Chapter 04

3094 Words
Kycer's POV Tahimik lang kaming nalalakad habang magkahawak kamay hanggang sa makarating kami sa bahay niya. "Salamat sa paghatid mo sakin. Sana hindi ka mapagod sakin." "Hindi ako mapapagod. Mauna na ako. Pumasok ka na sa loob." Sabi ko. Paalis na ako nang.. "Sandali lang. May nakalimutan ka pa." Sabi niya at humarap ako sa kanya. Pagkaharap ko, hinalikan niya ako sa labi ko. Natulala ako sa ginawa niya. Mabilis na halik lang 'yon at ngumiti siya sakin. Pagkatapos ay patakbong pumasok siya sa bahay niya. Bago tuluyang isara ang pinto, nag-peace sign pa siya. Hinalikan ko na siya noon pero iba pala ang pakiramdam kung siya ang naunang gumawa non. Hayst.. Pero ang halik na iyon ay hindi para sakin. Para kay Cyrex iyon.. Tinalikuran ko na ang bahay niya at tinahak na ang daan pauwi sa bahay ko. . . . Nasa harap na ako ng bahay ko. Napansin ko na bukas ang mga ilaw sa loob. Sino kaya ang nasa loob ng bahay ko? Binuksan ko ang pinto.. "Hi babe. Buti nakauwi ka na. Katatapos ko lang magluto. Kumain na tayo^^" Si Xynara pala ang nasa bahay ko.. SI XYNARA ANG NASA BAHAY KO?!!! "Paano ka nakapasok?" "May susi ako diba? Noong tayo pa, binigyan mo ako nang duplicate ng susi mo para kahit anong oras makakapasok ako sa bahay mo." Lumapit ako sa kanya at inilahad ang kamay ko. "Talagang iningatan mo pa rin ang susi na iyan ah. Ibigay mo na sakin iyan. Wala na tayong relasyon kaya kukunin ko na iyan." "Ayoko nga. Sakin na'to. Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito e. Si Cyrex kaya!" Natawa ako sa sagot niya. Akalain mo iyon? Mukhang nahulog na ang loob niya kay Cyrex? Hahahaha. "Hahaha. Tama nga ako sa kalalabasan ng story niyo^^ nainlove ka kay Cyrex. Nainlove ka sa multo^^ osya, hahayaan ko na ang susi na iyan sayo para madadalaw mo si Cyrex dito.hahaha" "Kumain ka na nga!!" Inis na sabi nito. "Sige. Maliligo muna ako. Nasaan nga pala si Cyrex?" Tanong ko. Himalang wala siya sa bahay. Hindi ko naman siya kasama kanina. "Kaaalis lang niya nung dumating ka. Pupunta daw siya kay Lumiere. Mahal niya talaga si Lumiere. Lagi siyang nag-aalala." "Selos ka naman? Hahaha." sagot ko at sinimulan ko ang pag-akyat sa hagdan. "Selos? Sempre, hindi noh!! Sayo siya nagseselos!!" Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko 'yon. "Bakit naman siya magseselos sakin?" "Kasi nakakasama mo si Lumiere. Lagi niyang sinasabi na sana hindi nalang raw siya namatay. Siguro nagseselos siya sa tuwing magkasama kayo ng Gf niya." Sakin pa siya nagselos? Kung ganyan pala ang nararamdaman niya sa tuwing kasama ko si Lumiere, bakit pinagpapanggap pa niya ako?!! Uminit tuloy ang dugo ko sa kanya! "Pagdating niya dito, sabihin mo BALIW SIYA!! Kung hindi niya gusto na nakikita niya kami ni Lumiere na magkasama, sabihin niya sakin para itigil ko na ang kalokohang ito!" Umakyat na ako sa kwarto ko. Maliligo muna ako dahil nag-iinit ang dugo ko. Kung tutuusin ako pa nga ang talunan sa larong 'to. Nanganganib ang buhay ko dahil sa killer niya at... Pakiramdam ko, nahuhulog na ako sa Girlfriend niya.. Kaasar! Kung ako lang, gusto ko nang itigil ang lahat ng ito.. Bago pa may masaktan na isa samin.. .............. Cyrex's POV Nandito ako sa kwarto ni Lumiere. Busy siya sa paggawa ng report niya sa school. Hindi talaga kumukupas ang ganda niya. Hindi lang ganda ang meron siya, matalino pa.. Kung buhay lang ako, ako na siguro ang pinakaswerteng lalake sa mundo. Sa dami-dami ng lalake, ako ang pinili niyang mahalin.. "Posible pa kayang magkasama tayo? Kahit pinaghiwalay na tayo ng kamatayan?" Kung nakakakita ka lang din tulad nila Kycer at Xynara siguro posible pang mangyari 'yon.. Kaso hindi.. Hindi mo ako nakikita.. Lumapit ako kay Lumiere at hinawakan ko siya sa kanyang mukha. Tumagos lang ang kamay ko. "Mahal na mahal kita.. Nakakaramdam pa rin ako ng selos kapag magkasama kayo ni Kycer.." Niyakap ko siya. Kahit sa ganito lang, maramdaman niyang nandito parin ako. "Hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo. Sana ganon din ang nararamdaman mo.." Sa susunod na buhay, sisiguraduhin kong magtatagpo tayo. Magkakasama tayo.. "Mahal na mahal kita Lumiere..." .................. Lumiere's POV Bigla akong nilamig.. Napatingin ako sa bintana, bukas pa pala ito.. "Kaya pala malamig.." Lumapit ako para isara ang bintana. Napatingin ako sa kalangitan. Ang ganda ng buwan. Bilog na bilog talaga at napakaliwanag. Mukha na siyang araw sa gabi. Bigla ko tuloy naalala si Cyrex.. Siya si cyrex sa panlabas. Si Kycer siya sa loob.. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi man lang siya tumatawag o nagtetext sakin kung ano ang ginagawa ko. Malaki talaga ang pinagkaiba nila ng totoong Cyrex.. "Cyrex.. Miss na kita. Sana nasa maayos ka sa kabilang buhay..." Nawala na ang lamig.. Kakaiba talaga ang klima ngayon. Iinit tapos lalamig.. Pumunta ako sa kama ko at kinuha ang bag ko. Gusto kong tawagan si Kycer. Nakita ko ang Black diary niya. Hindi ko pa pala ito nababasa. Nasaan kaya ang cellphone ko? Bakit wala sa bag? Isip-isip-isip... Naiwan ko ata sa pool 'yon. Nandoon pa kaya iyon? Napatingin ako sa wall clock. "7pm pa lang. Maaga pa, kaya pwede ko pang balikan yon ngayon." .......... Kycer's POV Katatapos ko lang maligo. Nawala kahit papaano ang inis ko. Eto at nagbibihis na ako nang mag-Ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.. "Si Lumiere pala. Bakit kaya siya tumatawag?" Napatingin ako sa Wall clock ko. 7:05pm palang.. Sinagot ko ang call niya. "Lumiere? Bakit ka napatawag?" Tanong ko pero hindi siya sumasagot. Hindi nagtagal, naputol na ang kabilang linya. Nakakapagtaka naman na hindi siya sumasagot? Tumunog naman ang cellphone ko. Nagtext naman siya. --MAG-USAP TAYO NGAYON. MAY SASABIHIN AKO. MAGKITA TAYO SA SCHOOL. DITO SA POOL. MAGHIHINTAY AKO SAYO..---text. bakit sa school pa? Pwede naman sa bahay nila. Tinawagan ko ang number niya pero nagri-Ring lang ito. Hindi niya sinasagot. Kinakabahan ako. Baka may masamang nangyayari sa kanya. Ang mabuti pa, puntahan ko na siya doon. Bumaba na ako. Nakita ako ni Xynara. "Saan punta mo?" Tanong niya. "Sa school. Tumawag sakin si Lumiere na magkita daw kami ngayon doon. Kapag hinanap ako ni Cyrex, sabihin mo pinuntahan ko si Lumiere." "OK. Ingat ka babe^^" Babe parin? Try niya kayang tawaging babe si Cyrex.. Lumabas na ako ng bahay para puntahan si Lumiere.. ............. Sa school, Nakarating na ako. Dumiretso na ako sa pool. Hindi ko makita si Lumiere. Tinawagan ko ulit ang cellphone niya. Narinig kong nagRing ang phone niya. Nasa malapit lang siya. Hinanap ko ang tunog at nakita ko malapit sa pool ang cellphone niya. Pero nasaan siya? Nakakapagtaka na talaga.. Kinuha ko ang cellphone na nasa lupa. Pagkakuha ko, naramdaman kong may taong nakatayo sa likuran ko.. At nasisiguro kong hindi si Lumiere iyon.. "Buti nakarating ka.. Pwede na ba natin simulan ang paglalaro?" Sabi ng taong nasa likuran ko. Napahingang malalim ako.. Nahulog ata ako sa patibong ng killer. ............ Cyrex's POV Nakauwi na din sa wakas. Nakita ko si Xynara na mag-isang kumakain. Bakit siya lang? Nasaan si Kycer? "Nasaan si Kycer? Natutulog na ba siya sa taas?" "Umalis siya. Pupunta siya sa school. Tinawagan siya ni Lumiere na magkita sila doon. Ayon, nagmamadaling umalis" sabi nito sabay subo ng kanin. Nakapagtataka naman? Hindi ugali ni Lumiere na makipagkita ng ganitong oras. Masama ang kutob ko. Kailangan kong habulin si Kycer. Palabas na ako ng bahay para sundan si Kycer nang biglang sumigaw si Xynara. "SIGE!!! IWANAN NIYO NA AKO LAHAT!!!" Sigaw niya habang nagsisipagtalsikan ang mga kanin mula sa bibig niya. Kakaibang babae siya.. "Sumama ka na lang. Sundan natin si Kycer" sabi ko. "TARA NA! ikaw kasi e, tagal mo akong alukin^^" Hehehe. . . . Tumatakbo na kami hanggang sa makarating na kami sa kalsada. "Sandali lang, babe.. Hinihingal na ako sa kakatakbo." Ano? Tinawag niya akong babe? Hindi naman ako si Kycer ah? "Babe, pahinga muna tayo.. Please" pag-uulit niya. Iniwas ko ang tingin ko. Naiilang na ako sa kakatawag niya ng babe. Nakita ko si Lynuz na nakasandal sa pintuan ng kotse nito habang may kahalikang babae. Kung nandito siya, ibig sabihin. Sino ang kasama ni Kycer ngayon? Kinakabahan na ako. Kailangan na naming magmadali.. "Xynara, nakikita mo ba yung lalake sa kotse? Yung may kahalikang babae?" "Oo. Gwapo siya. Ang hot pa. Parang bagay kami.." "Hi-hindi 'yon! Ang lalakeng iyan ay si Lynuz. Classmate niyo siya sa school." "OK. Natatandaan ko na siya." "Humingi ka ng tulong sa kanya. Hilingin mo na ihatid ka niya sa school. Para mahabol pa natin si Kycer." "Ayoko nga! Tingnan mo nga, busy siya sa kahalikan niyang babae. H'wag ka ngang manira ng KALIGAYAHAN!!" sagot nito sabay talikod sakin. Tameme ako sa sagot niya. Wala na kaming choice kaya tatakbo na lang kami ulit. "Kung ganon, tumakbo na lang ulit tayo. Kinakabahan na kasi ako. Pakiramdam ko, may nangyayaring masama sa kambal ko. Umalis na tayo." "Wait! Ayokong tumakbo e. Kakapagod na. Gagawin ko na 'to" sabi nito at nilapitan niya si Lynuz. "Hi! Pwede bang maka-istorbo sa inyo?" Bungad na tanong ni Xynara. Natigil si Lynuz at napatingin siya dito. "Ikaw ang ex-girlfriend ni Cyrex, diba?" Mahinahong tanong ni Lynuz. Habang si Xynara ay tila natulala ng makaharap niya si Lynuz. "Ma-mas gwapo ka pa pala sa malapitan.." Hala siya, nakalimot na ata sa pakay namin?? Natawa sa kanya si Lynuz dahil sa sinabi niya. "Salamat ah. Alam kong may kailangan ka kaya ka lumapit sakin." "Hahaha. Ikaw naman, gwapo ka naman kasi.. Este, Tama!! Kailangan ko ng tulong mo. Magpapahatid sana ako sayo sa school kung hindi nakaka-istorbo sa inyo ni Girl.." Napatingin din si Lynuz kay Girl at muli siyang hinalikan nito. "A-e.. Kung hindi na talaga kayo mapipigil sa init ng katawan niyo, eh sige tuloy niyo lang. Tatawag na lang pala ako ng taxi. AmBOBO ko talaga e. May TAXI naman kasi, haler" sabi ni Xynara at tinalikuran na niya si Lynuz. Paalis pa lang siya nang bigla siyang hawakan sa wrist ni Lynuz. "Ok. Hatid na kita." "Naku, ok lang. Ayokong makasira ng moment" "Hahaha. ihahatid na kita. Wala kang nasira na anumang moment sakin." "Weh?! Hindi ako naka-istorbo? E paano iyan? Baka nabitin ko pa kayo ni Girl?" "Hindi naman. Pwede naman namin 'to ituloy bukas. Pasok ka na sa loob ng kotse" sabi nito at pinagbuksan ng pinto si Xynara. "Thanks! Antotoo niyan, wala talaga akong pera pang taxi. Tinakot lang kita.hahaha." sabi nito at pumasok na sa loob ng kotse. Ganon din si Lynuz. "So, nabiktima mo pala ako?"Tanong nito at pinaandar na ang kotse. "Sorry, emergency lang kasi e." "Ano bang gagawin mo sa school? At naisipan mong pumunta ng ganitong oras?" "Nasa school kasi si Cyrex. Makikipagkita siya ngayon kay Lumiere. E kinakabahan yung multong kasama k---" "Xynara, H'wag mong sabihin!!" Sigaw ko. Muntik na kami. "Multo?" Sambit ni Lynuz. "Hahaha. Parang may multo kasi e. Natatakot ako." "Naniniwala ka ba sa ganon?" "Medyo lang.." Sagot ni Xynara. Nabigla kami nang ihinto ni Lynuz ang kotse. Bumaba ang salamin ng bintana at nakita naming naglalakad si Lumiere. Mukhang hindi ito nagmamadali. Nagbusina si Lynuz at napalingon samin si Lumiere. Lumapit ito samin. "Saan punta niyo?" Tanong ni Lumiere samin. "Sa school. Ikaw? Saan punta mo?" Tanong ni Lynuz. "Sa school. Nawala ko doon ang cellphone ko." Nagkatinginan si Xynara at Lynuz bago muling tumingin kay Lumiere. "Sumakay ka na sa kotse. May susunduin tayo.." Seryosong sabi ni Lynuz. At sumakay naman si Lumiere. Mas lumakas ang kaba sa dibdib ko. Nasa panganib nga ang kambal ko... Mukhang nagkamali ako sa hinala ko kay Lynuz na siya ang Killer ko. Sino nga ba ang killer ko?? .................. Kycer's POV Bumagsak ako sa lupa nang saksakin ako sa katawan ng lalakeng kaharap ko ngayon. Madaya, inatake niya ako habang nakatalikod. Halos naliligo na ako sa sarili kong dugo nang hampasin niya ako ng bakal na tubo sa ulo ko. Ang sama nang tama ko.. Sa mga oras na ito, parang gusto kong mawalan ng malay. Kung mangyayari 'yon, baka hindi na ako magising.. Pinilit kong makatayo. Halos pagapang na ang ginagawa ko para makalayo sa kanya nang biglang apakan niya ako sa likod ko at buong bigat ang nilagay niya dito. Muli akong napadikit sa lupa dahil sa ginawa niya. "Alam mo, malakas ka din di tulad ng dating Cyrex. Nagawa mo pa akong hatawin ng Bakal. Masakit din 'yon. Kaya minsan, nakakahalata na ako sayo. Si Cyrex ka ba talaga?" Tanong ng killer. "S-si CYREX AKO!!" "HAHAHA!! Sige, ikaw na.. Nakikita mo ba ang nasa harapan natin?" Napatingin din ako sa harap. Nakaharap kami sa Swimming Pool? "Marunong ka bang lumangoy? Gusto mo turuan kita?" Sabi nito. Ang pananalita niya.. Ibig sabihin, siya si Lex? Siya ang pumatay kay cyrex? Alam niyang hindi ako marunong lumangoy. May balak siyang lunurin ako dito. Pinilit kong magpumiglas mula sa pagkakaapak niya sa likod ko. "H'wag kang malikot. Baka mainis ako. Tara na, tuturuan kitang lumangoy." Sabi nito at nawala ang bigat na tumatapak sa likod ko. Hinawakan niya ako sa braso ko para itayo. Nang makatayo na ako, inunahan ko siya ng malakas na suntok. Napaatras siya. Nakita ko ang bakal na tubo. Dali-dali ko itong kinuha. Nang makita ko siya na muling papalapit, lumapit ako sa kanya para hampasin siya nito. Apat na beses ko siyang hinampas nito. Napapamura na lang siya sa ginagawa ko. Sa panlimang beses na paghampas ko, nagawa niya itong hawakan. Kahit natatakpan ng mask ang mukha niya, makikita sa mga mata niya ang galit. "Tapos ka na ba? Ako naman.." Sabi nito at agad na yumakap sakin. Nabitawan ko ang bakal na hawak ko. Lumabas mula sa bibig ko ang maraming dugo nang bumaon sa tiyan ko ang patalim na hawak niya. Pakiramdam ko parang bibigay na ang katawan ko dahil sa dami ng tama ko.. Napaluhod ako sa lupa habang hawak ang saksak na natamo ko. Kinakapos na ako sa paghinga. Nakakaramdam na din ako ng antok. Nanlalabo ang paningin ko. "H'wag ka munang matutulog. Hindi pa tayo tapos maglaro." Sabi nito at muli akong hinawakan sa braso para itayo. Inakay niya ako hanggang sa makalapit kami sa swimming pool. Nakatayo na kami ngayon sa harap ng swimming pool. "Ito ang huling lalaruin natin. Patagalan sa paghinga sa ilalim. Masarap din matulog dito. Pwede kang matulog sa ilalim nito habambuhay. Subukan na natin." Natatawang sabi niya. Nahulog kaming dalawa sa pool. Hinihila niya ako pailalim. Nang nasa ilalim na kami, binitawan na niya ako. Nauna na siyang umahon pataas.. Samantala ako, Hindi na makahinga.. Malulunod ako.. Inaantok na din ako.. Gusto ko nang.. Matulog.. .................. Killer's POV D'yan ka matulog sa ilalim. Mas magandang totohanin ang pagkukunwari mong patay. Umahon ako. Pagkaakyat ko, nakita ko si Lumiere na tumalon sa pool. May balak siya sagipin si Cyrex mula sa pagkalunod. Hindi ako makakapayag! Humanda ka sakin! Patalon pa lang ako nang may biglang humawak sa braso ko at agad akong sinuntok. Tinignan ko kung sino ang may gawa non. S-si Lynuz? Anong ginagawa niya dito? Bwisit!! Pakilamero!! Sinugod ko siya hawak ang patalim. Nang maiwasan niya ang patalim ko, sinalubong niya ulit ako ng malakas na suntok. Napaupo ako sa lupa. Nakita niya ang bakal sa tabi. Kinuha niya ito. Balak niyang gamitin ito laban sakin. Lintik! Parang sanay siya sa mga ganitong sitwasyon! Nakita ko si Xynara na nanonood samin. Tamang-tama, magagamit ko siya. Tumakbo ako papunta sa kanya. Mukhang nahalata na ni Lynuz ang balak ko kaya hinabol niya ako. Sorry ka na lang. bago mo pa ako maabutan, mahahawakan ko muna si Xynara. Tatakbo pa sana si Xynara nang bigla ko siyang hawakan at tutukan ng patalim sa leeg nito. "Whuah!! Nanay ko po! H'wag ako. May pangarap pa ako. Gusto ko pang makapag-asawa!!!" Sigaw niya. "Tahimik! Ang daldal mo!!" "H'wag mo siyang sasaktan. Pag-usapan natin 'to.." Sabi ni Lynuz. "Bitawan mo ang bakal na hawak mo. Pagkatapos ay lumapit ka sakin!" Utos ko. Ginawa niya ang gusto ko. Binitawan niya ang bakal na hawak niya tapos lumapit siya sakin. Sige lapit lang.. Tapos ka sakin.. "Nagawa ko na ang gusto mo. Pakawalan mo si Xynara.." Sabi nito. Nang masiguro ko na malapit na siya sakin, tinulak ko si Xynara sa tabi. Agad kong sinaksak sa katawan si Lynuz. Bumaon iyon ng husto sa katawan niya. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim nang idiin ko pa ng husto ang patalim sa katawan niya. Napahawak siya sakin. "Masakit ba? Kung Hindi ka nakisali, hindi sana mangyayari 'to sayo." Pakilamero ka kasi.. Hinawakan niya ako sa balikat gamit ang kaliwang kamay niya at Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin. Habang ang kanang kamay niya ay humawak sa patalim na hawak ko. Nang mahawakan na niya ito, tinulak niya ako nang malakas. Nawala ang pagkakahawak ko sa patalim na nananatiling nakabaon sa katawan niya. Alam kong nasasaktan siya doon. Tumingin siya ng napakasama sakin. Nakakatakot ang mga tingin na iyon. Binunot niya mula sa pagkakabaon sa katawan niya ang patalim. Siya naman ang may hawak na nito ngayon. Pinagmasdan niya muna ang patalim bago siya tumingin sakin. Nakaramdam ako bigla ng takot dahil sa tingin niya. Parang ibang tao siya ngayon.. "Takbo.." Seryosong sabi niya sakin. Takbo? Pinatatakbo niya ako? Hindi ako duwag Para tumakbo!!! Nagsimula na siya sa paghakbang palapit sakin.. "Takbo.. Bago maubos pasensiya ko.." Sabi nito. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Bwisit!!! "Tandaan mo, may araw ka rin sakin!! Babalikan kita!!!" Sinimulan ko na ang pagtakas. Nakakatakot siyang tumingin. Para siyang killer!!! Bwisit talaga!! ............... Cyrex's POV Tumakbo ang killer? Natakot siya kay Lynuz?? Binitawan ni Lynuz ang patalim na hawak niya. Lumapit siya sa swimming pool kung saan naroroon si Lumiere. Hawak na din nito si Kycer. "Kamusta ang lagay niya?" Tanong ni Lynuz kay Lumiere. "Humihinga pa siya pero dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya, habang tumatagal humihina ang pulso niya. Dalhin na natin siya sa hospital." "Mabuti pa nga.." Hinawakan ni Lynuz si kycer para iangat mula sa pool. Binuhat niya ito sa balikat niya. Ang lakas niya. May saksak pa siya sa lagay na iyan. Isinakay niya ito sa kotse. Habang nagda-drive siya, napansin kong napapahawak siya sa parteng nasaksak sa kanya. Nakakaramdam na siguro siya ng sakit. Laking pasalamat ko sa kanya dahil nand'yan siya para harapin ang killer. Siguro nga nagkamali lang ako.. Hindi man lang namin nakilala ang killer dahil may mask ito pero nasisiguro kong nakilala ni Kycer kung sino 'yon.. . . . Pagdating sa hospital, agad inasikaso si Kycer ng mga nurse at doctor. Samantala, dinala sa private room si Lynuz para magamot din ang sugat nito. Lahat kami nag-aalala Para kay Kycer. Naghihintay kami sa ibabalita ng doctor. "Kasalanan ko ito.. Tahimik na ang buhay niya pero pinilit ko parin siya na gawin ang gusto ko. Sana, hindi na lang niya ako nakikita! Para tahimik na ang buhay niya.." Unti-unting pumatak ang mga Luha ko.. "Psst.. Bawal iyakin dito. Hindi 'yon tinatanggap sa langit^^" sabi ni Xynara. Natawa ako bigla sa sinabi niya. "Hindi ka ba nag-aalala para kay Kycer?" "Nag-aalala ako. Pero panatag pa ako na safe pa siya. Takot ko lang kapag nakita ko ang multo niya. Edih dalawa na kayong sakit sa ulo ko.hahaha" Buti pa siya relax lang.. Sana maging OK ang lahat.. .................. Xynara's POV Sa kakatawa ko, lumapit tuloy sakin si Lumiere. "Sino kinakausap mo?" Tanong niya. Tanga ko talaga! Wala nga pala siya nakikita. Mukha tuloy akong Eng-eng sa kakasalita. Si Cyrex kasi e EMO!! "Ah? Nagpapractice kami ng konsensiya ko umarte. Sasali kami sa stage play.hahaha" hays... "Ganon ba?" Sagot niya at halatang katatapos lang niya umiyak.. "Magiging OK din ang boyfriend mo. Malakas 'yon. Masamang damo 'yon e" Biro ko sa kanya. Ngumiti siya sakin. Maganda siya kaya hindi na ako magtataka kung pati si Kycer ay magkagusto din sa kanya.. "Dito ka muna. May dadalawin lang ako." Sabi ko sa kanya. Pupuntahan ko muna si Lynuz. Niligtas ako non kaya dapat ko siyang pasalamatan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD