NAKAKUNOT pa rin ang aking noo. Gusto kong ayain ako ni James papasok ng family house nila tapos sabihin na lang sa akin ang totoo para tapos na pero hindi niya naman ginawa. Hindi ko siya sinagot kung bakit ganito ako um-akto. Kung bakit para akong batang nag-iinarte sa harap niya. Talaga? Nag-iinarte? Bakit kaya iyong ibang tao riyan kapag ganito um-akto, nag-iinarte kaagad? Manong alamin na muna nila ang dahilan, ‘di ba? Twenty-four na ako ngunit hindi ko pa rin talaga maintindihan ‘yong iba riyan. “What? Tell me where we're going first," I said, grasping the yellow helmet. Doon nakatuon ang atensyon ko. Naghahalungkat ang mga utak ko ng mga alaala kasama nitong helmet na ‘to. Parang gusto ko na lang matawa nang mala-demonyo dahil sa ka-tang*han ko. Ganito ba talaga kapag inii

