FRUSTRATION

3121 Words
Late na akong nagising kinaumagahan dahil sa kakaisip ng nangyare kagabi. Hindi ako makatulog dahil sa dami ng bumabagabag sa isipan ko. At hanggang ngayon ay gulong-gulo parin ako dahil sa mga sinabi ng lalaki na iyon sa akin. Tama pa bang ipagpatuloy ko ang plano na to? f**k! Nagdesisyon na akong tumayo at kumilos na, pumasok na agad sa banyo at nagsimula ng maligo. Bumaba na din ako pagkatapos kong maligo at magbihis. Plano kong kausapin ito at tanungin sa mga bagay na ginawa nya kagabi. I need to clarify something. Mababaliw ako kapag ganito. Habang naglalakad pababa ay may narinig akong nagtatawanan. It's Eila and Cain. Hindi ko alam kung bakit parang naninikip ang dibdib ko habang naririnig na tumatawa ito kasama ang babae na yun. Nakalimutan nya na ba ang nangyari kagabi? O sadyang wala lang siyang pakealam doon? Damn it! Bakit nasasaktan ako! f**k! Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nasa sala pala ang dalawang haliparot. Nakangiwi ko itong tinignan, hindi ko na nakita ang tingin ni Cain dahil umiwas na agad ako ng tingin sa mga ito. I don't want him to see me like this. Mabulunan sana kayo ng sarili nyong laway! Bwisit! Dumiretso na ako sa kusina upang tignan kung may pagkain pa, baka kasi inubusan na ko ng dalawang yun, tsk. Pagkarating ay nakita ko si Nimfa na mukhang nag-aalala sa akin. Tumingin ito sa akin ng mariin bago nagsalita. "Ma'am, kain na po. Hindi ko na po kayo ginising, dahil alam kong pagod po kayo." makahulugang turan nito sa akin. Tumango ako dito at nagsimula ng umupo sa upuang nakahanda para sa akin. "Ma'am..." hinintay ko itong magsalita pero tinigil lang din nito ng tumingin ako sa kanya. "What is it Nimfa?" tanong ko dito. "Eh kasi Ma'am, ano po kasi...." hindi nito matuloy na sabi. Tumingin ako dito ng parang napipikon na. Gutom ako at inis dahil sa nakita ko palang kanina. Ayokong binibinitin ako ng salita. Huminga ito ng malalim at lumapit sa akin, nagulat pa ako sa kinilos nito. "Eh kasi Ma'am, may kasamang babae si Sir.. Ah..Eh..ayos lang po ba 'yon sa inyo? halos hindi ko na marinig na bulong nito. Parang nahihiya pa ito at lumayo agad ng nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Nimfa, come here. I want to tell you something." sambit ko dito sa mahina rin na boses. Natatakot itong lumapit sa akin, para pa itong nag-aalangan kung lalapit ba o hindi. Ngumiti ako dito upang hindi ito kabahan. Mukha namang gumana ang ngiti ko dito dahil malugod na itong lumapit. Inilapit ko ang tenga ko sa kanya at bumulong ng nagpagulat dito. "Nimfa. I want to kill someone." bulong ko ditong ikinalaki ng mata nito. "That woman and that f*****g asshole. Silang dalawa ang uunahin ko." Napaatras ito sa sinabi ko habang nanlalaki padin ang mga mata nito. Nakita ko pa itong tumiigin kung nasaan ang pwesto ng dalawang malandi bago ibalik ang tingin sa akin na kinakabahan. "Seryoso ka dyan Ma'am?" tanong nito sa akin nito habang kabado parin. Nginitian ko lang ito at nagsimula ng kumain. Habang hinihiwa ko ang ang nakahandang pagkain ay hindi ko maiwasang mainis. hindi ko namalayan na halos madurog na pala ang karneng hinanda para sa akin ni Nimfa. Napatingin ako dito habang ngumunguya. Namumutla itong umiwas ng tingin sa akin. "Ayos ka lang Nimfa?" Inosente kong tanong dito habang sumusubo ng kanin. Tumango lang muna ito pagkatapos ay nanginginig na nagsalita. What the hell? Did she take it seriously? "M-ma'am may pupuntahan lang po ako. Tawagin n-nyo na lang po ako kapag may k-kailangan ka-ayo." halos hindi pa nito maayos ang pagkakasabi dahil nanginginig pa din ang labi nito. Tumango lang ako dito at hinayaan na itong umalis. Sumagi na naman sa isip ko ang nakita ko kanina at ang nangyari kagabi. He's making me f*****g confused. May mga ginagawa siyang bagay na hindi ko akalaing magagawa nya sa akin. And it's f*****g bothering me. I shouldn't feel this. Tinapos ko na ang pagkain at nagdesisyong magbabad sa swimming pool. Masyadong mainit ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. I need to swim to freshen up my mind. Mababaliw ako kapag ganito. Umakyat muna ako sa taas upang magbihis ng swimsuit na binili ko pa one month ago. One month ago, I was planning to enjoy the vacation that was given to me. I imagined myself at the beach swimming happily. And I chose Philippines because i want to take a f*****g vacation here and it turns out nothing. NOTHING! Napabuntong hininga ako habang sinusuot na ang napili kong Ombre Halter Thong Bikini Swimsuit. Kung hindi sana ako pumayag sa gantong set-up edi sana masaya na ako ngayon sa dagat at hindi naguguluhan ng ganito. "Ugh! I f*****g hate you!" sigaw ko para maalis ang frustration na nararamdaman. Bumaba na ako ng tahimik. Wala na akong pakialam kahit maglandian pa sila sa bahay na ito, wag lang silang magsesex dahil respeto ang gusto ko. Naglakad na ako palabas, hindi ko ito pinasadahan ng tingin kahit pa nakikita ko itong nakatitig sa akin. "It's your loss asshole." mahinanang bulong ko. Magsosorry sana ako sayo wag na lang. Nilapag ko na muna ang towel na hinanda ko para sa sarili ko bago tinawag si Nimfa. Naglalagay ako ng sunblock sa katawan ng lumapit ito. "Yes, Ma'am." tanong nito pagkalapit. "Uhm, pwedeng pakilagyan yung likod ko." pakiusap ko ditong nakangiti. Tumango naman ito at lumapit na para lagyan ang likod ko. Pagkatapos nitong lagyan ang likod ko ay tumayo na ako at humarap dito. "Thanks Nimfa." turan ko at lumapit na sa pool. Habang naglalakad papalapit ay may naisip pa akong request. "Ah. Last na to i promise. Can you get me some wine too." pakiusap ko ulit dito habang bumababa na sa tubig. Tumango naman ito at tumalima na agad sa sinabi ko. This is heaven! Damn it! After one month makakalangoy na din ako. Hindi man sa dagat pero ayos na ito. Narinig kong dumating na si Nimfa at inilagay na nito ang pinahanda kong wine. Hindi na ito umalis pero hindi naman ito nagsalita. Nagpatuloy na ako sa paglangoy papuntang ilalim. Everything's making me insane. Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako sa pwedeng kalabasan ng lahat ng pinaggagawa namin ni Selene. At natatakot ako sa nararamdaman ko. Damn it! Umahon na din ako ng maramdaman kong mauubusan na ako ng hininga. Pagkataas ko ng ulo sa tubig ay nakita kong palabas na ang babaeng naghihimutok sa galit. Iniwas ko ang tingin dito ng dumako ang tingin nito sa akin. "What? Kasalanan ko bang mas maganda ako sayo." sarkastikong turan ko habang nararamdaman parin ang titig nito. Lumangoy na ulit ako at umahon na din ng magsawa. "Ma'am towel po." abot sa akin ni Nimfa ng humawak na ako sa handrail. Inangat ko na ang katawan ko mula sa tubig at inabot agad ang towel mula kay Nimfa. Habang nagpupunas ay napadako ang tingin ko sa may bandang pintuan. And there i saw him staring straight at me. I couldn't look at him in the eyes so i stared at the towel instead. Naglakad na ako palapit sa upuan kung nasan ang pinahanda kong inumin. Ramdam ko parin ang paninitig nito. Bahala ka dyan sa buhay mo. Manigas ka. Sinalinan agad ako ni Nimfa sa kupita ng wine. Habang nagpupunas ng leeg ay inilagay ko sa labi ang kupita at sinandyang tumingin sa pwesto kung nasan si Cain. I'm not seducing him, I'm just making him realize his loss. Napangisi ako ng umiwas ito ng tingin at agad na pumasok sa loob, narinig ko ring tumawa si Nimfa. Tumingin ako dito ng nagtataka. "Why are you laughing Nimf?" taka kong tanong ng hindi parin ito tumigil ng tawa. "Ang epic ng mukha nya Ma'am. Akala nya siguro matatalbugan nya po ang beauty niyo." natatawa padin nitong sabi. Naguguluhan ko itong tinignan, sinong tinutukoy nya? Si Eila? "Huh? What are you talking about?" tanong ko dito. "Eh kasi Ma'am habang lumalangoy ka po eh biglang umalis yung baabe na parang inis na inis tapos po tumigil muna siya at tumingin sa banda po ninyo ng masama. Ang epic po ng mukha nya. Hinihintay nya siguro na pigilan siya ni Sir Cain, eh mukha ngang walang pakialam sa kanya." mahabang kwento nito sa akin habang tumatawa pa. Napailing na lang ako ng ngumiti pa ito habang tinataas-taas ang kilay. "Silly" iling kong turan dito. "Yiee si Ma'am." pang-aasar pa nito. Iniwan ko na ito at pumasok na sa loob. Nagdesisyon na akong umakyat sa taas upang magbihis. Malapit na ako sa pintuan ng makasalubong ko si Cain. Nakatitig ito sa akin ng mariin. Akala ko may sasabihin ito ng daanan lang ako nito ng parang hindi ako nito nakita. What the f**k? Padabog kong isinara ang pinto at dumiresto na sa banyo. Pagkalabas ay nagbihis din ako agad. I want to go somewhere, nabubwisit ako sa lalaking yun. I decided to wear a big bow cami crop top pair it with a frayed lace-up denim shorts, flat sandals and a small purse. I want to go somewhere peace and just rest for a while. This day is too much for me. And too much is exhausting, damn it! Bumaba na ako at nagpapasalamat na hindi ko ito nakasaalubong ulit. Tinawag ko si Nimfa ng makalapit na ako sa sala. "Nimfa. I'm going somewhere. If mommy come here at hinanap ako just tell her that i went to buy some stuff." bilin ko dito bago naglakad palabas. Papasok na ako sa kotse ko ng tinawag ulit ako nito. "Ah eh Ma'am pano po pag si Sir Cain ang nagtanong, ano pong sasabihin ko?" mukhang alanganin pa nitong tanong sa akin. Pinaikot ko muna ang mata ko bago humarap dito. Iyon magtanong. She's probably with that b***h right now. Ugh! the hell i care! Huminga muna akong malalim bago sumagot dito. Ngumiti ako para maitago ang inis na nararamdaman. "Don't worry. Hindi naman yun magtatanong." turan ko dito at pumasok na sa loob. Nang makarating sa paboritong parke ay umupo ako agad sa paborito kong swing. I close my eyes, feeling the fresh air. Dumampi ang malamig nitong hangin sa mukha ko. Napangiti ako ng makaramdam ng kaginhawaan. "Everything is f*****g too much! Nakakapagod p*tang*na." hindi ko mapiilang sigaw habang nilalakasan ang pagtulak sa sarili sa swing. I was busy enjoying the peaceful moment when suddenly a f*****g call disturbed me. Naiinis ko itong sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag. Just like what i'm always saying, may bibig naman yung tumatawag. "You have some explaining to do Serene Aria Saldivar." pakinig kong turan ni Mark mula sa kabilang linya. Nanlaki ang mata ko dahil dito. s**t! "Where are you?" tanong ko dito. "Tss. Andito ako sa Cafe Delmont sa Makati. Kakatapos ko lang umattend ng meeting." cold na sabi nito. "I'm on my way. Please dyan ka lang." pakiusap ko dito bago ibinaba ang tawag. Dumiretso na agad ako sa kotseng ipinarada ko lang sa tabi. Wala naman kasi parking lot dito dahil hindi na ito dinadalaw masyado ng mga tao. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko agad ito dahil ito lang ang nag-iisang nakataas ang kilay sa akin. Shocks, that's a killer eyebrow. Nangingimi akong umupo sa harap nito. Hindi muna ako umimik dahil nakatitig lang itong mariin sa akin. Narinig ko itong bumuntong hininga bago nagtawag ng waiter para sa order. Kinausap lang ako nito ng lumapit na ang waiter sa amin. "What do you want?" malamig parin nitong turan sa akin. Ngumiti ako dito bago tumingin sa Menu. Ngumiti muna ako sa waiter bago nagsalita. "I would like to have one caramel macchiato and a blueberry cheesecake please." "One caramel macchiato and one blueberry cheesecake coming right up. How bout you sir?" ngiti nitong turan sa akin at bumaling na kay Mark. "I'm fine." walang emosyon nitong sambit at humarap na sa kinakain nito. Napabuntong hininga ako bago humarap dito. "Mark. I'm sorry i didn't tell you." paunang wika ko dito. Umangat ang gilid ng labi nito. "I was planning to tell you naman talaga eh. I'm just having a hard time right now." nakayuko kong turan dito. Napahikbi narin ako dahil sa frustration na nararamdaman. Nag-angat na ito ng tingin sa akin at mukang naguguilty. "Kung hindi lang kita mahal eh. Next time you tell me, okay." nangingiwi nitong sabi. My charm always work, hihi. "Thank you" masaya kong turan dito. Dumating na inorder ko at sinimulan ko na itong kumain. "I want to make bawi, so yayain kita ulit magbar." nakangiti kong turan dito habang sumisimsim sa kape. Umismid muna ito bago ito nagsalita. "Tapos ano? Pupunta ulit si Mr. Peterson tapos manununtok?" sarkastiko nitong utas sa akin. Nairita agad ako ng banggitin nito ang pangalan. "Please don't mention his name. Umiinit ulo ko." naiinis kong sagot dito. Tumahimik naman ito at tinignan na lang akong mariin. "Cain is my husband. It's a fixed marriage so we're not really in love with each other." pagkukwento ko dito. Half-true nga lang. I want to keep it a secret, sa amin lang dapat ni Selene yun. "Girl! yung inakto nya kagabi ay hindi gawain ng lalaking walang nararamdaman sayo!" halos pasigaw pa nitong sabi. Maging ako ay napaisip. Pinilig ko lang ang ulo ko at tumawa sa narealize. "You do know that she has a girlfriend, right?" ngiwi kong tanong dito. "I know. But he never punch a man dahil lang sa sinayawan ka. He usually calm kapag ganon or tatawag na lang siya ng guard. Pero sayo girl! Para siyang sasabog na bulkan. Gulat kami" hindi parin makapaniwalang kwento nito sa akin. I don't want to have high hopes. It's just his ego. Tama! Ego nya lang iyon. Umiling ako dito tanda ng hindi ko pagsang-ayon. "Let's not just talk about him. Nasa girlfriend nya yun ngayon. Baka naghahalikan yun at biglang mabulunan pa." matabang na sabi ko. Napangiti ito at dahan dahang umiling. Hindi ko na lang ito pinansin. Natapos kami doon at dumiresto na muna sa condo nito upang magbihis. Mabuti na lang at may mga damit itong pambabae sa closet kaya may nagamit ako. "Why you have so many dresses here? Don't tell me nagsusuot ka nyan?"nang-aasar kong tanong dito. Ngumiwi lang ito at lumabas na para makapagbihis ako. It's a black cloak neck backless halter top and skirt. Pair it with a black stilleto. Napatingin ako sa itsura ko sa salamin. Dang it! Ang ganda! Nakarinig ako ng katok sa pinto dahilan upang mapatingin ako doon. Pumihit na ang pinto at pumasok si Mark. "Ano? Crush mo na ko?" ngising aso kong turan dito. Tinignan ako nito ng parang masusuka. "Yuck! Kung ano anong malalaswang lumalabas sa bibig mo!" nandidiri nitong turan at patakbong pumasok sa banyo. Natawa ako sa reaksyon nito at lumabas na. Nang matapos ito ay umalis na kami agad. Isang kotse lang ang ginamit namin dahil wala akong planong umuwi sa bahay. I don't want to see him muna. This time, hindi kami sa Xylo pumunta. Kagabi lang nangyari ang kaguluhan nakakahiya naman kung doon kami ulit. We party all night, pagod na pagod ang katawan ko. Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan ni Mark. "Are we here na?" tanong ko dito sa malumanay na boses. "Nandito na tayo sa bahay mo sis. I'm so sorry." pakinig kong sabi nito, ngunit hindi ko na ito inintindi dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Fuck! Baka magkahang-over ako bukas. Naramdaman kong bumukas na ang pintuan ng kotse at hinawakan na ako sa bewang ni Mark. Hinila ako nito palabas ng kotse at inalalayang makalakad ng maayos. I'm not totally drunk. Pero sino bang lolokohin kong hindi ako ganon kalasing para kayaning maglakad. "Who are you?" rinig kong salita ng baritonong boses. Inangat ko ang ulo ko at ng makitang si Cain ito ay ngumiwi ako. Naramdaman kong napatigil si Mark dahil dito. Tinapik ko pa ito upang magpatuloy na sa paglalakad. "I'm mark. And i don't like her so please don't punch me. I'm just a friend." naramdaman ko ang panginginig nito habang nagsasalita. Napailing na lang ako. "Saan kayo galing, bakit lasing iyan?" "Ah. Galing kami sa bar. Sinabihan ko naman siya na unti lang ayaw lang talaga niya. And don't worry binantayan ko siya." sagot pa nito. Nakarinig ako ng katahimikan bago naramdamang umangat ang katawan ko sa ere. Naamoy ko agad ang pabango ni Cain. I was about to protest ng higpitan pa nito ang hawak sa akin. "Thanks." simpleng turan nito at naramdaman kong pumasok na ito sa loob ng bahay. Nagpumiglas ako ulit ng naramdamang nasa loob na kami. "Stop moving! Damn it!" naiinis nitong sambit. Hindi ako nagpatalo dito kaya naman gumalaw ulit ako. Wala itong nagawa kundi ang ibaba ako. "f**k!"rinig kong bulyaw nito bago ulit kunin ang bewang ko para alalayan. "Don't touch me! I can handle myself!" sigaw ko dito. "I doubt that! Matutumba ka na! Wag ka ng matigas ulo." galit na bulyaw nito. "Why don't you just leave me alone. Pumunta ka doon sa girlfriend mo!" galit na utas ko dito. Naramdaman kong napatigil ito kaya naman napatingin ako dito. Nakatitig lang ito sa akin ng mariin at pinigilan ang ngiting gustong kumawala sa labi nito. Tinarayan ko lang ito at naglakad na. "Ang tigas talaga ng ulo mo!" sambit nito bago ko ulit naramdamang umangat ako sa ere. Napahiyaw ako sa ginawa nito. "Hey! Put me down you f*****g asshole." galit na utas ko dito. Nakita kong nagtagis ang bagang nito sa sinabi ko. "I said put me down you fuc--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng siniil na nito ng mainit na halik ang labi ko. His kisses was ferocious and intense. Galit na galit itong habang hinahalikan ang labi ko. Naglahong bigla ang hilo ko dahil sa nangyari. I think i'm sober up already dahil sa biglaang halik nito. Damn it! Nakabukas parin ang bibig ko matapos nitong lapastanganin ang labi ko. He licked his lip while smirking after the kiss. Napalunok ako dahil sa ginawa nito. Fuck! Galit ko itong tinignan at nagpumiglas para bitawan na. Pinakawalan naman agad ako nito. "Why the hell did you do that?" bulyaw ko ng makalayo na dito. Nagkabit balikat lang ito sa sinabi ko habang nakatitig parin sa mukha ko. "f**k! You're hotter when you're mad." pakinig kong bulong nito. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin dito. "Hindi ka manghahalik ng isang tao kapag hindi mo gusto!" bulyaw ko dito para itago ang malakas na kabog ng puso ko. Tumitig ito sa akin bago ngumisi. "Baby, you're not sure." ngising sabi nito bago ako talikuran. Fuck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD