Natahimik bigla si Liam. Di niya alam ang mararamdaman sa mga oras na iyon. "Buti kamo at naawat ng mga tiyuhin niya si Athena, kung hindi, baka kung anong ng gulo ang nangyari sa kanila dahil galit na galit si Athena," sabat ng Nanay nila habang naghahanda ng mesa para sa hapunan. Nakaramdam ng galit si Liam pero mas lamang ang takot na baka mamaya ay magkabalikan si Athena at ang boyfriend nito. "Sarap bugbugin nang mamaga ang mukha. Gwapong-gwapo sa sarili. Kala ba talaga niya gusto pa rin siya ni Athena? Sinusuka siya ni Athena!" inis na sabi ni Jali saka naupo sa hapag-kainan. "Wala ng gusto si Athena ron?" biglang nabuhayan na tanong ni Liam. Umirap na lang si Jali. May kung anong tinik ang naalis sa dibdib niya na nakagaan kahit papano ng pakiramdam. "Hoy! Tumigil kayo. Maya

