Lumiere's POV Ang kulit nya! Sinabi ko na nga na space muna pero sunod parin siya ng sunod! "Lumiere, mag-usap tayo.. Ayusin natin ito.." "Wala akong time makipag-usap. Cleaners ako ngayon. Maglilinis pa ako sa lumang building. Maiinip ka lang sa kakahintay kaya mauna ka nang umuwi.." "Okay lang ang maghintay sayo. Sabihin mo nga sakin. May pag-asa pa bang magkaayos tayo? Inaamin kong may mali ako pero ikaw itong umiiwas sakin.. Mahal mo pa ba ako?" Mahal ko siya pero... "Sabihin mo sakin ang totoo.. Ako ba ang mahal mo? o mahal mo lang ako dahil nakikita at naaalala mo si Cyrex sakin?"tanong niya at hinawakan ang kamay ko. Humarap ako sa kanya.. "Mahal kita dahil nakikita ko lang sayo si Cyrex.." Oo. Yun nga ang nararamdaman ko.. Hindi ko parin nakakalimutan si Cyrex.. Mahal

