Still, Maxine’s POV MAGING ako ay hindi makapaniwala sa repleksyong nakikita ko sa salamin. Mas may igaganda pa pala ako kapag inayusan. Ngayong gabi ang acquaintance party. Nasa bahay ako nila Meghan, pinapunta ako nito para maayusan. Bumagay sa akin ‘yong binili nitong kulay pitch na strap-less heart-shape-chest c**k-tail dress na above the knee ‘yong haba, plus crystal silver stilleto. “You’re beautiful Maxine.” puri ni Meghan na noon ay nakatingin rin sa akin sa salamin. Ngumiti ako rito. “Thanks, huh!” Umiling si Meghan. “Nah, don’t mention it. Isipin mo na lang huling taon na natin ‘to. I-enjoy natin ang gabi. Bawal ang KJ hah, kilala kita.” Muli ko itong nginitian bilang tugon bago ibinalik ang tingin sa sariling repleksyon. SA hallway ng COM building nagtipon-tipon ang lahat

