Chapter 06

3276 Words
Xynara's POV Nasa klase na ako. Tinext ako ni Kycer na papasok na raw siya. Hindi na raw niya ipagpipilitan na mag-jowa kami. Hays.. Buti naman kung ganun. Kasi may iba talaga akong nagugustuhan.. Ayan at pumasok na siya kasama pa niya si Julie. Lagi silang magkasama. Magjowa kaya ang dalawang ito? Sana hindi siya type ni Lynuz.. Ihh!!! ^///^.. Nakahalumbaba ako habang pinagmamasdan siya sa paglalakad. Ang gwapo niya talaga. Pati mga classmate namin nakikitingin din.. Sana ako na lang.. Ako na lang please^^ OA.. "Xynara.. Parating na sila Kycer at Lumiere.." Bumoboses nanaman si Cyrex. "Hayaan mo sila, moment nila ngayon. Matanong lang kita, magjowa ba si Julie at Lynuz? Lagi kasi silang kagkasama." "Hindi sila mag-jowa. Si Julie, matagal ng may gusto kay Lynuz kaso hindi niya ito masabi kasi baka iwasan siya nito. Si Lynuz naman, manhid talaga yan. May ibang babae siyang gusto." "Yun din sinabi niya e" "Pero siya ang klase ng lalake na iba-ibang mga babaeng ang kasama kada gabi. Mas gusto niya sa labas kaysa umuwi sa bahay niya. Wala na kasi siyang magulang. Pinatay daw.." "Pinatay? Sino may gawa?" "Tito at tita niya. Na nakatira parin sa bahay niya. Natatawa rin ako sa kanya kasi lagi niyang sinasabi na MAY KALALAGYAN DIN SILA PAG NAUBOS ANG PASENSIYA KO.." "Nakakatakot dahil killer ang kasama niya sa bahay niya. Baka isunod siya ng mga iyon.?" "Alam naman siguro niya na posibleng gawin iyon sa kanya." "Kuwawa naman pala siya.." Bakit bigla akong naawa kay Lynuz? Muli tuloy akong napatingin sa kanya. Ayon at nasapol ako ng bigla siyang lumingon at tumingin rin sakin. Hanggang tingin na lang ba ako sa kanya? "May gusto ka ba kay Lynuz? " "Medyo.." "HOY! Sino kinakausap mo?" Napatingin ako sa nagtanong. Ow ow.. Si Kycer pala. I forgot, magkatabi nga pala kami sa upuan. "Musta na? Nabagok ka na ba, Kaya ka nakipag-ayos ka kay Lumiere?" Tanong ko pero napataas ang isang kilay niya. Ay, mukhang hindi pa bumabalik ang Memorya niyang naligaw.. Naupo siya sa tabi ko at muling nagtanong. "Bakit may nakadikit sayong usok?" "Usok?! Sino?! Asan?! Nasusunog ba damit ko?! umuusok ako?! Hala siya? ASAN ANG USOK??!!!!" "-_____-?"-Kycer. "Ako ata ang tinutukoy niyang usok.." Sabi ni Cyrex. Ah.? Siya pala yun.. Ibig sabihin, bumabalik na kahit papaano ang talent niya, este.. 3rd eye niya. "Hindi lang siya basta usok, Ghost siya.. At kilala mo siya." Sabi ko kay kycer. "Ghost? May 3rd eye ka?" "Tayong dalawa may 3rd eye. Medyo nawala lang yung sayo dahil sa naaksidente ka.." "Kaya pala.. Napansin ko nga rin na naging usok na lang ang mga nakikita kong ghost. Pero ang sabi mo, kilala ko ang usok na yan. Sino siya?" Ang magandang tanong niya. "Siya si Cyrex. Kambal mo.." "Si Cyrex yan?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Parang kinilabutan siya.. "Kayong dalawa ang unang nagplano na magpapanggap ka bilang CYREX. Kaso, nasira ang plano nung maligaw ang memorya mo..." "Maligaw???" "I mean, mabura pansamantala. Gets?!" Ito talaga, hindi na nasanay sa pananalita ko. Natahimik siya sa sinabi ko at tumingin na lang sa may bintana. Hindi na rin ako bumoses kasi nagmomoment na siya. Kay Lynuz na lang ako tumingin. Uubusin ko ang oras sa kakatitig sa kanya *^__^* ....................... Cleaning time, Nasa labas kami ng room namin. Cleaning time daw e. Maglilinis daw kami ng paligid. Hanapan basura 'to. Kanya-kanya kami ng lugar sa paghahanap ng basura. Dampot dun, dampot Jan, sige! Dampot!! "Nakatatlong basura na ako.Hahaha!" Tawa ako mag-isa. Ay, hindi pala ako nag-iisa. Kasama ko si Cyrex. Ayaw niya makaistorbo sa bonding nila Lumiere at Kycer. Kaya sakin siya nakikibonding ngayon.. "Ayon! May basura pa don. May isa pa don. At doon pa sa bandang pinto ng lumang gym!" Turo ni Cyrex. "Bawal tumuro baka manuno ka." "Ghost na ako Para manuno pa." "Isa-isa lang. Mahina lang ang kalaban." Sagot ko at pinagdadampot ko na yung mga tinuro niya. Pati dun sa pinto ng gym kinuha ko na rin. Bigla ako nagtago ng may makita akong tao sa loob ng gym. Sinilip ko ulit. 0__- Isang lalake at isang babae. Gumagawa ng milagro. Parang kilala ko si Girl e. Classmate ko yan. Akala ko mainhin pero grabi makipag kissing-kissing. Ang init naman ng area na'to.hahaha. Sino kaya yung lalake? Nakatalikod kasi e.. Pwede pa kayang lumapit? Saya manuod e^^. Dahan-dahan akong humakbang. Hahaha. Makikinuod lang^^ "XYNARA bawal iyan!!!!!" Sigaw ng multo at napatid ako. Ayon, bulagta ako sa lupa. Hinarap ko ang multo sa likod ko. "Sshhh... Wag maingay..." Sabi ko sa sa kanya at lumingon na ulit sa dalawang nagkikissing-kissing. Pagkaharap ko, nakatayo na sa harapan ko si classmate. Wow! Amputi ng legs. Ang kinis!! "Tumayo ka nga! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni classmate. "Hahaha. Andami kasing kalat dito sa loob, pupulutin ko sana.hahah" tawang sabi ko habang tumatayo na ako. "Talaga? O baka pinapanuod mo kami?" "Sino? Asan? May kasama ka ba?" Pag sisinungaling ko at tumingin sa likod ni classmate para makita kung sino yung lalakeng kakissing-kissing niya. OMG!!!! S-si Lynuz pala yung lalake T__T nahurt ang puso ko..ouch! "Bakit natahimik ka? Siguro totoo ang hinala ko sayo?!" Tanong ulit ni classmate. "Kalat po hanap ko. Kalat ba kayo?" Pasimpleng napangiti si Lynuz dahil sa sinabi ko. Hmpts.. Ni-hurt niya ang puso ko, kaya 'wag siyang ngingiti-ngiti dyan. makaalis na nga. "Ipagpatuloy nyo na ulit yung ginagawa niyo kanina." Pahabol ko. "See?! " sabi ni classmate. "Sabi ko, ipagpatuloy niyo na ulit yung ginagawa niyo kanina. Yung pagpupulot ng basura. Ikaw, ang green minded mo." Huling banat ko at naglakad na ako palabas ng gym. Sa labas, Nakita ko si Lex. Nakita niya rin ako kaya lumapit siya sakin. "Xynara, ikaw lang ba mag-isa?" "Hindi ako nag-iisa. May kasama akong multo." Tumawa siya ng malakas. Ayaw maniwala? Edih wow! "Partner na lang tayo. Malungkot kapag nag-iisa." Sabi niya at sabay hakbay sakin. Paalis palang kami pero parang kinakabahan ako sa kanya. Biglang may humawak sa kamay ko at hinila ako palayo kay Lex. Nasubsob ang mukha sa dibdib ng kung sino. Aba, may payakap-yakap pa ah. Sino ba to? Tada!!! Si Lynuz pala.. "Kagrupo namin si Xynara. Kung gusto mo, sumali ka na lang samin total nalulungkot ka kapag mag-isa. Diba?" -lynuz. Napapaso ako sa tinginan nilang dalawa. Nakita ko si classmate. Masama tingin sakin kasi nga nakayakap sakin si Lynuz. Mayakap nga din ito. HUGS!!!! Tingin ulit kay classmate. "Bleh!" Pang-aasar ko sa kanya. Napatingin sakin si Lynuz dahil sa ginawa ko. Naka-HUG!!!! Parin kasi ako.hehehe "Joke lang(peace sign*) di sadya ang Hug." Kakahiya talaga -___- "Gusto ko sana, dalawa lang kami. Kaso grupo pala kayo kaya aalis na lang ako." Sabi ni Lex at tinalikuran na kami. Tinanggal na ni Lynuz ang pagkakayakap niya sakin. "H'wag kang lalapit sa kanya. At lalong hindi pwedeng kayo lang ang magkasama. Baliw yun. Mag-iingat ka sa mga katulad niya" Babala ba yon? "Una na kami. Layuan mo siya kung kinakailangan." Sabi niya ulit at umalis na sila ni classmate. Nakatingin lang ako sa kanila. "Tama siya. Iwasan mo si Lex. May masamang balak siya kay kycer. Kahit si Lynuz, iwasan mo rin dahil isa sa kanila ang killer." Paalala ni Cyrex. "Mukhang mabait naman si Lynuz e.." Baka hindi naman siya ang killer.. ......... Lex's POV Napipikon na talaga ako sa Lynuz na iyon!! Kailangan mo na nga sigurong mawala sa landas ko bago ko tapusin si Cyrex.. Nandito ako ngayon sa parking area ng school. Walang tao sa paligid dahil may klase pa kami. Nakatayo ako ngayon sa harap ng kotse niya. Sa pagkakakilala ko kay Lynuz, mabilis siyang magpatakbo ng kotse niya. Ano kayang mangyayare kung mawawalan ng preno ang kotse niya? Iniisip ko pa lang, mukhang may paglalamayan na kami kinabukasan. Hahaha!!! .......................... Lynuz's POV Tapos na ang klase namin sa araw na'to. Papunta na ako sa parking Area para puntahan ang kotse ko. Nakita kong magkasama si Cyrex at Lumiere. Nakakaramdam nanaman ako ng galit kay Cyrex. Traydor siya. Patakbong lumapit si Xynara sa kanila. Makulit talaga ang babae iyon. Magaang any loob ko sa kanya. Sa tingin ko magagamit ko din siya laban kay cyrex. Sa ngayon, ayoko munang makipaglaro. Tinatamad pa ako. Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay ako sa loob. Pinaandar ko ito at tinahak ang labas ng school. Nasa kalsada na ako ng bilisan ko na ang pagpapatakbo. Biglang nag-Ring ang cellphone ko. Si Tita ang tumatawag. Kukulitin nanaman nila ako tungkol sa pera. Hindi ko sinagot ang tawag niya. Nanatili akong nakafocus sa dinadaanan ng kotse ko. May nakita akong gas station, hihinto sana ako ng biglang hindi gumana ang preno. P*ta!!! Bakit di gumagana 'to?!!! Liko-liko ang sumunod na daan kaya nahihirapan ako. Bakit ba nagkaganito ang kotse ko?! Habang napakabilis ang takbo ng kotse ko, may mag-inang tatawid ng kalsada. Masasagasaan ko sila kapag hindi gumana ang preno ng kotse ko. Badtrip!!!! "Bahala na.." Agad kong niliko ang manibela para iwasang masagasaan ang mag-ina sa daan. Sa puno bumangga ang kotse ko. Nayupi ang harapan nito. Samantala, duguan ako ng tumama ang ulo ko sa manibela. Napasandal na lang ako sa upuan habang umaagos ang dugo mula noo ko. Nakararamdam na ako ng hilo dahil sa lakas ng pagkakabundol. Umuusok na ang harapan ng kotse ko. Napatingin ako sa bintana, nang may mapansin akong tao na kumakalampag ng bintana ko. Hindi ko siya marinig... Maya-maya ay binasag niya ang salamin ng bintana at binuksan ang pinto. Dali-dali niya akong kinuha mula sa kotse at dinala ako sa malayo. Malayo sa kotse ko.. Biglang sumabog ang kotse ko. Nagngangalit ang apoy nito. Ipinikit ko ang mga mata ko ng makaramdam na ako ng antok.. ............................. Nagising ako sa isang kwarto. Dahil sa kulay puti ang pintura nito, nasisiguro kong nasa hospital ako. Napahawak ako sa ulo ko. May benda ito at ramdam ko parin ang sakit nito. "Mabuti at gising ka na. Nag-alala ako ng husto para sayo.." Sabi ng isang babaeng nakatayo sa gilid ko. Si Julie... "OK na ang pakiramdam ko. Pwede ka ng umuwi.." Hindi ako sanay na may nag-aalala sakin. Sanay akong mag-isa. "Babantayan kita. Gusto kong alagaan ka dito.." "Julie, hindi mo kailangang gawin ito. H'wag mong pagurin ang sarili mo Para lang sakin. Umuwi ka na.." Kaso parang ayaw niyang umalis. "Kung si Lumiere ang makikiusap na alagaan ka, siguro papayag ka kaagad?" "Ano bang gusto mong sabihin?" "Matagal ko ng alam na may gusto ka kay Lumiere.. Nagseselos ako kasi iba ang mahal ng mahal ko. Mahal kita.." Iniwas ko ang tingin ko. Malabong magkagusto ako sa kanya. Si Lumiere lang talaga ang minahal ko noon pa. "Wala akong nararamdaman para sayo. Kaibigan lang ang turing ko sayo.." "Ganun ba? May isang sekreto nga pala akong nalalaman.." "Ano naman yon?" "Nung araw bago mamatay si Cyrex, nagising ako nun, nakita kitang bumangon sa sofa at sinundan mo si Cyrex. Nung mga oras na yon ay natutulog si Lex sa mesa kaya malabong siya ang pumatay kay Cyrex noon. Muli akong nakatulog dahil sobrang pagkalasing. Alam kong nakakahalata ka rin na hindi na si Cyrex ang nakakasama natin sa school. Ibang Cyrex ang bumalik. Kasi, Pinatay mo ang totoong Cyrex.." Tumingin ako ng masama kay julie. "Bina-blackmail mo ba ako?" "Oo." "Anong gusto mo?" "Ikaw ang gusto ko, Lynuz.." "Hindi kita gusto.." "Pilitin mong magkagusto sakin para ang lahat ng nalalaman ko ay hindi makarating kay Lumiere.." Ngumiti siya ng bahagya. May pagkatuso rin pala siya.. Lumapit siya sa kamang kinauupuan ko at umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya ng hawakan niya ang mukha ko. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sakin hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Nakapikit siya habang nakahalik sakin. Hawak niya ako sa leeg ngayon. Hinawakan ko ang pisngi niya ay sumabay sa mga halik niya. Tumigil siya sa paghalik sakin at nagkatinginan kaming dalawa. "Ano ang desisyon mo,Lynuz?" "Pipilitin ko ang sarili ko na mahalin ko. Yun ang gusto mo diba?" "Oo. Yun nga ang gusto ko.." Sige, sasabayan ko ang laro mo bago ko tapusin ang panaginip mo.. Muli ko siyang hinalikan.. Sa mga oras na ito pwede na kaming mags*x ng biglang bumukas ang pinto. Nakatayo sa b****a ng pinto si.. Xynara..? Nakita niya kami ni Julie na naghahalikan. Bakit siya nandito? Bigla siyang tumalikod ng makita niya kami. "So-sorry. Hindi ko sinasadyang maistorbo kayo. Bibisita sana ako.." Sabi niya. "Bakit kasi hindi ka muna kumakatok?" -julie. "Sorry!!" Sagot nito at tumakbo na palabas ng kwarto ko. Biglang sumakit ang ulo.. Mas masakit kumpara kanina.. "Magpapahinga muna ako, Julie.. Sumasakit ang ulo ko ngayon.." "Sige,magpahinga ka muna. Magpagaling ka.." Sabi nito at hinalikan ulit ako. Pag-iisipan ko kung paano ka patatahimikin.. ......................... Pinayagan na ako ng doctor na magpahinga sa bahay ko. Isang linggo rin ang pananatili ko dito sa hospital. Kasama ko si Julie habang hinihintay namin ang kotseng susundo sakin. "Antagal naman ng sundo mo. Sana sa kotse ko na lang tayo sumakay para Hindi tayo naghihintay ng ganito." "Pwede ka ng umuwi kung naiinip ka." "Ayoko. Sasamahan kita. Sayang ang kotse mo. Nasira sa aksidente. Mahal pa naman nun" Hindi na lang ako umimik sa mga sinasabi niya. Maya-maya ay dumating na ang kotseng sundo ko. Binuksan ko ang pinto. "Salamat sa pagsama sakin dito. Papasok na ako sa loob." Bigla siyang humarang sa papasukan ko. "Sayo na lang ako makikisabay. Gusto ko rin malaman kung saan nakatira ang boyfriend ko." "Ikaw ang bahala." Nauna siyang pumasok sa loob. Sumunod ako at umupo sa tabi niya. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap niya sa braso ko at pagsandal ng ulo niya sa balikat ko. "H'wag mong isipin na bina-blackmail kita. Matagal akong nanahimik Para sayo. Ganun kita kamahal. Kakampi mo ako.." Kakampi? Hindi ko kailangan non. At lalong hindi ko kailangan ang pagmamahal na galing sayo.. Nakarating kami sa bahay ko. Bumukas ang napakalaking gate at pumasok sa loob ang kotseng sinasakyan namin. Huminto ito sa harap ng bahay ko. "Dito ka nakatira? Sayo ba ito?" Tanong niya. "Oo. Ito ang bahay ko." "Hahaha. Akala ko, na ang bahay na tinatawag mo ay Pangkaraniwan lang. Ang tinatawag mo palang BAHAY ay isang napakalaking MANSION pala.. Namangha talaga ako sa nakita ko.." "Bumaba na tayo." Wala akong panahon para sa pagkamangha mo. Pumasok kami sa loob. Pinagmamasdan niya ang lawak ng bahay ko hanggang sa nahinto siya sa Family picture ng bahay na ito. "Ito pala ang pamilya mo. Maganda ang mama mo at mukhang masungit ang papa mo. Namatay sila sa car accident diba?" "Oo. Nakwento ko na sainyo yon.." "Ikaw ito at mukhang 13 years old ka lang dito. Ang ganda ng batang kahakbay mo dito. First love mo ba sya?" "Kapatid ko siya kaya malabong mangyari ang nasa isip mo." "Magkapatid? Parang hindi kayo mukhang magkapatid kung titignan. Nasaan na nga pala siya?" "Patay na siya. Nasagasaan siya.." "Puro trahedya pala ang nangyari sa buhay mo. Kaya ka siguro natutong pumatay..hahaha just kidding.." "Hindi Nakakatuwa.." Tinawag ko ang maid ko. Palalayasin ko na ang babaeng ito. "Pakihatid na ang girlfriend ko sa labas. Magpapahinga na ako." "No! Dito lang--" Naputol ang sasabihin niya ng halikan ko siya. Bumulong ako sa harapan niya.. "Magkita na lang tayo sa school.." Tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at inalala ang kapatid ko. Kung may pipigil man sa kasamaang ginagawa ko, ang mahal kong kapatid lang ang makakagawa non. Hindi ko siya kapatid dahil inampon siya ng magulang ko.. Kung maibabalik lang ang oras.. Mas pipiliin kong mahalin si Cyra kumpara kay Lumiere.. .............. Xynara's POV "Atsuu!!! May nakaalala ata sakin." "Baka may sakit ka? Imposibleng may makaalala sayo, e wala ka naman boyfriend. Hahaha"- kycer. Aba, nang-aasar ito ah? Porket may Lumiere siya? "May boyfriend ako!!" Sigaw ko. "Sino?" "Ayon oh!" Sabay turo kay Cyrex na kararating lang. Tumingin lang din si Kycer sa tinuro ko. "Saan? Sa usok ka nagkakagusto? HAHAHA!!" sige pa, tawa pa more!! "Hindi siya usok! Si Cyrex yan!" Iuntog ko kaya ito para bumukas na yung 3rd eye niya? Kakainis! Lumapit sakin si Cyrex. "Bakit? Anong nangyayari sa inyo?"-Cyrex. "Baliw kasi ang kambal mo.." Lumapit sakin si Kycer at ginulo ang beautiful hair ko. Nu ba? Don't me!!! "Maiwan na kita baka mahawa pa ako sayo.hahaha"- kycer. At umakyat na siya sa kwarto niya. "Whuahh!!! Yabang niya. Makakahanap din ako ng jowa at ipapamukha ko yun sa kanya. Makikipagdate ako" Sabay labas ng cellphone at tinext ang mga classmate ko kung sino free makipagdate sakin. "Sino tinetext mo?"-cyrex. "Classmates ko. Hahanap ako ka-date" "Baka mapahamak ka sa gagawin mo. Dumito ka na lang. H'wag mo na lang pansinin si Kycer." "I need boyfriend.." "Hindi mo kailangang magmadali. Maghintay ka lang at may darating din sayo." "Hanggang kailan ang paghihintay? Kung pwede naman kumilos." Kung pwede ka nga lang mabuhay e. Ikaw na lang sana.. Ayan na, may nagreply. May date na ako^^ Eto na This!!! Magkakajowa na ako!!! ...................... Sa school, Sempre aral din muna bago jowa. Kasabay kong pumasok si Kycer. Sinalubong siya ni Lumiere at iniwan na nila akong LONELY.. May paparating na kotse at papasok ito sa school. Wow! Bago ang kotse. Mayaman siguro owner nito. Huminto ito sa tapat ng school building. Bumukas ang pinto at lumabas doon si Lynuz. Nasira na kotse niya diba? May bago siya ulit? Mayaman nga siguro siya. Napatingin siya sakin. Ang puso ko kumakabog nanaman.. Palapit na siya sakin. Ayan na siya!!! Kaharap ko na siya.. "Salamat sa pagbisita mo sakin sa hospital nung nakaraang araw. Sorry kung hindi maganda ang bumungad sayo." Yung tinutukoy niya ay ang kissing scene na nakita ko sa kanila ni Julie. Namula tuloy mukha ko sa hiya. Kasalanan ko rin kasi e. Katok muna bago surprise. Ayan tuloy, ako ang na- surprise.. "Xynara?" Tawag sakin ni Lynuz. Naku, natulala ata ako.. "Hahaha. Inalala ko lang yung sa hospital. Medyo nakalimutan ko na kasi yung nangyari. Yung nakita ko sa inyo ni Julie, sanay na ako don. Hindi na bago sakin yun.." Ngumiti siya sakin. "Sabay na tayo pumasok sa room." Alok niya. "Si-sige.." Sabay kaming naglakad patungo sa room namin ng nakasalubong namin si Julie sa daan. "Mukhang nagiging close na kayo ah?" Tanong ni Julie habang nakapamaywang pa. "Ano kasi.. Nagkataon lang ang pagkasabay namin. Hindi naman kami ganon ka-close e.." -ako. Lumapit siya kay Lynuz at para siyang ahas kung pumulupot sa braso ng crush ko. Hmptss!!! "Next time kung magkakasalubong kayo ulit sa daan, umiwas ka na lang. Layuan mo siya kung pwede dahil si Lynuz ay may karelasyon na." "Karelasyon? Sino?" "Ako lang naman yun." "Weh? Di nga? Di halata na kayo ah. Parang mas bagay kami e."-ako. "Ano?!" "Echoz! Joki! joki! Hahaha. Sige, mauna na ako sa room." "Xynara, pasensiya na."-Lynuz. "OK lang.." Sabi ko at tinalikuran ko na sila. Ampanget ng araw ko. Pero gaganda din ito mamaya sa date ko.. ......................... Lynuz's POV "Bakit kailangan mo pang sabihin kay Xynara yon?! Nagkataon lang ang pagsabay namin!" Naiinis na talaga ako sa kanya. "Nagkataon? Halatang may gusto siya sayo. O baka, ikaw ang may gusto sa kanya? Ayoko ng ganun! Nagseselos ako sa mga babaeng lalapit sayo. Umiwas ka na lang kung maaari!" "Wala kang karapatan na paderan ako sa mga taong gusto kong lapitan!" Badtrip!!! Tinalikuran ko na siya. Malapit na akong mapuno sa ugali niya. "Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin? Handa ka na bang makulong at pagbayaran ang kasalanang ginawa mo?" Muli ko siyang nilingon. "Tinatakot mo ba ako?" "Bakit? Yun ba ang nararamdaman mo ngayon? Mababalewala ang mga yaman mo kung mabubulok ka sa kulungan." Sabi niya at napangiti. Binablackmail nanaman niya ako.. Ang babaeng to, parang bihasa siya sa pambablackmail ng tao. Pakiramdam ko, Para akong may kadena sa leeg at sunud-sunuran sa utos niya. Sinasagad na niya ang pasensya ko. Ang totoo, sumabog na nga ako dahil sa inis. Kailangan na nga kitang patahimikin.. Lumapit siya sakin at inilahad ang kamay niya. "Ang gusto ko lang ay sundin mo ang gusto ko. At mapapanatag ka na hawak mo ang katahimikan ko.. Ano? Payag ka ba?" Huminga muna ako ng malalim... at hinawakan ko na ang kamay niya. "Hawak mo ako ngayon kaya pumapayag na ako.." Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanang kamay ko. Lumapit siya sakin at hinalikan ako. Kainis! Ganito ba katindi ang pagnanasa nito sakin? Wala siyang pakielam sa mga estudyanteng nakatingin samin.. Tumigil siya bigla at muling tumingin sakin. "Mag date tayo mamayang gabi. Ok lang ba?" Tanong niya. Tamang-tama. Pwede kitang patahimikin doon.. "Kung yan ang gusto mo, payag ako." "Ikaw ang mag-isip kung saan mo ako ide-date" "Sa hotel ang gusto ko. Magsasaya tayo. Yung tayo lang dalawa." Mukhang natahimik siya sa sinabi ko. Natural na makaramdam siya ng kaba dahil alam niya na ako ang pumatay kay Cyrex. "Sa hotel? Anong gagawin natin doon?" "Hindi na bago sayo kung anong ginagawa ko sa hotel kapag may kasama akong babae. Kilala mo ako diba? Doon ang punta natin. Kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin." "Wait.. Sige na. Payag na ako na sa hotel tayo magde-date." Napangiti ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Lumapit ako ng husto sa kanya at hinalikan siya ng sandali sa labi niya. "Pumasok na tayo sa room.." Bulong ko sa kanya. Hinakbayan ko siya at naglakad na patungo sa klase namin. Oras na lang ang hihintayin ko, at mawawala na ang problemang nagpapasakit sa ulo ko.. ............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD