Kycer's Pov
Gagawin ko ito para manahimik ka na sa kabilang buhay.
Habang tinitignan ko ang babaeng ito, kitang-kita sa mga mata niya ang paniniwalang buhay si Cyrex sa pagkatao ko.
"Naniniwala siyang Ako ikaw dahil wala silang alam na may kapatid ako.." Sagot ni Cyrex.
Natural, burahin niyo ba naman ako sa buhay niyong lahat. Sino pa ang makakaalam na may Kambal ka?
Nakatitig lang ako sa mga mata ni Lumiere at hinawakan ko ang pisngi niya.
Napangiti ako bigla dahil may naisip akong kalokohan.
"Ba-bakit mo hinahawakan ang mukha ni Lumiere?" Tanong ng kambal ko.
Manahimik ka nga dyan.. Hindi mo ako mapipigilan sa gagawin ko.
"Namiss mo ba ako Lumiere?" Tanong ko.
"Oo. Sobra.."
"Ako din.." Sabi ko at sinimulang ilapit ang sarili ko sa kanya. Hanggang sa maglapat ang mga labi namin sa isa't isa..
"Kycer?!!! BAKIT MO SIYA HINALIKAN!!!" rinig kong sigaw ni Cyrex.
Ganti ko ito sayo. Total, ikaw ang may gusto na malapit ako sa kanya. Kaya mag-eenjoy ako.
"Itigil mo yan, Kycer!! Kung buhay lang ako, tinamaan ka na sakin!!! First kiss nya para sakin, napunta sayo T____T ansama.." Pikon na sabi ni Cyrex sakin.
First kiss? Mabagal pala dumiskarte to. Dapat nga pasalamat pa siya .dahil ginawa ko na yung hindi pa niya nagawa noon.
"Lumiere.." Tawag ng isang lalake.nahinto ito ng makita niya ako.
"Cyrex?? Paanong.." Nagtatakang sabi ng lalaki.
Sino naman to?
"Siya si Lynuz, ang pumatay sakin.."sabi ni Cyrex.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Isang killer ang kaharap ko ngayon.
"Magpanggap ka na kilala mo siya. Makinig ka lang sakin para hindi niya mahalata na kambal kita.." Dugtong pa ni Cyrex.
"Ikaw pala, Lynus.." Sabi ko.
Lumapit sya at ngumiti.
"Ang akala namin Patay ka na. Nilibing ka pa nga.." Sabi nito.
"Pinasadya ko yon para malaman kung sino ang mga iiyak sa burol ko."
"Ganun ba? Nagtagumpay ka sa ginawa mo. Umiyak talaga kami ng husto." Sabi nya.
"Umiyak ka? Talaga?"dugtong na tanong ko.
"Kycer, ayusin mo pananalita mo. Mahahalata tayo nito." Pagpuna ni Cyrex sa mga salita ko.
Lumapit si Lynuz at hinawakan ako sa balikat.
"Masaya akong makita kang buhay.." Seryosong salita mula Kay Lynuz.
"Salamat. Saan nga pala ang punta mo?" Tanong ko.
"Sasamahan ko si Lumiere na dumalaw sa puntod mo. "
Tumingin ako Kay Lumiere at ngumiti ito.
"Pero dahil wala namang namatay, wala na kaming dapat dalawin don. Kumain muna tayo." Pag-aaya nya.
"Pumayag ka na. Ganyan si Lynuz, mahilig manlibre. Pumapayag na lang ako." Sabi ni Cyrex.
"Sige. Ikaw bahala.." At pumayag na ako.
.............
Nasa restaurant kami,
Umorder si Lynuz ng makakain namin.
Ilang minuto lang at nakahanda na lahat ng order namin sa mesa.
"Kain na tayo.."sabi nito.
Sinimulan kong kainin ang isang in-order niya.
Nahinto ako dahil sa kinain ko. Ang anghang. Langya!!
Ubo ako ng ubo dahil sa kinain ko.
"Ayos ka lang?" Sabay na tanong ni Lynuz at ni Lumiere.
Hi-hindi ako makahinga..
............
Cyrex nyzer's POV
Bakit? Anong nangyayari kay Kycer?
Tiningnan ko ang kinain niya.
Maang-hang ito..
Patay! May allergy siya sa maanghang. Kabaliktaran ko siya.
Kung ako, gusto ko to. Siya naman ay hindi.
Lumapit ako kay kycer.
"Kycer!! Sabihin mo sa kanila na may allergy ka para madala ka sa hospital!!" Sabi ko pero hirap na siya sa paghinga..
Inakay siya ni Lynuz.
"Dadalhin kita sa hospital..." Sabi nito.
Dalawa lang sila? Hindi pwede. Mapanganib kung silang dalawa lang ang magkasama.
Baka manganib si Kycer..
.................
kycer's POV
Nagising ako dahil sa patak ng tubig na naririnig ko. Iminulat ko ang mga mata ko.
Bakit ang dilim?
Hindi ko magawang makapagsalita dahil may nakatakip sa bibig ko.
Hindi ko rin magawang makagalaw dahil nakatali ang mga kamay ko.
Nakaupo ako sa isang upuang may sandalan. Doon, nakatali ang mga kamay ko.
Nasaan ba ako? Anong ginagawa ko dito? Sino--
"Gising ka na pala." Sabi ng lalaki at binuksan ang ilaw.
Lumiwanag ang paligid. Nakita ko ang mukha niya.
La-Lynuz?
Siya ang nagdala sakin dito?
"Akala mo ba hindi ko alam kung sino ka? Kambal ka ni Cyrex. Plano mo na hulihin ako at magbayad sa pagpatay ko sa kapatid mo?"
Alam nya ang tungkol sakin?
Akala ko ba, wala silang alam na may kambal si Cyrex?
Nagsimula na siyang lumapit..
"Malas mo naman. Madadamay ka tuloy. Gusto mo na bang mamatay at sumunod sa kapatid mo?"
Mamatay? Papatayin nya ako?
Inilabas niya mula sa kanyang likuran ang isang kutsilyo.
Nakaramdam ako ng takot nang makita ko yon. Papatayin niya ako nang walang laban..
"Kung hindi ka na lang nagpakita, sana mabubuhay ka pa ng matagal, diba?" Sabi nito at ngumiti.
Hindi. Hindi ako pwedeng mamatay dito. Kaasar!! Nagsimula akong gumalaw sa kinauupuan ko.
Nabigla ako nang Sakalin niya ako gamit ang isang kamay niya.
Hindi ako makahinga.. Maya ay binitawan niya ako ulit..
"Gusto ko, maiba naman ang pagkawala mo.." Sabi niya at kumuha ng galon at ibinuhos ang laman nito sakin.
Amoy gas. Gas ito..
Napatingin ako sa kanya. Napakasama niya.. Balak niya akong sunugin ng buhay?
Pinilit kong gumalaw sa upuan. Pero natumba lang ito.
Naglakad na siya palayo sakin hanggang sa nakalabas na siya sa pinto. Sinindihan niya ang Lighter.
"Paalam Killean kycer.." Sabi nito at inihagis ang lighter na may sindi.
Gumapang ang apoy papunta sakin..
"AHHHHHHHH!!!!"
Napabangon ako bigla. Napahawak ako sa dibdib ko habang ang lakas ng t***k ng puso ko.
Pinagpapawisan ri ako at ang lamig ng pawis ko. Iginala ko sa paligid ang paningin ko.
Nasa isang kwarto ako at nakaupo sa kama.
Panaginip?.. Binangungot ako..
"Kycer, okay ka na ba? Bakit ka sumigaw? Masama ba ang panaginip mo?" Tanong ni Cyrex.
Sa inis ko dahil sa panaginip na yun, sinigawan ko siya.
"Kasalanan mo to!!"
"Anong ginawa ko?" Tanong niya.
"Ayoko na!! Ayoko nang gawin ang gusto mo!! Ayoko nang makita ka!!"
Bumukas ang pinto at pumasok si Lynuz.
"May problema ba? Narinig kong may sinisigawan ka.." Sabi nito.
Napatingin ako kay Cyrex at malungkot ang mukha nito hanggang sa unti-unti itong naglaho..
Nakakainis talaga ang panaginip na yon. Lakas ng awra ng Lynuz na to. Pati ba naman panaginip ko napapasok parin..?
Naglaho bigla si Cyrex sa paningin ko ng sigawan ko siya!
"OK ka lang ba, Cyrex? Parang ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ni Lynuz sakin.
"Okay lang ako. Masama lang ang gising ko."
Pumunta nang bintana si Lynuz at binuksan ang kurtina.
Nasilaw ako sa liwanag mula sa bintana.
"Parang may nagbago sayo. Maraming nagbago sayo nang mamatay ka. Ibig kong sabihin, nang magkunwari kang patay. Ikaw pa ba yan?" Paniniguro niya.
Nakakahalata na ba siya? Hindi maganda to. Baka mangyari nga ang nasa panaginip ko..
Kaasar talaga 'tong si Cyrex. Pinasok nanaman ako sa mga problema niya..
"Cyrex.." Tawag niya.
"Ah? Oo naman. Ako pa din 'to. Walang nagbago sakin.." Sabi ko at tumingin ako sa kanya nang derekta.
"Mabuti naman. Nag-aalala ako para sa kaibigan ko.."
"Salamat sa pag-aalala"
Nakakaramdam ako ng kaba pag malapit sakin ang Killer ni Cyrex.
Kapag nakalabas ako, lalayo na ako sa taong ito. Bahala na si Cyrex. Ayokong gumulo ang tahimik kong buhay..
Ilang sandali pa, bumukas muli ang pinto.
"Hi, kamusta na?" Pagbati ni Lumiere.
Pumasok siya at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Maiwan ko muna kayo." Sabi naman ni Lynuz at lumabas na ng kwarto. Kami na lang ni Lumiere ang naiwan sa loob.
"Buti naman at maayos ka na. Nagtaka lang ako, diba mahilig ka sa maanghang dati? Bakit bigla kang nagka allergy? Sa strawberry ka may allergy diba?"
"Ah? O-Oo nga e. Hindi ko rin alam kung bakit. Nagulat din ako nang biglang hindi ako makahinga.hahaha."
Kaasar. Paano ako magpapanggap kung madaming bagay kaming pinagkaiba ni Cyrex? Dapat ko na talagang tapusin 'to. Bago pa nila malaman na nagpapanggap lang ako.
Biglang yumakap sakin si Lumiere.
"Masaya talaga ako nang malaman kong buhay ka. Halos gumuho ang mundo ko nang akala ko ay patay ka na. Cyrex, mahal na mahal kita. Dito na lang ako magka-college. Sabay tayong mag-aral para lagi tayong magkasama. Diba nangako tayo na magpapakasal kapag nagtapos tayo sa college? Seryoso ako sa pangako natin.." Sabi niya habang nakangiti sakin.
Ayokong sumagot dahil hindi ako si Cyrex. Hindi ako ang nangako sa kanya. Tatapusin ko na ito para habang maaga pa, wala na siyang aasahan na pangako.
"Cyrex.."
"A-anong oras nga pala ako lalabas ng hospital? Okay na ang pakiramdam ko."
Parang natulala ata siya dahil hindi ko sinagot ang mga tanong niya.
Tumayo siya at ngumiti ulit..
"Itatanong ko sa doctor para makalabas ka na dito. Maiwan muna kita^^" Sabi niya at lumabas na.
Muli akong napasandal sa hinihigaan ko. Napabuntong hininga ako. Ayokong naiipit sa ganitong sitwasyon.. Ayoko..
Ilang oras ang lumipas,
Pinayagan na ako ng doctor na lumabas. Nasa labas na kami ng hospital. Kinausap ko si Lumiere.
"May sasabihin sana ako sayo.." Sabi ko.
"Ano yon?"
"Gusto kong magbreak na tayo. Sa tingin ko, hindi ko kayang tuparin ang pangako ko sayo."
"Nagbago ka na nga. Hindi na ikaw si Cyrex!! Hindi na kita kilala!!" Sigaw niya at tumakbo palayo sakin.
Hindi naman talaga ako si Cyrex.
Paano ko aakuhin ang isang pangako na hindi nanggaling sa akin..
Sinimulan ko na ang paglalakad sa ibang dereksyon. Nakita ko si Cyrex. Malungkot ito. Iniwas ko ang tingin ko at pinagpatuloy ang paglalakad ko.
"Kycer.. Sorry kung pinipilit kitang gawin ang gusto ko. Kasi-"
"Tama na. H'wag ka nang magsalita. H'wag ka na lang magpakita sakin. Gusto ko nang tahimik na buhay.."
Ngumiti siya nang pilit lang.
"Pasensiya na. Sige, hindi na ako magpapakita pa. Salamat sa oras mo..." Sabi nito at naglaho na siya ulit.
Hindi ako ang makakatulong sayo. Mahirap makalaban ang taong pumatay sayo..
.....................
Cyrex Nyzer's POV
Nalungkot talaga ako sinabi ni Kycer. Kung sa bagay may mali ako e. Nananahimik na siya para guluhin ko pa ang buhay niya..
Wala na atang hustisya para sakin. Ok na lang din. Ganun talaga. Hayaan ko na lang.
Sinundan ko na lang si Lumiere. Nasaktan kasi 'yon sa sinabi ni Kycer.
Nakita kong yakap siya ni Lynuz ngayon..
"Tahan na.. Pagpasensiyahan mo na lang si Cyrex. Magbabago din ang isip non. Magsosorry 'yon sayo kinabukasan. Magtiwala ka lang sa kanya."sabi nito kay Lumiere.
Bakit ganun siya magsalita?
Nagkamali lang ba ako ng bintang sa kanya?
"Salamat, Lynuz. Uuwi na ako samin. Siguro bukas, magsosorry din sakin si Cyrex. Maghihintay ako sa kanya bukas."
"Tama."
Naghiwalay sila ng landas. Sumunod ako kay Lumiere hanggang sa bahay nito pati sa kwarto nito.
Namangha ako sa kwarto niya. Puro picture namin dalawa ang makikita. Ganito niya ako kamahal?
Binuksan niya ang table drawer niya at kinuha ang mga sulat. Sulat ko dati sa kanya.
Pati ang mga sulat ko, iniingatan talaga niya. Sumaya talaga ako sa mga nakita ko pero biglang umiyak si Lumiere.
"Cyrex.. Bumalik ka na sa dati. Mahal na mahal kita. Ibalik natin ang dati..." Sabi niya habang yakap ang mga sulat na ibinigay ko sa kanya.
Nalungkot ako dahil sa mga narinig ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya. Napaluha din ako kasi hindi ko siya magawang hawakan at mayakap man lang.
"Patawad, kung iniwan kita. Malabo na kasing makabalik pa ako. Pero babantayan kita lagi. Dahil hindi mamamatay ang pagmamahal ko para sayo. Nasa tabi mo lang ako.pangako ko 'yan..pangako.."
Sana, naririnig mo man lang ang mga sinasabi ko...
.....................
Cyrex's Pov
Araw-araw akong nakasunod kay Lumiere. Masaya ako na lagi ko siyang nakakasama kahit hindi niya ako nakikita. Mga 1 month na din ang lumipas ng hindi na nagpakita pa si Kycer. Kaya tinanggap na ni Lumiere na hiwalay na sila.. Hiwalay na kami.
Si Lex naman ay pinawalang sala na dahil nga sa buhay pa ako. Buhay pa ako sa pagkatao ni Kycer. Kaso na-trauma siya dahil sa nangyari kaya nasa private hospital siya pinadala.Wala na nakakaalam na namatay talaga ako. Mabuti na din to.. Para hindi na magulo pa ang lahat.
"Lumiere." Tawag ni Lynuz.
"Sorry late ako.." Sagot ni Lumiere.
"Okay lang. Manuod na tayo ng sine."
Kaso, pinopormahan na ni Lynuz ang girlfriend ko.
Nagkamali lang ba ako sa bintang ko kay Lynuz? Baka nga hindi siya ang pumatay sakin. Nakilala ko lang naman dahil sa boses. Kung hindi nga siya ang killer ko, panatag na ako na siya ang makatuluyan ni Lumiere. Pagkatapos, mananahimik na ako..
Kasama din nila ako sa panonood ng sine. Natuwa din ako sa pinanuod namin^^
Pumunta naman sila sa isang mamahaling restaurant. Date nila ito..
"Lumiere, alam mo naman siguro ang nararamdaman ko, diba? Mahal kita noon pa." Sabi nito.
Hinawakan ni Lynuz ang kamay ni Lumiere.
Nagseselos tuloy ako. Kahit multo na pala, pwede parin makaramdam nito.
"Ayoko sanang magmadali.." Sabi ng mahal ko.
"Umaasa ka parin ba na babalikan ka ni Cyrex? Paano kung hindi na? Hanggang kailan ako maghihintay sayo?"
"Bigyan mo lang ako ng panahon, Lynuz.."
"Okay.. Bibigyan kita ng panahon. Sorry kung minamadali kita."
"Salamat."
Muli nilang pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa matapos sila.
Lumabas sila ng restaurant..
"Hatid na kita sa inyo."
"Hindi na. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Salamat sa date. Nag-enjoy ako."
Ngumiti lang si Lynuz. naghiwalay na sila ng landas.
Tahimik lang si Lumiere habang naglalakad.
Ano kayang iniisip niya?
Napansin kong madalang lang ang taong dumadaan sa daanan na ito. Mapanganib para sa babae ang maglakad mag-isa.
Napalingon sa likuran ni Lumiere. Nakita kong may lalaking sumusunod samin. Mukhang masamang tao.
Kinakabahan ako. Paano ko babalaan si Lumiere sa taong sumusunod samin?
Ang lapit na niya samin..
"Lumiere!! Tumakbo ka na!" Babala ko pero hindi niya ako naririnig. Patuloy lang siya sa paglalakad.
Nabigla si Lumiere ng hawakan siya ng lalaki sa braso niya. Pwersahan siyang hinila papunta sa tabi.
"Si-sino ka?!"
"Tumahimik ka!!!"
Nanlalaban siya pero malakas ang lalake.
"Bitawan mo ako!!" Sigaw niya.
tinulak siya pahiga sa lupa at hinawakan ang dalawang kamay niya.
Aba! Manyak 'tong lalake na'to ah?!!!
Bitawan mo siya!!
Hihilain ko sana ang lalaki palayo kay Lumiere, kainis!! Hindi ko sya mahawakan.
Napahiga si Lumiere habang nadadaganan ng lalake.
Paano ko siya matutulungan?
Eto ang mahirap sa pagiging multo. Ang walang magawa!!
Nabigla ako ng may humatak sa lalaki mula sa likuran nito. Agad niyang sinuntok ito hanggang sa tumakbo ang masamang lalake.
Hindi ako makapaniwala na darating siya sa panahon na kailangan namin ng tulong. Naglakad siya papunta sa kinatatayuan ko. Tumagos lang siya sa katawan ko.
Nilapitan niya ang umiiyak na si Lumiere. Niyakap niya ito.
"Cyrex.." Sambit nito habang umiiyak.
"Tahan na.. Nandito na ako. Hindi na kita iiwan pa.." Sabi ng kambal ko at habang nakatingin siya sakin.
Ano ba ang nakain nito? Bakit siya nagpakita?
Yakap lang niya si Lumiere.
Sumagi bigla sa isip ko, Ipaubaya ko kaya kay Kycer si Lumiere? Sa kanya ko iiwan ang mahal ko...
Pero ang problema, siya si Kycer. Wala siyang gusto kay Lumiere..
..............
Lumiere's POV
"Ihahatid na kita sa inyo. Okay lang ba?" Tanong ni Cyrex at ngumiti.
"Okay lang sakin..^^" sabi ko at napangiti din ng mapansin kong ngumiti siya sakin.
Matagal ang pagkakatitig ko sa kanya. Parang may kakaiba sa kanya. Kahit ang pagngiti niya, kakaiba din.
Nakakaramdam ako ng ilang sa kanya. Iba ang porma niya at Para siyang gangster. Samantala noon, simpleng mamamayan lang siya at may eyeglasses.. So, hindi pala malabo ang mata niya..?
Pati ang ayos ng buhok niya ay iba narin. Lakas ng awra nya ngayon. Parang ang hot nya ngayon..Ay Ewan>____///
Cyrex Nyzer's POV
Lakad lang at walang lingon-lingon sakin si Kycer.
"Mag-usap nga tayo. Huminto ka muna sa paglalakad.." Sabi ko at huminto din siya.
"Pwede sa bahay na lang tayo mag-usap? Baka akalain ng mga tao dito nababaliw ako. Kausapin ko ba naman ang multong kagaya mo?"
Grabe siya, multo talaga?
Muli siyang naglakad. Ako, sunod na lang.
.
.
.
Sa bahay niya,
Naupo siya sa kama niya at pabagsak na humiga dito. Nakatingin lang siya sa kisame niya. Parang ang lalim ng iniisip nito?
"Kycer.." Tawag ko at lumingon siya sakin. Ang sama talaga tumingin ng taong 'to.
"Salamat kanina sa pagligtas kay Lumiere. Hindi ko lang inaasahan na darating ka. Diba ayaw mo akong makita?" Sabi ko.
"Napadaan lang ako 'non.. Ayoko parin makita ka.." Sabi niya at nakatingin padin sakin.
"Ah? Hehehe. Ganun ba? Sige aalis na ako. Salamat ulit^^" sagot ko pero nasaktan ako don. Akala ko ayos na kami.
Maglalaho pa lang ako ng sabihin niya ang tungkol Kay..
"Si Lynuz ang pumatay sayo diba?"
"Hindi ako sigurado.." Sagot ko.
"Di ka pala sigurado tapos pakikiusapan mo akong magpanggap na bilang ikaw? Hindi ka lang multo, baliw ka pa! Anong plano mo ngayon?!"
T___T ang sakit niya magsalita. Hindi naman siya ganito dati e.
"Antagal mo naman sumagot!"
-___- mainipin pa..
"Wala na akong plano. Hahayaan ko na lang 'yon.."
"Anong hahayaan? Ako ang inaakala nilang si Cyrex. Paano kung balikan ako ng taong pumatay sayo?! Hindi mo ba naiintindihan? Yung killer mo, sigurado siya na napatay ka niya. Tapos bigla akong lumitaw at inakalang buhay ka sa pagkatao ko. Ako ang nanganganib sa killer mo.."
Oo nga..
Pwede niyang balikan si Kycer at patayin dahil akala nya, ako si Kycer. Kaya pala mainit ulo nito e. Yun pala ang iniisip niya kanina pa. At pinanindigan na niyang siya si Cyrex sa harap ni Lumiere. Naiintindihan ko na ngayon..
"Sorry. Di ko naisip ang side mo.."
"Noon ka pang ganyan. Sarili mo lang ang iniisip mo.."
Natahimik ako sa sinabi niya.
"Sorry.." Yan lang ang lumabas sa bibig ko.
Napabuntong hininga siya..
"Tutulungan na kita.. Gagawin ko ito para sa sarili ko. Kapag nahuli na ang killer mo, tapos na din kami ni Lumiere.."
"Kung yan ang gusto mo, payag ako. Salamat Kycer.."
Maangas na ngiti lang ang sagot niya sakin..
Pero, marami pa siyang babaguhin sa kilos niya para hindi sila makahalata na hindi siya Ako..
Magkasama pa rin kami ni Kycer. Tuturuan ko siyang baguhin ang kilos at ugali niya para maging makatotohanan na ang pagpanggap niya bilang Ako.
"Sasabihin ko kung ano ang dapat baguhin sa kilos mo. Una sa pananamit. Hindi ako mahilig sa mga dark color. White or light lang." Paliwanag ko pero yung mata niya parang minumura na ako -__-
"Tapos?" Sabi niya habang nakaupo lang sa kama niya.
"Dapat lagi kang nakangiti pagkausap mo ang ibang tao lalo na kay Lumiere. Pala-kwento rin ako dahil ayokong mabored ang barkada ko.."
"Hindi ako Clown. Ngingiti lang ako sa taong gusto kong ngitian! Tapos?"
Hahaha..•___• Clown? T___T lakas mang-asar nito!
"Yung hairstyle mo na may highlights na gold, magblack hair color ka na lang. Simpleng tao lang ako.."
"Ayoko nga! Ambaduy mo kaya!"
Anong baduy? Pormal kaya ako.
"Please gawin mo na lang. Hindi pwede mawala ang eyeglass. Diba malabo mata ko? Need mo din 'yon.."
"Sige, magpapagawa ako. Yung walang grado. Hindi kasi malabo ang mata ko."
"At isa pa.. Habaan mo ang pasensiya mo. H'wag ka kaagad magagalit^^"
"Oo na. Gagawin ko lahat 'yan. Matutulog na muna ako. Bukas na lang tayo mag-usap." Sabi niya at kumuha ng unan at tinakip sa ulo niya.
Sweet dreams kycer..
* * * * * * *
Kinaumagahan,
Nakaharap sa salamin si Kycer. Light color na T-shirt ang sinuot niya. black hair na din siya. Eyeglass na lang ang kulang. Kuha niya talaga ang ayos ko..
"Tama na ang kakatingin, mas gwapo ako sayo.." Sabi niya.
Hahaha. Sige ikaw na^^ magkamukha lang naman tayo.
Lumabas kami para sunduin si Lumiere sa bahay nito.
Magandang ngiti ang sinalubong samin ni Lumiere. Bumulong ako Kay Kycer.
"Pakiyakap naman siya para sakin oh^^" sabi ko.
Ansama ng tingin niya.Hahaha. Tagos sakin ang tingin na yon ah^^
Lumapit si Kycer kay Lumiere at niyakap ito. Whow! Ginawa niya talaga yon?!! Niyakap niya si Lumiere..
..........
Killean kycer's POV
Kaasar, niyakap ko talaga si Lumiere para sa Cyrex na 'yon? Nasisiraan na ata ako..
Tumingin sakin si Lumiere at ngumiti. Unti-unti siyang lumapit sakin hanggang sa halikan nya ako sa pisngi ko.
Bakit niya ginawa 'yon?
Natulala ako sa ginawa niya..
Napatingin ako kay Cyrex. Tawa ng tawa ang mokong na'to.
"Ganyan kaming dalawa. Kapag niyakap ko siya sa tuwing sinusundo ko, lagi niya akong kini-kiss sa pisngi ko^^" sabi ng baliw kong kapatid.
Nabiktima ako don ah?!
"Alis na tayo. Makikita din natin ang mga kaibigan natin sa restaurant. Siguradong matutuwa sila kapag nalaman nilang buhay ka." Sabi ni Lumiere. Sana balaan ako ni cyrex dahil hindi ko kilala ang mga kaibigan niya..
Naglakad lang kami. Di ako mayaman e. Yung kambal ko lang ang mayaman.
Nakita ko na ang restaurant. May lalaking papalapit samin. Bakit parang galit ito kung makatingin sakin.?
Patakbo siyang pumunta sakin. Tinabi ko si Lumiere at agad akong nakaiwas sa pagsuntok ng lalaking ito.
Sino ba siya? Bakit niya ako sinusugod?
"G*go ka cyrex!! Buhay ka naman pala!! Nakulong ako dahil sayo!!" Sabi niya at nasuntok niya ako sa mukha ko. Napaatras ako dahil sa lakas ng suntok niya.
"Sino ka ba?!!" Sigaw ko.
"Siya si Lex.. Yung nakulong dahil sa pagpatay sakin.." Sagot ng kambal ko.
"Ano? Siya si Lex?" Mahinang sabi ko Kay Cyrex.
"Nakalimutan mo na agad ako?! Dahil ba sa pagkukunwari mong patay, pati alaala mo nabura?! Ganon ba?!!" Sigaw niya.
Masama 'to. Mapapaaway pa ata ako. Papatulan ko na 'to!
Susugurin niya ako ulit. Kaso inunahan ko siya ng suntok. Natumba siya sa lupa at tiningnan niya ako nang masama.
"G*Go ka!!!!"
Sakit sa tenga. Nakadalawang G*go nato sakin ah?
"Kycer. Habaan mo pasensiya mo. H'wag mo nang patulan..please, lalala lang ang gulo.. Baka mapansin nila na hindi ikaw Ako.." Pakiusap ni Cyrex.
Bakit? Hindi ka ba lumlaban?!
Pakialam ko sa Kanila?!!! Mapapatay na ako nito kapag hinayaan ko lang siya! Baka maging multo din ako katulad mo!!
"Tumahimik ka!" Sigaw ko kay Cyrex pero iba ang tinamaan ng salitang 'yon.
"Bwiset ka!!" Sabi niya at muling tumayo para sugurin ako.
Dumating si Lynus at inawat kaming dalawa.
"Tumigil na kayong dalawa!!" Sabi ni Lynuz at tinulak kaming dalawa sa magkaibang dereksyon.
Ang lakas nito.. Nakaya niya kaming itulak ng sabay?
Tumingin siya sakin.
"Ayusin natin ito sa loob ng restaurant nang walang gulo.." Sabi niya
Hinakbayan nya si Lex at nauna silang naglakad papuntang restaurant.
Pinagmasdan ko lang ang dalawa habang papalayo sila.
Sino ba sa kanila ang killer? Si Lynuz ba o si Lex? O baka may iba pa??
PUSAng gala naman oh!!! Kakaasar na ang kakaisip!!!
Hinawakan ako sa braso ni Lumiere.
"Ayos ka lang, Cyrex?" Tanong niya at pinunasan ang dugo sa labi ko.
"Oo. Ayos lang ako." Naiilang na sagot ko.
"Gusto mo pa bang tumuloy tayo sa restaurant? Baka magkagulo kung magsasama kayo ni Lex sa loob.. Sabihin mo lang, susunod ako sayo.." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"H'wag na tayong tumuloy. Tama si Lumiere, baka magkagulo lang kapag nakaharap mo ulit si Lex." Sabat ni Cyrex.
Ikaw kaya sa sitwasyon ko? Hindi ka nakakatulong..
"Tuloy pa ba tayo, Cyrex?"
"Tuloy tayo.."
Hindi ako duwag. Kung magkagulo, edih magkagulo na. Basta, haharapin ko sila.
Niyakap ako bigla ni Lumiere pagkatapos kong sabihin yon.
"Tayo na. Ayusin natin to sa loob. Para bumalik na sa dati ang lahat^^"
Ang nakakainis lang, lumalabas akong sinungaling dahil ang paniniwala nila ay nagkunwaring patay lang si Cyrex. Hindi nila alam na namatay talaga si Cyrex. Hays...
Pumasok kami sa loob ng restaurant. Nakita kong nakaupo na sina Lynuz at Lex at yung isang babae. Sino naman yung babae?
Napahawak ako bigla sa noo ko. Masisiraan na talaga ako nito.
Tumingin ako kay Cyrex. Yung nagtatakang tingin. Andami nya palang kaibigan, hindi man lang nya pinaalam sakin.
"Siya si Julie. Kaibigan ko din. May isa pa kaming kaibigan na babae kaso nasa ibang bansa siya. Ang pangalan naman nun ay Felicity. Pasensiya na kung hindi ko sila naikwento sayo." Sabi ng kambal.
Wala nang kwenta ang pagsosorry! Huli na e. Kaharap ko na sila ngayon.
Naupo na kami ni Lumiere habang kaharap namin sila.
"Ngayong nandito ka na, humingi ka ng tawad sakin. Hindi Nakakatuwa ang ginawa mong pagkukunwaring patay. Nakulong ako dahil sayo!" Sabi ni Lex.
Tawad? Bakit ako hihingi ng tawad? Sino ka para gawin ko yon.? Hindi ko ibababa ang pride ko para sa taong hindi ko kilala!
Bakit ba ang sama nila makatingin sakin? Pinagkakaisahan ata ako ng mga ito. Diko 'to gusto..
"Humingi ka na lang ng sorry, Cyrex. Para wala nang problema. Hindi talaga maganda ang ginawa mo.." Sabi naman ni Lynuz.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Pinagpapawisan na ako sa ginagawa nila. Kahit kambal ko tahimik din..
"Naghihintay ako sa sasabihin mo.." Sabi ulit ni Lex.
No choice na ako. Sige na!!! gagawin ko na!!
"Patawad. Patawad kung nagkunwari akong patay.." Sabi ko at biglang tumayo si Lex at hinawakan ako sa balikat ko.
Ngumiti siya ng bahagya.
"OK. Pinapatawad na kita. Hindi talaga magandang biro ang ginawa mo. H'wag mo na lang uulitin. Baka isang araw, magkatotoo ang biro mo saiyo.." Seryong sabi nito.
"Ngayong Ok na tayong lahat, sabay-sabay tayong mag- enroll para magkakasama parin tayo. Para buo parin ang barkada" sabi ni Lynuz.
Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Tahimik lang ako. Hindi ko talaga gusto ang ginawa kong pananatili dito.
"Kycer. Umuwi na tayo kung gusto mo. Hindi mo naman kailangang magtagal dito e. Sabihin mo na masama ang pakiramdam mo.." -cyrex.
Gusto ko na rin umuwi. Pakiramdam ko lahat sila ay hindi mapagkakatiwalaan. Parang inilalapit ko ang sarili ko sa kamatayan. Siguradong isa sa kanila ang killer.
Tumayo si Lumiere.
"Mag-oorder lang ako ng pagkain natin. Maiwan ko muna kayo^^" sabi ni Lumiere.
"Sasama ako^^" Sagot naman ni Cyrex at sumunod ito kay Lumiere. Iwan ba naman ako dito?
"Bakit parang natahimik ka ata, Cyrex? Sumali ka sa usapan namin. Ikwento mo sa kanila kung paano mo niligawan si Lumiere noon. May nililigawan kasi si Lex. Hindi niya alam kung paano pupormahan yung babae." Tanong ni Lynuz.
"Ah? Kung paano ko niligawan si Lumiere?"
Patay, anong isasagot ko?
Tiningnan ko si Cyrex at abala ito kay Lumiere..
"Nakalimutan mo ba kung paano mo siya niligawan? Baka nakalimutan mo din kung paano kayo nagkakilala?"
"Ano e... Naaalala ko yon.. "
"Paano kayo nagkakilala noon?" Tanong ulit ni Lynuz.
Bahala na..
"Nagpakilala ako sa kanya at nakipagkaibigan. Kasi gusto ko siya."
Natawa si Lynuz sa sinabi ko.
"Tapos anong binigay mo nung nililigawan mo siya?"
Napaisip ako ng matagal sa tanong na iyon. Ano ba ang madalas na ibigay ni Cyrex sa isang tao?
Ano? Ano nga ba 'yon?
Napatingin nanaman ako sa kambal ko. Kaasar naman oh. Pinabayaan talaga ako dito?
Nakita kong may hawak na papel si Lumiere. Promo ata ng restaurant. Bigla kong naalala na sinusulatan ako ni Cyrex noon kapag ayaw kaming pagsamahin ng magulang namin. Nilulusot niya ang sulat niya sa ilalim ng pintuan ko.
"Cyrex?"
Tila nainip na ata si Lynuz sakin.
Tama, 'yon nga ang hilig gawin ni Cyrex noon.
"Sulat ang ibinibigay ko kay Lumiere noon. Sa sulat ko lang kasi nasasabi lahat ng gusto kong sabihin.."
Ngumiti siya. Ibig sabihin ay tama ako sa hula ko.
"Oo. Yun nga ang ibinibigay mo noon."
"Sorry kung natagalan ako sa pag-order. Tara, kain na muna tayo^^"
Masayang sabi ni Lumiere. At naupo sa tabi ko.
Nagsimula na kaming kumain. Pero si Julie, nakatingin sakin habang kumakain.
"Diba may birthmark ka sa kaliwang wrist mo? Bakit nawala?"
Nahinto ako sa pagkain dahil sa tanong niya. Oo nga, may birthmark nga si Cyrex. Bakit nawala sa isip ko yon? Paano ko malulusutan 'to ngayon?
Natahimik ang lahat..
Derektang nakatitig sakin si Julie.
"Oo nga. Parang meron kang birthmark noon.." Dagdag na sabi ni Lex.
Malalaman na kaya nila? Na ibang tao ang kaharap nila? Kaasar naman..
"Wala siyang birthmark. Baka ibang tao 'yon^^" sagot ni Lumiere.
"Meron siya non" pilit ni Julie.
"Kilala ko si Cyrex. Madalas kaming magkasama kaya wala akong nakitang ganon sa kanya."
"Ok sabi mo e. Baka ibang tao siguro 'yon."
Hays.. Nakahinga din ako.
Napatingin ako kay Lumiere at ganun din siya. Ngumiti siya sakin at muling pinagpatuloy ang pagkain.
Niligtas niya ang identity ko ngayon..
..........
Lumabas na kami ng restaurant,
"Saan tayo ngayon?" Tanong ni Lex.
"Mag-inuman tayo."- Lynuz.
"Saan?"
"Sa bahay ni Cyrex tulad ng dati. Pwede ba kami sa bahay mo?"
Sa bahay ko? Magkaiba kami ng bahay ni Cyrex.
Tumingin ako kay Cyrex.
"Naibenta na ng magulang natin ang bahay ko pagkatapos akong ilibing. Nang mabenta na nila, pumunta na sila sa America." Sagot nito.
"Pwede iyan. Lagi naman tayo sa bahay ni Cyrex e. Alis na tayo"-Lex.
"Ok. Tara na. Sa bahay tayo ni Cyrex mag-iinuman"
Binuksan ni Lynuz ang pinto ng kotse niya.
Pumasok na din si Julie sa loob at ganun din si Lex.
"Pumasok ka na din Cyrex. Tara na." Pag-aya ni Lynuz.
Anong aabutan namin sa bahay ni Cyrex?
Wrong timing talaga ngayon..
"Sorry guys. May lakad pa kasi kami ni Cyrex. May date kami^^ diba Cyrex?"
Date??
Nagkatinginan kaming dalawa. Yung mga mata niya parang sinasabi sakin na sumang-ayon na lang sa gusto niya. Kaya...
"Oo. May date pa kami" Sagot ko.
"Ganon ba? Kung ganun pala, sa ibang lugar nalang kami mag-iinuman. Next time na lang siguro tayo sa bahay mo. Mauna na kami" sabi ni Lynuz.
"Sige. Next time na lang."
Ngumiti lang si Lynuz at pinaandar na ang kotse nito.
Naninibago ako kay Lumiere. Dalawang beses na niya akong pinagtatakpan kanina.
Hindi kaya.. Alam na niya na hindi ako si Cyrex?
"Lumiere.. Salamat.."
"Salamat? Para saan?"
Alam na kaya niya?
"Yung kanina.. Kasi.." Sasabihin ko na kaya?
Hinawakan niya ako sa kamay.
"Yung kanina ba? Ayokong makipag-inuman ka ulit. Baka kasi mawala ka ulit sakin.."
Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at niyakap ko siya.
Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sakin ngayon. Pero ayoko syang nakikitang malungkot.
Yakap ko pa din siya..
"Hindi na kita iiwan..hindi ako mawawala sayo.." Mga salitang binitawan ko..
To be continued..,