yan at kahit ano naman ang gawin ko ay hindi ko mabago-bago ang nakasanayan na nito.
“Fine,” tipid kong sagot.
“Wala ka man lang bang ma-a-asawa riyan? Tingnan mo si Kuya McLeigh, oh,” sabi niya. Hindi ko naman pinansin ang tanong niya na ‘yun. I changed the topic.
“Kailan ka pa naka-uwi?” I asked. Isang taon na kasi siyang naninirahan sa Italy at balita ko ay kinasal na raw siya sa isang Italiano.
So, nasanay lang talaga siya na tawaging akong ‘babe’ sinabi niya na rin sa akin noon bago ako mag trenta na wala na raw siyang feelings para sa akin.
She accepted na magpinsan kami and we can’t be together. “Kagabi lang. Pinilit ko lang talagang maka-uwi ng Pinas. Ayaw pa nga ako payagan ng asawa ko, eh,” sabi niya at tumawa. Lumagok na naman ako ng alak.
So totoo nga na ikinasal na siya. Sekreto lang kasi ‘yon no’ng nakausap ko kapatid niya.
P*cha, naiinggit talaga ako.
Sumulyap ulit ako sa table nila. Nagkakatawanan sila habang nag-iinuman. I know na kanina pa ako iniimbitahan ni Fabella sa table nila pero ayaw ko kaya pinasabi ko na lang na nakaalis na ako.
“May gusto ka kay Cassie?” bigla namang nagsalita ang pinsan ko. Nilingon ko siya at pinagkunotan ng noo.
“What?” ‘di makapaniwalang tanong ko.
“Tinatanong kita kung may gusto ka ba sa kapatid ni Carmie. Kanina ka pa titig na titig sa kan‘ya,” she said, medyo napalunok naman ako sa sinabi niya.
“Wala akong gusto sa kan‘ya and shut the f*ck up.” Wala sa sariling tumayo ako at iniwan ko siya sa table. Lumayo ako ng kunti sa lugar na ‘yun.
Masyado pa ring maingay. Gusto kong magpahangin.
Nasa third floor ang event hall ng hotel. Nagpunta ako sa may balcony, nasa kamay ko pa rin ang bote ng alak na paubos na rin naman. Dapat pala kumuha pa ako ng isa pang bote.
Medyo marami na rin akong naiinom. Pang-apat na bote na yata ng alak ito. Mataas naman ang tolerance ko pagdating sa alak kaya makakauwi pa naman ako ng buhay.
Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa barandilya at patuloy na nilalagok ang alak. Nakatitig lang ako sa kawalan, maya-maya pa ay may tumawag na naman sa‘kin.
Medyo nagulat pa'ko.
I didn’t expect na lalapitan niya ako.
“Kuya James! Bakit ka nag-iisa?! Tagal nating hindi nag-usap, ah!” Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makatabi siya sa akin, bakas pa rin ang gulat sa mukha ko.
May hawak rin siyang bote ng alak na nilalagok niya rin. Halatang may tama na siya.
“C-Cassie?” I was speechless kaya pangalan niya na lang ang nasambit ko.
“Alam mo, Kuya James, sana maging masaya ang bride kay McLeigh,” basag ang boses na sabi niya. I furrowed.
Lumagok ulit siya sa alak niya. Gano‘n din ang ginawa ko. Ubos na ‘yong alak ko, inalis ko na lang ang tingin ko kay Cassie at tumingin ulit sa kawalan.
“I hope so.” Pinaglaruan ko nalang ang walang laman na bote na hawak ko.
Natahimik kami.
Walang kibuan at tanging bawat hininga lang namin ang naririnig ko.
“Sana maging masaya ‘yong bride,” basag niya ulit sa katahimikan at paulit-ulit na sinabi iyon. Lalo lang kumunot ang noo ko. Sobrang lasing na siguro siya.
Napansin ko na lalagok ulit siya ay kinuha ko ang bote at ako na ang uminom. Inubos ko na para wala siyang mainom.
“Tama na, lasing ka na,” I said to inform her.
“What? I’m just saying na sana maging masaya ang babae at hindi niya ma-experience ‘yong nangyari sa amin ni Macmac noon,” bigla naman akong natigilan ng sobra.
“Anong sabi mo?” I clenched my jaw. Hindi ko nagustuhan ‘yung sinabi niya. Tumingin ako sa kan’ya nang diretso.
Tinitigan niya naman ako, ilang minutong titigan.